KABANATA 5

1565 Words
A R I Y A H "Nay talaga bang ayos lang kayo?" Tanong ko kay inay habang inaalalayan siyang humiga. Kakainom lang din kasi niya ng gamot. "A-Ayos lang naman ako anak, sabi ko sayo wag muna akong alalahanin pa pagtuunan mo ng pansin ang kapatid mo na nagaaral" nakangiting sambit ni inay sakin kaya napangiti rin ako sa kanya. Gagawin ko lahat para lang mairaos ko sila sa buhay na ganito, simula nung iwan kami ni itay, ako na ang tumaguyod sa kanila pinili kong tumigil sa pagaaral para lang may pangtutos kami sa pangangailangan namin sa bahay. Ayokong umasa lang kay Zen, ayoko na may masabi ang iba na ginagamit ko si Zen para sa pansariling interest, mahal ko siya at kahit kailan hindi ko siya ginamit para lang mabuhay kaming mag-iina. Alam kong mayaman sila Zen kumpara sa amin at kilala siya sa buong mundo kaya natatakot ako kapag nalaman ng lahat ang relasyon namin baka hindi nila ako matanggap dahil isa lang akong mahirap na hindi kayang pantayan ang buhay nila. "Nasan na si Zendrick? Akala ko ba may lunch kayo?" Napalingon ako kay inay na nakatitig pala sakin. Pilit naman na ngumiti ako sa kanya. "Hindi na tuloy nay dahil may aasikasuhin pa daw siya alam ko namang busy siya sa trabaho niya" i lied. Dahil ang totoo hindi ko alam kung nasan si Zen tinatawagan ko siya pero naka off ang cellphone niya, hindi na rin ako aasa dahil baka nasa trabaho pa siya ngayon. Papasok na lang ako sa Resto, sa isang sikat na resto kung saan kilala ni Zen ang may-ari. Pinasok niya ako dito dahil ayaw na niya akong bumalik sa club dahil baka mangyari nanaman yung nangyari na muntikan nakong gahasain nung matandang yon kaya imbis na tumutol pumayag na lang ako dahil mas malaki ang kikitain ko dito. Lumabas nako ng kwarto ni inay dahil kailangan pa niyang magpahinga baka kasi atakihin nanaman siya at mataranta nanaman ako hindi ko pwedeng istorbohin si Zen dahil baka may mga meeting siya ngayon. Paglabas ko bumungad sakin ang kapatid ko na naglalaro sa may sofa namin yung mga laruan na bigay sa kanya ni Zen. Napangiti na lang ako at lumabas na ng bahay namin. Kailangan kong kumayod para may pang buhay ako kayla inay at sa kapatid ko. Nang makarating ako sa Resto, masyado na palang madaming tao at baka kulangin na sila. Dumiretso ako sa HQ namin ng mga waiter at waitress para magbihis. "Oh walang sundo Riyah?" Napalingon ako, si jane pala isa sa mga katrabaho ko na kaibigan ko rin. "Wala" natatawang sagot ko sa kanya. Ngumiti lang siya at inirapan ako. "Akala ko may maghahatid nanaman sayo dito, sino ba kasi yon? Gwapo ba?" Napangiti na lang ako ng maalala ko ang muka ni zen na nakangiti. "Sobra" wala sa sariling sambit ko. Tinusok tusok naman niya yung tiyan ko animoy kinikilig. "Gwapo nga dahil iba ang ngiti mo eh! Oh siya marami tayong customer doon na muna ako sa kitchen dahil baka magalit nanaman yung tigre nating boss!" Natatawang napailing na lang ako sa kanya at tumango. Hate na Hate niya kasi si Sir Adams Mondragon. Tigre naman kasi talaga kung magalit. Siya ang kaibigan ni Zen. Hindi ko pa nakakaharap yon pero alam kong tigre nga yun ika nga ni jane. Nagumpisa nakong magtrabaho, nakakapagod pero sulit naman dahil malaki ang sahod ko dito meron nakong pampaaral sa kapatid ko. Siya na lang ang tanging paraan namin para umasenso, dahil ako baka hindi na makabalik pa sa pagaaral. Sa ilang oras ko nang pagtatrabaho ngayong araw, medyo nakakaramdam nako ng pangangalay pero kaya to para sa pamilya ko! "Ariyah! May mga babaeng sikat na kakain dito sa Resto natin kaya asikasuhin mo sila" tumango naman ako sa Head Chef namin at lumabas na ng kitchen. Natanaw ko na ang mga babaeng tinutukoy ni Chef Jun kaya agaran akong lumapit. Nilabas ko na yung maliit kong notes at ballpen. "Madam--" hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko na kunot noo silang humarap sakin na tila pinagaaralan ako. "Look Who's here George" nakangising sambit ng maikli na buhok at kulay blonde ang buhok niya. "Yeah. Is she the girl right?" "Sobrang liit nga naman ng mundo! Dito pa siya nagtatrabaho sa resto ni Adams ha?" Inirapan naman ako nung pula ang buhok na may lollipop sa bibig. Sa mga tingin nila parang nilalait nila ako o parang kilala nako pero sila, hindi ko kilala. "Ang cheap ni Zen" Biglang nanginig ang tuhod ko sa narinig kong pangalan, kilala nila si Zen? Anong connection nila kay Zen? "Shut the f**k up Dale! Malaman ni faith to magalit