Ramdam niya ang mga mata ni Grey na laging nakasunod sa kanya habang enjoy na enjoy sa pag langoy sa swimming pool. May kalakihan ang swimming pool pero may nakakalapit pa rin sa kanya na iilang puti, kaya marahil hindi siya inaalisan ng tingin ni Grey. Pakiramdam nga niya naiinis ito sa mga lalaking nagsusubok na makalapit sa kanya at nagpapa cute. Ewan nga niya kung bakit naglalakas loob pang lumapit sa kanya ang mga ito eh nakita naman kanina ng mga ito na naghahalikan sila ni Grey. First time niyang makipag PDA kay Grey, paano hindi na rin kasi niya nagawang pigilan ang kanyang sarili nang halikan siya nito sa labi at idikit ang magandang katawan nito sa kanya. Mukhang ok lang naman ang ginawa nila ni Grey dahil nasa ibang bansa naman sila at ang paghahalikan ay balewala lang sa mg it

