Chapter 3

2555 Words
NAKAPIKIT si Zarina habang patuloy sa pagdarasal. Takbo lang siya ng takbo at sinusundan ang yabag ng kanyang kasama. Hindi naman binibitawan ni Kenji ang kamay niya hanggang sa makarating sila sa batis. Hinihingal sila pareho nang sabay na mapaupo sa malapad na bato sa gilid ng batis na may rumaragasang tubig buhat sa mataas na talón. "Are you okay?" hinihingal pa ring tanong nito. Tumango lamang siya. Nahihirapan siyang magsalita dahil sa labis na pagkahapo. Masyadong matulin ang t***k ng puso niya. "We're safe here. Maingay ang talon at sa palagay ko'y nailigaw na natin ang ahas na iyon," anito. "Anong klaseng ahas 'yon?" pagkuwa'y tanong niya nang mahimasmasan. "Isang uri iyon ng python. Nabubuhay sila sa mga tagong gubat at malalamig. Masyado silang mapanganib para sa mga tao o kahit sa mga ibang hayop. Kaya siguro wala masyadong maliliit na hayop dito dahil sa ahas," anito. "Paano kung matunton tayo rito ng ahas?" "Posible 'yon. Kaya kailangan may gawin tayo para makahanap tayo ng rescue." "Hindi tayo puwedeng mag-stay rito. Bumalik na lang tayo sa pampang ng dagat at mag-abang ng mga bangkang dadaan," suhesyon niya. "That's a good idea. Pero ipabukas na natin, mukhang may paparating na bagyo dahil sa hangin at ang mga maliliit na insekto ay nagsisilikas." Tinitigan niya nang mataman si Kenji. Hindi siya makapaniwala na marami rin itong alam sa kalikasan. Sa isang iglap ay nakalimutan niya ang inis niya rito. Kung tutuusin, iniligtas nito ang buhay niya mula sa halimaw na ahas na iyon. Wala naman siyang mapapala kung patuloy siyang magagalit. Dalawa lang sila ang naroroon at hindi niya kayang i-survive ang sarili na wala si Kenji. "Saan ka pupunta?" tanong niya kay Kenji nang bigla itong tumayo. "Titingnan ko lang ang ibang gamit natin sa yungib. Dito ka lang," anito saka lumusong sa tubig upang makatawid sa kabilang pampang. Sinundan lamang niya ito ng tingin. Nang mawala na sa paningin niya si Kenji ay iginala niya ang paningin sa paligid. Kinakabahan siya sa isiping baka biglang susulpot sa likuran niya ang malaking ahas. Mamaya'y tumayo siya at lumapit sa malalaking bato na binabagsakan ng tubig. Napawi ang takot niya nang masilayan ang kabuoan ng napakagandang talon. Sa buong buhay niya ay ngayon lamang siya nakakita ng sobrang taas na water falls. Natukso siyang lumusong sa tubig. Nang mabasa na ang kalahati ng katawan niya ay hinubad niya ang kanyang damit. Tanging underwear lamang ang itinira niya. Malamig ang tubig ngunit hindi niya iyon ininda. Gusto niyang tumayo sa mismong bumabagsak na tubig. Mabuti na lamang at may bahaging mababaw kung saan maraming malalaking bato. KINABAHAN si Kenji nang pagbalik niya sa batis ay wala na si Zarina. Ngunit ang kanyang pagkabahala ay nahalinhan ng hindi mawaring damdamin nang makita niya ang babae na naliligo habang nakasahod ang ulo sa bumabagsak na tubig. Hantad na hantad ang maalindog nitong pangangatawan. Hindi siya makapaniwala na minsan na niya iyong naangkin. Oh, hindi pala, katawan lamang niya ang umangkin rito dahil ang lapastangang diablo ang may pagnanasa sa babaeng ito. "Huwag mong pigilan ang damdamin mo, Kenji," narinig niyang bulong ng tinig ng lalaki sa kanyang tabi. "Bakit bumalik ka? Akala ko ba tapos na ang misyon mo kay Margarita? Maligaya na siya ngayon sa piling ni Zandro," aniya. "Tapos na ang misyon ko sa kanila, sa iyo naman, Kenji." Nagtagis ang mga bagang niya. "Bakit ako? Nawala ang babaeng mahal ko." "Hindi siya ang nakatakda para sa iyo. Ang mga naganap sa eroplano ay tanging senyales na maggiging simula ng pagbabago sa buhay mo. Si Zarina ay isa sa taong naging parte ng iyong nakaraan kung saan isinumpa ni Haring Herum ang iyong katawang-tao." "Ano? Paano naman naging parte ng nakaraan ko si Zarina? Ngayon ko nga lang siya