"Faith.." Napaangat yung tingin ko, si kuya jaxien. Seryoso lang siyang nakatingin sakin habang palapit. Napabuntong hininga na lang ako at napasandal sa swivel chair ko. Yes! Nandito ako sa opisina ko mas inabala ko na lang ang sarili ko sa ibang bagay. "What happen?" Mahinahon niyang tanong saken. Umiling lang ako at bumalik ulit ako sa ginagawa. "Baket hindi mo sinipot ang investor mo nung nakaraan? Malaking pera ang mawawala" Hindi ko siya pinansin wala akong gana para makipagbolahan sa matandang ulupong na yon atsaka balita ko manyak ang matandang kikitain ko dapat nung nakaraan. "Tapos kinansela mo lahat ng appointments mo! Anong nangyayari sayo faith?" Natigilan ako sa tanong niya at napayuko na lang. Hindi ko alam kung ano nangyayari sakin. Hindi ko na maintindiha