pa sayo!" Inis na wika nung isang babaeng tahimik lang kanina habang nakatingin sakin. "What?! Im trying to be nice here! Come on Sayne!" "I agree!" "Tumigil nga kayo!" Lumingon sakin yung sayne blanko lang siyang nakatingin sakin. "Coffee.." "H-Huh?" "God! She's so stupid!" Napabalikwas ako sa sigaw nung dale kaya agaran akong yumuko dahil pinagtitinginan na kami ng mga tao dito. "Dale! I said Shut up! You scared her!" Hindi ko akalain na nanginginig na pala ako, first time kong mapahiya sa harap ng maraming tao. Napayuko ako at pinunasan ang mga luha ko. "Miss Yung order namin bilis!" Galit na sambit nung george. Kaya tumango ako at mabilis na tumalikod bago pako makalayo narinig ko ang huling sinabi nung dale. "I pity her.." Napailing nalang ako at mabilis na pumasok sa kitchen at sinabi kay chef jun ang order nila atsaka ako pumasok sa HQ namin. Napaluhod ako bigla, hindi ko alam kung bakit ganun na lang akong manliit sa sarili ko, hindi ko alam kung bakit tila may galit sila sakin eh hindi ko naman sila kilala at mas lalong wala akong ginawang masama sa kanila. Tingin pa lang nila dale at george para nakong pinapatay sa sobrang sama nilang makatingin. May nagawa bakong masama? O di kaya mali? At Anong connection nila kay Zen? - "Lady Fem matagal na po sila, sa mga natanungan ko sa kanila palagi daw pong nandon si master Z at totoo pong magkasintahan sila.." Napasuntok ako ng malakas sa punching bag na nasa harapan ko ng maalala ko ang sinabi ng P.I ko kanina nung nagkita kami. Marami siyang pictures na nagpaptunay na may kabit ang asawa ko. He's right! Si ariyah nga yon. At meron isang businessman ang nakakaalam na may kabit ang asawa ko kaya bago pa malaman ng lahat uunahan ko na ang matandang yon! Pinagsusuntok ko lang punching bag dito sa underground ng mondragon estate. Yes! Nandito ako ngayon hindi ako pumasok dhil i want to be alone para makapag isip. Kung tatanggapin ko ba na may kabit at may kahati nako kay Z! Ewan ko naguguluhan rin ako! Sunod sunod lang ang patak ng luha ko habang bumalik sa alaala ko nung una kong malaman na may kabit si Z. "How dare you!" Umiiyak na sigaw ko habang pinagsusuntok ko ang punching bag. Hindi ko akalain na magagawa mong lokohin ako! Kaya ba minsan wala ka sa bahay? Dahil nasa ibang bahay ka? Dahil ba wala kanang oras sakin dahil nandiyan na si Ariyah? Anong meron siya para gawin mong lokohin ako? Napaupo ako at humagulgol ng iyak kahit anong gawin ko hindi na maiaalis na niloko ako ni Z! Na nagawa niyang mangaliwa habang asawa niya ako! Bakit? May mali ba sakin? May kulang ba sakin? Hindi na ba ako maganda? Sexy? O baka nagsasawa ka na? Wala akong ibang ginawa Z kung hindi ang mahalin ka ibigay ang buhay ko sayo pero bakit? bakit mokong nagawang pagtaksilan? "BAKIT Z?! BAKIT?!" Pinagsusuntok ko ang sahig kahit dumugo pa ang kamay ko pero wala nakong pakialam don! Dahil para narin akong namanhid! sana nga manhid nako para hindi nako masaktan ng paulit ulit! (Back ground music) Tama bang iwanan ko na siya? Tama bang ibigay ko na siya sa makakapagpasaya sa kanya? "Wife please fight for us! I love you so much!" (Back ground music) Paano ako lalaban Z kung ngayon pa lang talo nako? Sabi nga nila hindi ba? Na hindi ka magmamahal ng pangalawa kung mahal mo pa ang una hindi ba? Sa umpisa pa lang ng laro, talo nako na kahit na kailan ata hinding hindi nako mananalo. "Faith! F*ck!" Naramdaman ko na lang na may humawak sa kamay ko. Napaangat ang tingin ko, isang tao na mahalaga sakin na may pagaalala. Masuyo kong hinaplo ang mukha niya at mapait na napangiti. (Back ground music) "Tama bang ipaglaban pa kita Z?" umiiyak na tanong ko sa kanya. Natigilan naman siya at mapaamang ang bibig. "Tama pa ba to? Mahal mo paba ako? Kung mahal mo pa ako lalaban ako Z. Ako ang lalaban sating dalawa.." (Back ground music) "What wrong with you Faith?! Look at your hand! You're hurting yourself!" Matigas na sambit niya sakin. Mapakla akong natawa. "Wala to Z. Mas masakit ang puso ko.." Mahinang sambit ko at napasandal sa matigas na dibdib niya.. "Im tired.. Can i sleep?" Hinalikan ko siya at niyakap ng mahigpit.. Magpapahinga lang ako Z pero hindi kita susukuan. "Mahal na Mahal kita Zendrick. My life, my husband, my everything.." At tuluyan nang pumikit ang mata ko at tahimik lang na umiyak habang nakayakap rin siya sakin. Sana tayo pa rin hanggang dulo Z. **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD