Ewan niya kung bakit tawag pa rin ng tawag sa kanya si Angelo. Muntik na nga siyang mahuli ni Grey na tinatawagan pa rin siya ni Angelo. Nakita niya kung paano magalit si Grey kay Angelo, halos patayin na nga nito si Angelo, baka kung maghaharap pang muli ang dalawa matuluyan na si Angelo. "Sino ba iyung tumatawag sa iyo kanina?" Tanong ni Grey sa kanya nang makauwi na sila sa condo nito. Napaaga nga ang uwi nila dahil mukhang nakatunog si Grey sa kanya, kaya bigla itong nawala sa mood at nagyayang umuwi na lang sila para makapagpahinga. "Ah.. Wala, kaibigan lang," pagsisinungaling niya. "Wala kang kaibigan Esha," saad ni Grey sa kanya. Wala itong ekspresyon sa mukha blanko ang nakikita niya sa gwapong mukha nito. Napakunok siya, paano ba nito nalaman na wala siyang kaibigan? Binan

