HAPPY LUMIPAS ang ilang minuto na solo na lang namin ni Ray ang bahay ngunit nakakabinging katahimikan pa rin ang umalipin sa paligid. Nakatingin lang ako kay Ray. Alam ko na hanggang ngayon ay natigilan pa rin siya sa ginawa ni Lizzy, and at the same time, nararamdaman ko rin ang takot niya na humarap sa akin. Siguradong iniisip niya na ikinakagalit ko iyon. Pero kung ano man ang totoong nararamdaman ko ngayon, minabuti ko na sarilinin na lang muna. Sabay pa kaming napatikhim ni Ray para tapusin na ang kaatahimikan at sabay ding naglakad patungo sa isa’t isa. “I’m sorry, my Happy…” agad na hinawakan ni Ray ang aking kamay nang magtagpo kaming dalawa. “Hindi ko inaasahan na gagawin iyon ni Lizzy. Pero pangako, sinisiguro ko sa’yo na wala nang dating sa akin ang halik niyang iyon. At hi

