Halos hindi siya makapag focus sa panonood nang magsimula na ang karera, dahil alam niyang nasa malapit lang si Angelo sa kanya. Paminsan-minsan lumilingon siya kung saan niya ito nakita kanina at naroon pa rin ang lalake. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdamang inis at takot sa ginagawang ito ni Angelo sa kanya. Mag isa lang siya kaya medyo natatakot siya, isama pang tiyak na sisiklab ang galit ni Grey pag nakita nito si Angelo, baka nga matuluyan na si Angelo ngayon kay Grey. Kung bakit naman kasi ang kulit ni Angelo at sunud pa rin ng sunod sa kanya. Ayaw niyang mapasama si Grey nang dahil kay Angelo, lalo na't alam niyang may anger issue si Grey, madali itong magalit at sobra ito kung magalit, kung siya nga halos masaktan na siya nito, paano pa kaya ang ibang tao. Naghihiyawan ang m

