Addilyn's pov
*Kringgg!*Kringgg!*
Agad akong napabangon ng biglang tumunog ng sobrang lakas ang alarm clock ko. Pag kapatay ko nito ay dumeretso nako sa banyo para maligo at may pasok pako sa school.
By the way, I'm Addilyn Trixie Farren, I am 18 years old. Maganda, mabait, matalino, mahiyain, mayaman pero mahina. I'm the only daughter of the Farren family. I don't have any boyfriend since birth dahil mas gusto kong mag aral kaysa makipag landian hehe.
Nakapag bihis nako ng uniform at dumeretso na sa kotse ko. Yes, I have my own car. Dad bought it for me. Actually, may driver din ako but, I said that I can handle myself. Mabilis akong nakarating sa Zmith's University at puro mayayaman ang nag aaral dito. Habang nag lalakad ako ay di ko maiwasang marinig ang mga bulungan nila.
"Siya ba yung new girl?"
"OMG. Ang ganda niya!"
"Ano kayang section ni ate girl?"
"Grabe may lahi kaya siyang foreigner?"
Yan ang mga narinig ko mula sa mga estudyanteng nakakasalubong ko. Napangiti na lang ako ng palihim dahil sa mga komento nila. Habang nag lalakad ako sa hallway ay may biglang sumigaw.
"Pst! Tabi!" hindi pako nakakalingon ng bigla akong natumba.
"Aray!" sigaw ko.
"Tsk! Haharang harang kase!" saad niya habang nakatingin ng masama sakin bago ako nilayasan. Siya na nga ang nakabangga siya pa tong may ganang magalit?!
Inis kong pinagpag ang sarili ko ng may biglang nag lahad sakin ng kamay. Nang iangat ko ang ulo ko ay may nakita akong isang gwapong lalaki na nakangiti habang nakatingin sakin.
"Let me help you" hinawakan niya ang pulsuhan ko at hinila dahilan para makatayo ako.
"Here" saad niya sabay abot sakin ng mga gamit na nabitawan ko.
"T-thank you" nahihiya kong kinuha ang mga libro ko.
"You're welcome. I'm Aiden, and you are?" tanong niya sabay turo sakin.
"Addilyn" sagot ko.
"Nice to meet you, Addilyn. So what class are you from?"
"Uhm, A - Shrine. I don't know where it is cause I'm kinda new here"
"Oh I see. Come with me. Dun din ako eh" marunong naman pala toh mag tagalog.
"O-ok" saad ko at sumunod sa kanya.
Nakarating kami sa third floor ng isang building at maya maya lang ay tumigil siya sa pag lalakad.
"Here's our class" saad niya sabay bukas ng pinto at bumungad samin ang mga nag iingay na estudyante.
Hinila niya ang kamay ko papasok at dumeretso kami sa mga bakanteng upuan. Binaba niya ang bag sa isang upuan kaya binaba ko na rin ang bag ko sa katabing upuan niya. Umupo na kami at saktong dumating ang teacher kaya nagsi tahimik silang lahat.
"Good morning class! Today we have a new student!" saad niya sabay tingin sakin.
"Ms. Farren, kindly introduce yourself" tumayo ako at nakayukong dumeretso sa harapan.
"I-I'm Addilyn Trixie Farren, 18 years old" nahihiya kong pag papakilala.
"So, Ms. Farren. Tell us more about yourself"
"Well, I'm a valedictorian back when I was in senior high and I am a quiet and shy person"
"Very good---" napatigil siya sa pag sasalita ng biglang bumukas ang pintuan.
"Mr. Zmith! Don't you have any manners?!" nanlaki ang mga mata ko ng makita kung sino ang nasa pintuan.
"Tsk!" saad niya at nilagpasan ako tsaka dumeretso sa upuan sa dulo kasama ang mga kaibigan niya.
"Ms. Farren, you can go back to your seat" nakangiti niyang saad at tumango ako tsaka bumalik sa upuan ko.
*Few hours later*
"Hey, let's have lunch together" pag aayaya ni Aiden.
"Ok" nakangiti kong sambit at sumama sa kanya.
I don't know where the cafeteria is so sunud sunuran lang ako sa kanya hanggang sa nakarating na kami dun. Umorder muna kami ng pagkain tsaka nag hanap ng bakanteng table.
"So, isa ka palang milyonarya" saad niya habang nakain kami.
