HAPPY ISANG linggo na rin akong nagtatrabaho bilang secretary ni Calix. Kahit palagi kaming nagbabangayan, nakakahinga pa naman ako nang maluwag dahil hindi pa nangyayari ang mga worst scenario na inaasahan ko. Katulad ng pagse-set ko ng date sa mga babae niya. Palagi na rin akong mas maaga na umaalis ng bahay. Para in case man na gawin uli sa akin ni Calix ang ginawa niya noon na pag-manipula sa elevator, may ekstrang oras na pa rin ako. Pero sa awa ng Diyos, hindi pa naman niya inulit iyon. Never na rin kaming nagkasabay uli. Sa VIP elevator na kasi siya dumadaan, eh. Naisip ko nga na baka sinadya lang niya talaga noon na sumabay sa akin para lang ma-late ako. Wala pa sa opisina si Calix nang dumating ako. Bago nagsimulang magtrabaho, naisipan ko na magtimpla muna ng kape. Hindi na k

