Kanina pa siya pabalik-balik ng lakad sa loob ng sala sa kahihintay na makauwi si Grey. Basta na lang kasi umalis si Grey matapos siya nitong gawan ng hindi maganda. Hindi naman siya galit rito, natakot lang siya pero naiintindihan niya ang fiance kung bakit nito nagawa ang ganoong bagay sa kanya. Galit si Grey dahil sa nakita nito, natural lang ang naging reaksyon nito dahil nga matagal nang galit si Grey kay Angelo. Iyun nga lang kung sana hinayaan siya nitong magpaliwanag muna baka sakaling magkaintindihan sila at hindi aabot pa sa ganito ang away nila. Inihanda naman niya ang kanyang sarili sa galit na ilalabas ni Grey once na makita nito ang video na iyon. Kailangan lang nilang mag usap para maayos nila ang gusot na ito. Sinubukan niyang tawagin si Grey para sanan pauwiin na ito at n