"What?" tanong ko pero tinawanan niya lang ako.
"N-no. I'm not a millionaire"
"So hindi mo relative si Mr. Farren ang sikat na bussiness man?"
"Well, I'm his daughter" bulong ko. Ayoko kasing may nakakaalam na anak ako ng isang mayaman.
"Well, that's still the same" saad niya sabay tawa.
Napuno ng tawanan at kwentuhan habang kami ay nakain. Natapos na ang lunch break at wala kaming teacher dahil nagkaroon ng meeting ang mga teachers ngayon.
"Tara" napaangat ako ng ulo ng biglang may nag salita.
"H-huh?"
"Tara. Gala tayo paikot ng school"
"Ah eh. Nag aaral kasi ako eh" saad ko.
"Aral? Wala pa naman tayong lesson eh. Sige na" pag pupumilit niya at hinila ako. Wala nakong nagawa kundi sumunod sa kanya.
Habang hila hila niya ako ay hindi ko magawang takpan ang water bottle na kanina ko pang hawak hanggang sa...
"What the fvck?!" sigaw niya ng mag bangga kami at natapon ko ang tubig ko sa kanya.
"I-I'm so sorry!" saad ko at inangat ang ulo ko.
"Ikaw nanaman?!" sigaw niya sabay turo sakin. Siya nanaman?! Bat ba lagi kong nakakasalubong tong lalaking toh?
"Wag kang tatanga tanga sa susunod miss ha!" madiin niyang saad at nilagpasan ako.
"Ok ka lang?" tanong ni Aiden.
"Ah oo"
"Wag mo na pansinin yun. Bad boy yun dito eh"
"Sino ba yun?"
"Siya si Aizel Kenji Zmith. Ang anak ng may ari nitong school. Iwasan mo na lang yung lalaking yun baka awayin at pag tripan ka pa nun" saad niya at hinila ulit ako.
*Fast Forward*
Uwian na kaya dumeretso nako sa parking lot ng biglang tumunog ang phone ko.
"Hi mommy"
"Hey sweetie. Where are you?"
"I'm on my way home, why?"
"Your driver is waiting for you at your condominium. Wear the dress your driver will give you then go here ok? Bye I love you"
"Mom wait---" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng pinatay na niya ang tawag. Aishh!
Nakarating ako sa condo at nandun na nga si kuya.
"Hi po kuya!" bati ko.
"Magandang araw sayo ma'am. Pinapabigay po ito sa inyo ng mommy niyo" saad niya sabay abot sakin ng dress.
"Hihintayin ko po kayo dito" tumango ako at dumeretso na sa unit ko.
Hinubad ko na ang uniform ko at sinuot ang dress. Spaghetti yellow dress siya at under the knee ang haba. Nag suot na rin ako ng yellow doll shoes at nag lagay ng konting make up.
*Few minutes later*
Nakarating kami sa mansion ng parents ko at pag pasok ko ay sunod sunod nila akong binati. Ngiti at tango lang ang ginawa ko at tsaka dumeretso sa loob.
"My beautiful daughter is here!" saad ni mommy at lumapit sakin tsaka ako niyakap.
"Hi mommy! Hi daddy!"
"Hi Princess"
"So, why did you call me here?" tanong ko.
"Let's go to the dining room sweetie. May gusto akong ipakilala sayo" nakangiti niyang sambit at hinila ako papunta sa dining room.
"Balae, eto pala ang anak kong si Addilyn!" pag papakilala ni mom sakin sa mag asawang I think ka age nila.
"Good evening po" bati ko.
"Good evening hija! Napaka ganda mo naman" pag pupuri sa akin ng babae.
"Thank you po"
"Nasan pala ang anak mo?" tanong ni dad.
"Naku, ewan ko dun. Sinabi kong wag mag pa late ginagawa pa rin" iling iling na saad nung lalaki.
Umupo muna ako sa tabi ni mom at maya maya lang ay nilapitan kami ng maid.
"Ma'am, sir. Nandito na po siya"
"Mabuti naman at nakarating kapa" sermon ng lalaki habang ako naman ay nainom ng juice.
"Dad, atleast I came" napatigil ako sa pag inom ng marinig ko ang boses na yun. Dahan dahan ko itong nilingon at...
"IKAW?!" sabay naming sigaw sabay turo sa isa't isa.
To be continued