Hindi niya mapigilan ang magpalingon-lingon sa paligid ng nang makaakyat na sila sa rooftop ni Esha para mag swimming silang dalawa. Baka kasi nasa paligid si Angelo at gumawa ng eksena, although alam niyang hindi naman basta-basta makakapasok si Angelo sa building, matindi ang security sa buong building. "Mag swimming na tayo," anyaya sa kanya ni Esha. Kanina pa ito excited napansin niya, marahil nami-miss na talaga nito ang mag swimming. Hindi naman crowded sa pool area pero may ilang mga naroon na nakatambay o mamaya ba maliligo. May mga lalakeng foriegner at mga babae din. "Let's go," anyaya muli sa kanya ni Esha. Nang sulyapan niya ito nakita niyang naghuhubad na ito ng robang suot. Makapal ang suot nitong roba dahil may kalamigan din sa paligid. Wala siyang idea kung anong klasen

