Pinagpasalamat niyang sumama naman sa kanya si Esha kung saan siya mag pa-practice para sa laro bukas. Nais niyang manalo bukas para maipakita kay Esha kung gaano siya kagaling larangan ng karera. "How about you, Esha ano ang sports mo?" Tanong niya sa dalaga habang tinatahak nila ang kalsada para naman may mapag-usapan sila nito. Kanina pa kasi ito hindi kumikibo. "Swimming," maiksing tugon nito sa kanya. Napangiti siya dahil naalala niyang una niyang nakitang iba ang aura nu Esha noong nadatnan niya itong nag swi-swimming sa bahay ng mga ito. Hindi niya makakalimutan ang araw na iyon, dahil iyon ang araw na nagbago ang tingin niya kay Esha. Noong araw na iyon nakita niya ang totoong ganda nito, kaya siya nag decide na pakasalan na ito at huwag nang gumawa pa ng paraan para hindi matul

