Chapter 4

2521 Words
HABANG hinihintay ni Zarina si Kenji sa loob ng kuweba ay sinubukan niyang umidlip, ngunit wala pang isang minuto na nakapikit siya ay muli siyang dumilat nang maramdaman niya ang mainit na bagay na humaplos sa pisngi niya. Palinga-linga siya sa paligid ngunit wala naman siyang makitang tao. Malayo naman sa kanya si Kenji. Akmang tatayo siya ngunit natigilan siya nang mapansin ang mga tuyong dahon sa tapat niya na naggagalawan at unti-unting nag-ipon likha ng munting ipo-ipo. Napalunok siya. Tuluyan siyang tumayo at humakbang paatras. Subalit ang ipo-ipo ay unti-unting lumalaki at lumalapit sa kanya. Hindi na niya hinintay na tuluyan siyang gupuin ng ipo-ipo. Tumakbo siya patungo kay Kenji. Nagulat ito nang sugurin niya ito ng yakap. Isinubsob niya ang mukha ang matipunong dibdib nito. Nasamyo niya ang amoy ng inihaw na isda sa balat nito. Unti-unting kumakalma ang dibdib niya. "What happened?" nagtatakang tanong nito, habang ang mga braso ay lumilingkis sa kanyang katawan. "Natatakot ako," hinihingal na sabi niya. "W-why?" Ito na mismo ang lumayo sa kanya. "I think we need to get out of this place, Kenji. We're not safe here," kinakabahan pa ring wika niya. "I know. But we don't have choice. We have to wait for the rescue." "Then how long? Until we die here? May nararamdaman akong hindi maganda sa lugar na ito. It's not about endangered animals living here. We have to do something, Kenji. Do you understand what I mean?" Nag-panic na siya. "Yeah, I know what are you saying, Zarina! It's a nature, a wild nature, so expect some unusual creature here. Alam kong hindi tayo ligtas dito pero magtiwala ka sa akin. Hindi kita pababayaan. Makakaalis tayo rito, magtiwala ka," anito habang kulong sa mga palad ang mukha niya. Nagtiwala na lamang siya sa sinasabi nito. Hindi niya namalayan ang sarili habang kulong ng yakap ni Kenji. Pakiramdam niya ligtas siya habang yakap siya ito. Napawi nito ang takot niya. Pagkuwan ay bumalik na sila sa kuweba. "Matagal ka na bang nagtatrabaho sa ospital, Zarina?" tanong ni Kenji, nang kumakain na sila sa loob ng kuweba. "As regular, three years," aniya. Nakatitig pa rin siya sa apoy na hindi niya mahulaan kung paano nagawa ni Kenji. Tumalikod lamang siya sandali pagkatapos ay may siga na ang inipon nilang tuyong sanga ng kahoy. Pinagmasdan niya si Kenji, habang tinatanggalan ng tinik ang isda. Halos lahat na tinatanggalan nito ng tinik ay ibinibigay nito sa kanya. "Sanay ka rin ba na wala masyadong nakakain na carbohydrates?" tanong na naman nito. "Oo. Marami na ang fifteen grams of carbohydrates a day. Umiiwas din ako sa fatty foods," aniya. Ngumisi si Kenji. "Me too. Kaya pala physically fit ka," anito. Ngumiti siya. "My fiance always check for my figure. Kinakantiyawan niya ako kapag nagkakaroon ako ng layers of fats sa tiyan." Naalala na naman niya ang masayang pinagsamahan nila ni Allen at hindi niya napigil ang sarili na maging emosyonal. Hinayaan niyang tumulo ang kanyang luha. "Palagi niya akong tinatawagan at kinukumusta, pinapaalala ang oras ng pagkain at kahit busy siya sa trabaho, may oras siya para bisitahin ako araw-araw," humihikbing patuloy niya. "I missed everything about him. I never thought it would happening to us." Tuluyan na siyang humagulhol. Hindi niya namalayan ang pagbaling ni Kenji sa tabi niya. Naramdaman na lamang niya ang init ng palad nito na pumapahid sa pisngi niyang nabasa ng luha. Hinayaan niyang ikulong siya nito sa mga bisig nito. "It's okay. Everything will be alright," anito. "Hindi ko na kayang magtagal sa lugar na ito," humihikbing wika niya. Kumalas ito sa kanya. Hindi nito tinigilan sa pagpahid ang luha niya. Hinawakan nito ang mga kamay niya. Inilapit nito ang mukha sa kanyang mukha. Tumitig naman siya sa mga mata nito. "Can you trust me, Zarina?" masuyong tanong nito. "Trusting you for what?" nalilitong tanong niya. "What ever happen to us, can you trust me?" "I need to trust you at this moment. Wala nang ibang nilalang sa lugar na ito ang maari kong pagkatiwalaan kundi ikaw. Two or more days with you seems to be enough to trust you and know you better. In fact, I felt I know you already. I felt safe when I'm with you," aniya sa kalmadong tinig. Hindi niya namalayan ang paghupa ng kanyang dalumhati. "Thanks. I need your warm body, Zarina," anito sa malamyos na tinig. "What?" takang tanong niya. "I—I mean, just stay with me," balisang sabi nito saka tuluyang lumayo sa kanya. Pinagmamasdan niya si Kenji, habang tahimik na kumakain. Hindi na siya nito nagawang ipaghimay ng isda. Nagtataka siya bakit naging mailap ang mga mata nito sa kanyang mga titig. Hindi ito makatingin ng deretso sa kanya. Nang tumingin siya sa malaking sindi ng apoy ay natigilan siya nang maaninag niya ang imahe ng isang lalaki. Hindi naman ito repleksiyon ni Kenji dahil mukhang nasa tabi lamang niya ito. Si Kenji ay nasa tapat niya nakaupo. Hindi makikita ang repleksiyon nito sa apoy dahil masyado itong malayo sa apoy. Tinitigan niyang maiigi ang apoy. Unti-unting lumilinaw sa kanya ang imahe ng isang lalaki na tila may kung anong matutulis na bagay sa noo. Paningin niya'y nagkaroon ng sariling mukha ang apoy. Hindi na niya magawang sumubo. Nang sipatin niya muli si Kenji ay tapos na itong kumain. Nakatitig na rin ito sa apoy. Nang ibalik naman niya ang tingin sa apoy ay wala na roon ang imaheng nakikita niya. Bigla na lamang binalot ng nakakatindig balahibong ginaw ang katawan niya. Mamaya'y tumayo si Kenji. Hindi niya ito nagawang awatin nang naglakad ito palabas ng kuweba, sa halip ay tumayo siya at sinundan ito. Huminto siya sa b****a ng kuweba nang mapansin niya si Kenji na nakaluhod sa tapat ng malaking puno at ang mga kamay nito'y sumasambunot sa mga damo. Tumingala siya sa kalangitan nang biglang binalot ng dilim ang paligid. Mabibilis ang paggalaw ng mga ulap sa paningin niya. Mamaya'y unti-unting umiihip ang malakas na hangin. Nang sipatin niya muli si Kenji ay nagulat siya nang wala na ito sa kinaroroonan nito kanina. Palinga-linga siya sa paligid. "Kenji?" mahinang tawag niya rito. Patakbong tinungo niya ang kinaroroonan kanina ni Kenji. Napamata siya nang mapansin ang maraming patak ng dugo sa lupa, kung saan kanina nakaluhod si Kenji. "Kenji!" sigaw niya. Nilibot niya ang paligid ngunit hindi niya makita ang lalaki pero hindi na siya lumayo. Pagdating niya sa batis ay huminto siya sa