"Mag-iingat ka Grey. Ok lang kahit hindi ka manalo ang mahalaga safe ka,' seryosong saad niya kay Grey habang papasok na sila sa field kung saan gaganapin ang karera. Kinakabahan kasi siya na hindi maipaliwanag, natatakot siya na baka may mangyaring hindi maganda kay Grey. Nag-aalala talaga siya para rito. "Esha, relax. I'll be fine, sanay na ko sa larong ito, gamay ko na ito wala kang dapat ipag-alala," tugon nito sa kanya at hinawakan pa ang kanyang kamag at hinalikan iyon. "Enjoyin mo lang ang panonood," dagdag pa nito sa kanya at ngumiti. "Pero Grey, kinakabahan kasi ako, naka mapano ka at magalit pa sa akin ang Papa at Mama mo, dahil ako ang kasama mo rito at hinayaan kitang sumali sa karera," pag-aalalang saad niya rito. "Esha, sweetheart," malambing na tawag nito sa kanya at hu