nakita." "Dahil noong panahon na magtagpo ang landas ninyo ay kontrol ni Herum ang iyong katawang-tao. Si Zarina ay mayroong pinalayang espiritu ng diablo na ilang siglo nang nakapiit sa kawalan. Narito ako upang gabayan si Zarina. Hindi ko siya iniibig, pero inaamin ko na mayroon akong pagnanasa sa kanya. Kumain siya ng prutas ng tukso na isa sa binhing itinanim ko sa lupaing ito may libong taon na ang nakalipas. Sinadya kong itanim ang naturang prutas upang makapagbiktima ng mga babae na aking makakatalik. Nagawa ko iyon noong wala pa akong alam kundi gumawa ng masama. Ang lupaing ito ay naging tambayan ng mga diablo at nagsisilbing lagusan patungong impiyerno. Sino man ang babaeng kakain ng prutas ay hindi lulubayan ng mga diablo na narito. Alam ng mga diablo na si Zarina ay may koneksiyon sa makakapangyarihang diablo kaya mabilis siyang lapitan ng mga ito. Gusto ko siyang tulungan sa pamamagitan mo," mahabang kuwento ng diablong si Zardum. Si Zardum ang suwail na prensipe ng impiyerno at mas gustong makipagsapalaran sa ibabaw ng lupa upang ipagpilitang maging bahagi ng mga mortal. Minsan na nitong ginawang kasangkapan ang katawan niya upang maisakatuparan ang misyon sa buhay ng isinumpang dalaga na si Margarita. Nagtagumpay ito ngunit naidarang naman siya sa kalupitan ng kalaban nitong diablo. Ginamit siya ng diablong si Herum upang masawata ang mga plano ni Zardum. Pero nagpapasalamat pa rin siya kay Zardum dahil hindi siya nito pinabayaan. Nabigyan siya ng ikalawang buhay dahil na rin sa tulong nito at ng mga kaibigan niya. "Kahibangan iyan. Tahimik na ang buhay ko, Zardum. Huwag ako ang guluhin mo!" aniya habang pigil ang pagtaas ng tinig. "Ngunit ito ay kasabay sa pagbabago ng kapalaran mo, Kenji. Hindi kita ginagamit upang ibigin mo si Zarina, katulad ng nangyari kay Zandro. Nasa iyo ang pasya kung hanggang saan mo kayang pigilan ang iyong damdamin." "Demonyo ka talaga, Zardum! Kung wala kang balak ilapit ako kay Zarina, bakit ginamit mo pa ako para makipagtalik sa kanya?" naiinis na saad niya. "Patawad, gusto ko lang mahawakan si Zarina, pero hindi ko naman inaasahan na kusang dadalhin ng katawan mo ang init na nilikha ko. Mabilis ding nagparaya si Zarina. Binitawan na kita matapos na magkaisa ang mga katawan ninyo. Siguro ay wala na akong kinalaman doon." Bigla siyang nilamon ng guilt. Aminado siya na naramdaman niya ang ginawa nila ni Zarina, at hindi na niya magawang awatin ang sarili dahil sa labis na pagkadarang sa init. Hindi niya magawang sumbatan si Zardum. At heto nga't naramdaman na naman niya ang kakaibang kislot sa puso niya habang pinagmamasdan si Zarina na naliligo. Animo napaso at dagling ibinaling niya sa iba ang tingin nang humarap sa kanya ang babae. Umupo siya sa malaking bato. Hindi niya sinipat si Zarina kahit alam niyang palapit na ito sa kanya. "Kenji..." mahinang bigkas nito. Napilitan siyang tingnan ito na noo'y isang-dipa na lamang ang pagitan sa kanya. Hindi niya napigil ang kanyang mga mata na tumutok sa gawi ng dibdib nito. Halos mamutok na kasi ang suot nitong bra dahil sa lusog ng dibdib nito. Halos perpekto ang hubog ng katawan nito. Hindi ganoon ang naramdaman niya kay Elena noong una niya itong makilala. Hindi siya minsan nagnasa sa dalaga at hindi humantong sa isip niya na makipagtalik sa nobya. Conservative si Elena at nirerespeto niya iyon. Pero ibang-iba si Zarina. Pakiramdam niya'y hindi ito basta estranghero sa kanya. Parang bang nagkakilala na sila noon. Kakaiba ang pananabik niya habang pinagmamasdan ito. "I'm sorry," aniya sabay iwas ng tingin dito. "No, instead, thank you for saving my life once again. Hindi ito ang tamang oras para magalit ako sa 'yo. I need you at this time where we are in isolated area. I can't survive without you," anito. Tinitigan niya itong muli sa mga