HAPPY “KAILANGAN ba talaga na bumukod pa kayo ng bahay?” tila nagpoprotestang tanong sa akin ni Jestoni nang sabihin ko sa kaniya ang balak ko na kumuha ng sarili naming matitirhan. Ilang araw na rin simula nang dumating kami galing Malaysia. At hanggang ngayon ay dito pa rin kami nag-i-stay sa malaking bahay niya sa Pampanga, kung saan niya rin kami hinayaang manatili ni Kaycee noong pinagtaguan namin si Ray. Dito rin kami pansamantalang tumira noon ng aking panganay bago kami tumungong Malaysia. “You know I must, Jes. Nakakahiya naman kung habambuhay kaming magpapakupkop sa’yo rito,” sagot ko naman sa boses na desidido na. “Hindi mo naman kami obligasyon. Sobrang dami na nga ng naitulong mo sa amin, eh.” “Bakit? Naniningil ba ako?” Tumikwas ang kilay ni Jestoni. “Wala naman na akong

