Habang kumakain sila ni Esha hindi siya makapag concentrate, lagi niya itong sinusulyapan habang kumakain ito. Napakapino ng kilos nito sa bawat pagsubo at pag inom. Ngayon lang niya iyon napansin napaka dalagang Filipina nito kung kumilos at bumagay naman sa napaka attractive na suot nito. Aaminin niyang noong una inakal niyang hindi na magbabago pa si Esha, na hahayaan na lang nito ang sarili na makulong sa makalumang pananamit, buti na lang at nakapag isip-isip ito at naging moderno na ito kung manamit. Nagustuhan niya ang transformation na ito ni Esha bukod sa talagang gumanda naman ito, siya pa ang makikinabang sa gandang ito ni Esha, dahil siya ang pakakasalan nito. Kaunting panahon na lang mawawala na sa picture si Angelo. Baka nga ngayon lang wala na ito, baka nadala na ito sa gin