gilid ng sapa kung saan malakas ang agos ng tubig. Itinutok niya ang paningin sa malinaw na tubig kung saan nakikita ang mga bato sa ilalim. Habang tumatagal na nakatitig siya sa tubig ay may naaninag siyang imahe ng lalaki ngunit hindi niya mawari ang hitsura. "Hump!" Pumitlag siya nang may kamay na sumampa sa balikat niya. "Bakit nandito ka?" Awtomatiko'y pumihit siya sa kanyang likuran. Humupa ang kabog ng dibdib niya nang makita si Kenji. Wala sa loob na hinaplos niya ang pisngi nito. Ganoon naman ang agarang pag-iwas nito. Ginagap nito ang kamay niya. "Anong nangyari sa iyo?" nag-aalalang tanong niya. "Nothing," tugon lang nito. "You're bleeding." "Don't mind me," anito saka siya tinalikuran. Malalaki ang hakbang nitong pabalik sa kuweba. Nagmadali naman siyang sundan ito. "Kenji, there's something wrong with you, I noticed this," aniya bahang nakabuntot dito. "What?" Huminto ito at humarap sa kanya. Napahinto din siya sa paghakbang. "May nakikita akong hindi ko maintindihan. May imahe ng lalaki," aniya. "Imahenasyon mo lang iyan." "Wala ka bang napapansin sa paligid?" "It's natural." "Natural? You're right, but look, parang ang iksi ng araw. Dumidilim na ang paligid." "Nangyayari talaga ito. May pagkakataon na mas mahaba ang araw sa gabi at mas mahaba ang gabi sa umaga." "Alam ko, pero iba, e. And you look weird." Nagulat siya nang bigla nitong hawakan ang kamay niya at iginiya siya papasok sa kuweba. Iniupo siya nito sa tapat ng apoy na ginatungan nito. Pagkuwa'y umupo ito sa tabi niya. Pinihit nito ang katawan niya dahilan upang humarap siya rito. Ikinulong nito ang mukha niya sa mga kamay nito. "Zarina, if ever I kiss you, please don't kiss me back," anito. "Ano?" takang tanong niya. "Just do what I said. We're in trouble, Zarina." Napanganga siya. Kinikilabutan siya sa sinasabi nito. "Hindi kita maintindihan, Kenji. Tell me what happen!" "Just stay with me. Don't mind your imaginations, Zarina. If you see something weird, just close your eyes and pray." Tumangu-tango siya. Pagkuwa'y ngumiti si Kenji. Mabilis na lumipas ang oras. Matagal nang nakahiga si Zarina pero hindi pa rin siya ginugupo ng antok. Sinipat niya si Kenji na nakahiga 'di kalayuan sa kanya. Nakapagitan sa kanila ang apoy na tila hindi namamatay kahit iilan na lang ang gatong. Malakas pa rin ang nililikha nitong apoy. Tinangka niyang tumayo ngunit napahiga siyang muli nang biglang yumanig ang lupa. Mabilis na tumahip ang dibdib niya. Nang tumigil ang paggalaw ng lupa ay dahandahan siyang umupo. Sinipat niya si Kenji. Mahimbing pa rin ang tulog nito. Pagbaling niya ng tingin sa apoy ay nanlaki ang mga mata niya nang makita ang mukha ng isang lalaki sa apoy. Habang tumatagal ay lalo iyong lumilinaw, hanggang sa mapansin niya ang dalawang matulis na bagay sa noo nito. Namumula ang mukha nito, at may mga mata na matingkad ang pamumula. "Zarina..." narinig niya'ng tawag ng tinig ng lalaki na tila bumubulong sa kanya. Bigla na lamang siya inalipin ng takot. Hindi niya nagawang sumigaw, sa halip ay tumakbo siya patungo kay Kenji. Ngunit kahit anong alog niya sa balikat at ulo nito ay hindi ito nagigising. "Kenji! Kenji, gising!" aniya. Sinampal-sampal niya ang