HAPPY “ANG unfair mo rin talaga, ano? Iyong alok sa’yo ng Jasmin na iyon, tinanggap mo. Pero ang trabaho na ibinibigay ko sa’yo, tinanggihan mo,” panay ang reklamo na sabi ni Jestoni bago ako umalis isang umaga para mag-submit ng requirements sa office ni Miss Jass. Tamang-tama naman kasi na kailangan niya uli ng bagong secretary. “Iyon kasi, nag-apply talaga ako doon. Nakipagsabayan ako sa ibang applicant at totoong pinili ni Miss Jass kung sino ang mas deserving. Hindi nga sana ako ang mapipili pero nag-back out lang ang totoong natanggap dahil hindi pinayagan ng asawa,” natatawang paliwanag ko kay Jestoni dahil sa kaniyang reaksiyon. “Kaya huwag ka nang magtampo diyan.” “Sus, ang sabihin mo, mas pabor ka lang talaga sa kaniya dahil pinsan siya ng ex mo.” Pumalatak ako. “At twin brot

