"Grey, how do you feel?" Alanganing tanong niya kay Grey nang makita itong magmulat ng mga mata. Mula ng dumating siya sa ospital kung saan dinala si Grey hindi na niya ito iniwanan nanatili siya sa loob ng hospital room ng fiancé at umiiyak. Wala naman kasi siyang magagawa sa sitwasyon ni Grey ngayon kundi ang umiyak at makonsensya sa sinapit nito. Sinisisi niya ang sarili sa nangyari kay Grey. Kung hindi sana sila nito nag away ng dahil kay Angelo di sana wala ito ngayon sa ospital at nakaratay. Sana masaya sila ngayon sa condo nito at hindi sila narito sa ospital na ito. "Anong nangyari sa akin?" Tanong sa kanya ni Grey. Hindi naman siya makasagot rito at tumulo ang kanyang luha. Sinubukang gumalaw ni Grey at naramdaman nitong hindi ito makagalaw ng maayos lalo na ang mga paa nito.