pisngi nito. Mamaya'y bigla itong nagmulat ng mga mata. Animo robot na deretso ang angat ng katawan nito. Umupo ito at nakatitig lang sa kanya. "Kenji, umalis na tayo rito," aniya. Ngunit tila hindi siya nito naririnig. Hinaplos niya ang pisngi nito. Kumislot siya nang bigla nitong hawakan ang kaliwang kamay niya. Napahigpit iyon. "Manatili ka sa tabi ko, Zarina," sabi lang nito. "Hindi mo ba naramdaman? Lumindol, baka matabunan tayo rito," nababahalang sabi niya. Natigilan siya nang hapitin ng kamay nito ang batok niya. "Kenji..." walang puwang na bigkas niya. Tumitig siya sa mga mata nito. Hindi niya namalayan ang paglapit ng mukha nito sa mukha niya. Naramdaman na lamang niya ang mainit na labi nitong umaangkin sa kanyang bibig. If ever I kiss you, please don't kiss me back, Naalala niya ang sinabi ni Kenji. Ngunit tila naging manhid ang kanyang katawan. Hindi niya napigil ang sarili na tumugon sa halik nito. Mabilis na inalipin ng nakakahibang na init ang kanyang buong katawan, lalo na nang simulang humubog ang mga kamay ni Kenji sa kanyang katawan. Nahimasmasan si Zarina nang biglang tumigil sa pagkilos si Kenji. Ito na mismo ang umiwas ng halik sa kanya. Pakiramdam niya'y binuhusan siya ng malamig na tubig dahil sa nararamdamang frustration. "K-Kenji..." usal niya. "Magpahinga ka lang," sabi lang nito. Pagkuwa'y bigla itong lumabas. Hindi naman siya nag-abalang sundan ito. Bumalik na lamang siya sa pagkakahiga. Pinakiramdaman niya ang kanyang sarili. Mabilis pa rin ang pintig ng pulso niya ay ramdam pa rin niya ang alab na iniwan ng halik ni Kenji sa kanya. Kinabukasan ay nagising si Zarina na wala pa rin si Kenji. Hindi na niya namalayan ang presensiya ng paligid dahil malalim ang kanyang pagtulog. Dumaing siya nang maramdaman ang pangangalay ng leeg niya. Tumayo siya at hinagilap ang damit niya. Tuyo na ang mga iyon. Naisip niya bigla si Kenji, halos isang araw na pala iyong walang suot na damit pan-itaas dahil isinuot niya ang damit nito. Lumabas siya dala ang damit ni Kenji. Kinusot niya iyon sa ilog, pagkatapos ay ibinilad niya sa araw upang matuyo. Nagtataka siya bakit hindi pa rin nagpapakita si Kenji. Humihilab na naman ang sikmura niya dahil sa gutom. Natutukso na naman siyang pumitas ng prutas na ipinagbabawal sa kanya ni Kenji. Sa tuwing nakakakain kasi siya ng bunga ay hindi siya kaagad nakakadama ng gutom. Hindi siya nakatiis, lumapit siya sa puno ng prutas at pinagmamasdan ang mga bunga. Natatakam siya sa mga iyon. Mamaya'y naudyok siyang pumitas ng isa. Pinunasan lamang niya iyon ng damit niya. Nang kakagatin na niya ang bunga ay bigla siyang natigilan nang makarinig siya ng malakas na sigaw ng lalaki sa direksiyon ng pampang ng dagat. "Kenji?" sambit niya. Nabitawan niya ang bunga saka mabilis na nagtungo sa pampang ng dagat. Napahinto siya sa paghakbang nang masipat si Kenji, na nakaluhod sa buhanginan. Sinusuntok nito ang lupa. Pakiwari niya'y umiiyak ito. "Why me? Leave me alone!" sigaw nito. Nawindang siya. Sino naman ang kausap nito? Nagdadalawang-isip siya kung dapat ba niya itong lapitan. Hindi niya maintindihan kung ano ang nangyayari kay Kenji. Iniisip niya na baka may sakit ito. Mamaya'y kinabahan siya