HAPPY “MAY bisita ka,” sabi sa akin ni Jestoni nang mapabuksan ko siya ng pinto. Kunot ang noong napatingin ako sa kakambal ni Jeffrey. “Bisita?” Napaisip talaga ako. Sino pa ba ang posibleng bumisita sa akin dito sa bahay ni Jestoni? Walang ibang nakakaalam na may kakambal si Jeffrey. Kahit si Ray. Tanging mga magulang lang nila ang nakakaalam tungkol sa bagay na ito. Ngunit sa pagkakaalam din nila, matagal nang patay si Jestoni. Ayon sa kambal ni Jeffrey, limang taon daw sila noon nang masangkot sa isang plane crush ang kanilang pamilya. Marami ang namatay at iilan lang ang natirang buhay. Kasama na roon ang pamilya ni Jeffrey, maliban kay Jestoni. Ang totoo niyan, nabanggti din sa akin ng ex ko ang tungkol sa malagim na pangyayaring iyon. Pero never niyang nabanggit sa akin na may

