HAPPY NANG makarating ako sa tapat ng pintuan ng CEO’s office, gusting-gusto ko nang pihitin ang doorknob at itulak nang malakas ang pinto dahil sa galit na nararamdaman ko ngayon kay Calix. Gigil na gigil ako nang makitang late na ako ng thirty minutes. Bigla na lang kasing nasira ang elevator na sinasakyan namin kanina pagkaalis niya. Hindi na umandar kaya na-stock tuloy ako ng ilang minute sa loob niyon. Hindi ko alam kung bakit nangyari iyon. Pero malakas ang kutob ko na may kinalaman doon si Calix. Siguradong ginamit niya ang pagiging boss sa gusaling ito para manipulahin ang elevator. Para pahirapan ako at lalong inisin. I took a deep breath bago ako marahang kumatok. Pero kung wala lang ibang empleyado dito sa labas na padaan-daan at ang iba ay nakatingin at bumati pa sa akin, ka