nang makitang sinasaktan ni Kenji ang sarili. Hindi na siya nag-atubiling lapitan ito. "Kenji," aniya. Hinawakan niya ang kanang braso nito na sana'y sasapakin ang sarili nitong mukha. May kung anong kumirot sa puso niya nang mapansin ang mga mata nitong hilam sa luha. Mamaya'y biglang dumaloy ang dugo buhat sa ilong nito. "Oh my God! Anong nangyayari sa 'yo?" nag-aalalang sabi niya. Napaluhod siya sa harapan nito. Hinubad niya ang damit niya saka ipinahid sa ilong nito. Natigilan siya nang bigla nitong hawakan ang mga kamay niya. "Stay away from me, Zarina," anito. "What? Kenji, hindi na kita maintindihan. May sakit ka ba?" "Wala. Kapag may dumating nang rescue, umalis ka na." "No. Sabay tayong aalis sa lugar na ito." "Hindi tayo puwedeng magsama madalas, Zarina." "Hindi kita maintindihan. Ano bang nangyayari sa iyo?" "Nothing." "You're bleeding again. Ano bang nararamdaman mo? Say something, Kenji!" "I'm fine!" Dumugo na naman ang ilong nito. Akmang pupunasan niya muli ang ilong nito ngunit marahas na naiwaksi nito ang kamay niya. Pinahid nito ng kamay ang dugo sa ilong nito. Kinabahan siya sa naging kilos nito. "Nag-aalala ako sa 'yo, Kenji. You're so weird," aniya. Hindi ito umimik. Tumayo ito saka siya tinalikuran. "Don't mind me. May niluto akong isda, kumain ka. Lilibutin ko ang isla hanggang sa makahanap ako ng rescue. Hintayin mo lang ako rito," anito. Tumayo siya. "Sasama ako sa iyo," aniya. Marahas itong humarap sa kanya. "No. Babalik din ako kaagad." Hindi na lamang siya umimik. Nagkasya na lamang siyang pagmasdan ito habang unti-unting lumalayo sa kanya. Bumalik na lamang sa kuweba si Zarina. Napansin niya ang bagong lutong isda na may kalakihan. Napangiti siya. Kahit papano ay hindi siya iiwan ni Kenji na gutom. Subalit habang lumilipas ang mga sandali na hindi niya nakikita si Kenji ay nakakadama siya ng hindi maipaliwanag na lungkot. Hindi siya mapakali. Sumasakit na ang paa niya sa kakalakad. Naligo na siya at natuyo na ang mga damit na binilad niya pero hindi pa bumabalik si Kenji. Nang magtakip-silim na ay bumalik siya sa pampang ng dagat at inabangan doon si Kenji pero inabot na siya ng dilim sa kakaantay. Mamaya'y may napansin siyang ilaw sa karagatan. Nasabik siya sa isiping isa iyong bangka. "Help! Help!" sigaw niya, ngunit palayo nang palayo ang ilaw. Napaiyak siya nang tuluyang naglaho ang ilaw na nakita niya. Nang tuluyang lamunin ng dilim ang paligid ay nagpasya siyang bumalik sa kuweba, ngunit nagtataka siya bakit ang tagal ata niyang makarating sa kuweba. Hindi naman siya nagkamali ng daan. Nang bumalik siya sa pinanggalingan niya ay hindi na niya makita ang dagat. Hindi na niya makita ang malaking bato na tanging palatandaan niya. Tumingala siya sa kalangitan. Maaliwalas ang langit na napupuno ng mga bituin. Pumikit siya nang pakiramdam niya'y umiikot ang paligid niya. Naliligiran siya ng matatarik na punong kahoy at malalagong damong berde. Zarina... narinig niya'ng tila bulong sa ilalim ng tinig ng lalaki. Mamaya'y nararamdaman niya na unti-unting umiinit ang hanging dumadampi sa balat niya. Hindi siya nagmulat ng mga mata. Taimtim siyang nagdarasal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD