Kabado at hindi na naman siya mapakali nang makitang sumalang na sa practice si Grey. Hindi talaga niya gusto ang ganitong sports, masyado siyang nerbiyosa kahit alam naman niyang magaling si Grey sa ganito, iyon nga lang hindi maiiwasan ang aksidente. Ang aksidente walang pinipiling lugar o tao. Hindi niya inaalis ang mga mata niya sa sasakyan minamaneho ni Grey. Ilang beses na siyang napatayo sa kanyang kinauupuan sa tuwing delikadong stunt ang ginagawa ni Grey. Pakiramdam nga niya sasabog ang puso niya sa kaba at takot. "Relax, Grey will be fine," tinig na nagpalingon sa kanya mula sa panonood kay Grey. Tiningala niya ang babaing nagsalita na agad niyang nakilalang si Rosie. "Yeah, he will," tugon niya at muling binalik sa field ang mga mata. Unang kita palang niya sa babaing ito h