mata. "It's also my fault, Zarina. Lalaki ako, ako dapat ang mas responsable sa pag-trap natin sa islang ito. Hindi ko dapat hinayaang umiral ang kamunduhan sa pagitan natin gayung wala naman tayong relasyon." "Kalimutan na natin ang nangyari. Ang atupagin na lang natin ay kung paano tayo maka-survive sa lugar na ito." Ngumiti siya. Mamaya'y nagulat siya nang bigla siya nitong sabuyan ng tubig. Napatayo siya bigla. "Hey! Stop it!" sigaw niya habang iniiwasan ang sinasaboy nitong tubig. "Maligo ka na rin!" anito. Hindi siya nakatiis. Lumusong na rin siya sa tubig at ginantian ito. Tumakbo ito patungo sa bumabagsak na tubig. Hinabol niya ito habang patuloy ang pagsasabuyan nila ng tubig. Sa unang pagkakataon ay narinig niya ang masiglang pagtawa nito. "Paano kayo nagkakilala ng boyfriend mo?" tanong niya kay Zarina nang nakaupo na sila sa malaking bato sa gilid ng batis. "Naging magkaibigan kami during college days. Niligawan niya ako at nagng kami. Mas naging close kami dahil naging pasyente namin sa ospital ang kapatid niya noon. Ako ang madalas na nag-aasikaso sa kapatid niya kaya mas nakilala ko ang pamilya niya. Siya rin ang Engineer na gumawa sa bahay ko," kaswal na kuwento nito. "Engineer pala siya? Saan ka ba nakatira?" "Sa Lucena, sa Batanggas." Natigilan siya. Kung tutuusin pala ay magkababayan lang sila. "Magkababayan lang pala tayo." "Talaga? Pero saan mo naman nakilala ang fiancee mo?" anito. "Naging secretary ko siya sa Real Estate na iniwan sa akin ng lolo ko sa Japan. Taga-Laguna naman siya." "Akalain mo 'yon? Baka nagkita na tayo noon hindi lang natin alam," nakangiting sabi nito. Pasimpleng pinagmamasdan niya ito. Bigla niyang naisip ang sinabi ni Zardum na isa si Zarina sa taong nagkaroon ng kaugnayan sa nakaraan niya. Pilit niyang inaalala kung saan nga ba niya ito nakita. "Taga-Lucena rin ba ang fiance mo?" mamaya'y tanong niya. "Oo. Pero sa Maynila na siya nagtrabaho. Nasira kasi siya sa naging kliyente niya dati na nagpagawa sa kanya ng hotel. Mga Del Fuego raw ang may-ari niyon. Pinaulit daw kasi sa kanya ang restaurant ng isa sa manager ng hotel." Natigilan siya. "Ano na nga ulit ang pangalan ng fiancee mo?" tanong niya. "Allen Del Carmen." Awtomatiko'y sumariwa sa isip niya ang nakaraan kung saan may nakasagutan siyang Engineer na isa sa gumawa ng resort ng mga Del Fuego. Hindi kasi nasunod ang gusto ni Mrs. Del Fuego. Pinatibag niya ang katatapos na dirty kitchen at pinaulit. Pero ayaw nang ulitin ng Engineer dahil tapos na ang kontrata nito sa hotel. Kamuntik pa silang magkasakitan noon dahil hindi sila nagkaunawaan. At naalala na niya kung sino ang Engineer na iyon. "Si Engr. Del Carmen pala ang fiance mo," aniya. "Bakit, kilala mo?" manghang tanong nito. "Ah, h-hindi naman. Parang narinig ko na ang apelyido niya dati," kaila niya. Nang sipatin niya si Zarina ay napansin niya itong nangangatal habang yakap ang mga tuhod. Kanina pa rin siya giniginaw pero tinitiis niya lang. "Ang mabuti pa ay bumalik muna tayo sa yungib. Maginaw na rito sa labas," aniya. "Paano 'yan nabasa ko ang mga damit ko," anito. "Isuot mo muna ang mga damit ko." "Paano ka?" "Okay lang ako. Maghahanap ako ng makakain natin. Mamayang hapon pupunta tayo sa pampang baka sakaling may dumaang barko," aniya saka tumayo. Iniabot niya rito ang mga damit niya. Hinatid lamang niya sa yungib si Zarina saka naghagilap ng mga prutas o kung anong maaring kainin. Ngunit nang makarating na siya sa masiit na bahagi ng gubat ay napahinto siya sa paghakbang nang mamataan si Zarina na nakaupo sa naputol na kahoy. "Zarina?" tawag niya. Nagtataka siya kung bakit mabilis itong napunta roon? Hindi lumingon ang babae bagkus tumayo ito at naglakad patungo sa kakahuyan. Akmang susundan niya ito ngunit may kung anong pumigil sa kanya. Hindi niya maikilos ang katawan niya. "Huwag mo siyang sundan. Isa lamang siyang ilusyon na panlilinlang ng mga diablo. Mas mainam na balikan mo na lang si Zarina, Kenji," wika ni Zardum sa likod ng kanyang tainga. "Pero kung magkasama lang kami buong araw, wala kaming kakainin," aniya. "Maraming makakain sa batis at sa paligid ng yungib." "Okay." Pagkuwa'y bumalik siya sa yungib. Ngunit pagdating niya roon ay wala na si Zarina. "Zarina!" tawag niya. Pumunta siya sa batis ngunit wala roon si Zarina. Nang pabalik na siya sa yungib ay natagpuan niya ito sa lilim ng puno na may bilugang bunga na kulay pula. "Kumakain na naman siya ng prutas ng tukso. Awatin mo siya, Kenji," bulong sa kanya ni Zardum. Talimang nilapitan niya si Zarina at marahas na inagaw sa kamay nito ang prutas na kakagatin na sana nito. Gulat na tinitigan siya nito. "Bakit? Ano ba ang problema mo?" iritableng tanong nito. "Hindi ka dapat kumakain ng prutas na ito. Hindi ito lunas sa gutom. Hindi natin tiyak na ligtas nga ito," aniya ngunit tila ayaw maniwala ng dalaga. "Dalawa na ang nakain ko pero hindi naman ako namatay. Kinakain nga ito ng mga ibon. Ang sarap kaya. Parang mansanas lang din ang lasa," masaya pang sabi nito. "Kahit na. Hindi pangkaraniwan ang prutas kaya hindi puwedeng basta ka na lang kakain nito. Sumama ka na lang sa akin sa batis at manghuhuli tayo ng isda." Hinawakan niya ang kaliwang kamay nito saka sila nagtungo sa batis. Walang imik na nakamasid lamang ito sa kanya habang abala siya sa pagdakip ng isda gamit ang hinubad niyang sando. Mukhang gusto talaga magpakain ang mga isda dahil kusa itong lumalapit sa kanya. KUMUSOT ang noo ni Zarina habang pinagmamasdan si Kenji buhat sa malayo. Nagsasalita kasi ito na wala namang kausap. Iniisip na lang niya na baka ipinagdadasal nito na sana ay makaalis na sila sa isla. Abala kasi ito sa pag-iihaw ng isdang nahuli nila. Nalilito pa rin siya kung saan kumukuha ng apoy si Kenji para pansiga sa mga tuyong kahoy. May abilidad ba ito sa sinaunang paglilikha ng apoy sa pamamagitan ng pagkiskis ng mga tuyong sanga ng kahoy? Pero ang bilis naman ata nito iyong gawin. Hindi siya nakatiis, nilapitan na niya si Kenji sakaling may maitutulong siya. "May I help you?" aniya. "No need, I can manage this," tugon naman nito habang iniikot ang sanga ng kahoy kung saan nito itinusok ang isda. "Paano mo nagawang makalikha ng apoy?" "Napag-aralan ko, when I was in grade school," nakangiting tugon nito. "Oh, sabi ko nga. So what is in your mind while doing that?" hindi natimping tanong niya. Tumitig ito sa kanya. "While I'm grilling the fish?" anito. "Yap. I saw you talking alone," natatawang sabi niya. Hindi kaagad nakaimik si Kenji. "Hmm, wala naman." "Siguro naalala mo ang fiancee mo, ano?" "As always. Sino ba naman ang magiging komportable pagkatapos ng insedente?" Natigilan siya nang magtama ang mga mata nila. May naramdaman siyang munting kislot sa malaking bahagi ng kanyang puso. Pakiramdam niya'y may espesyal sa titigang iyon. Sa isang iglap ay may magulong pangyayari na dumapo sa isip niya. May nakikita siyang lalaki na nakahiga sa isang hospital bed. Mamaya'y nagkagulo at biglang dumilat ng mata ang lalaki, mga matang nagniningas pares sa isang apoy. "Hump!" Pumitlag siya sabay iwas ng tingin kay Kenji. "What's wrong?" tanong ni Kenji. Umiling-iling siya. Bigla na lamang sumakit ang ulo niya. "I just remembered a lot from the past," balisang sabi niya. "What about it?" interesadong tanong nito. "There's a guy. Yeah, I remember the guy in hospital." Hindi lamang niya lubos maalala ang hitsura ng lalaki. Tulalang nakatitig sa kanya si Kenji. Nang sipatin niya itong muli ay nanlaki ang mga mata niya nang masipat niya ang pulang anino na tila lumabas sa katawan ni Kenji. Pero bigla din naman iyon naglaho. Ganoon na lamang ang bilis ng t***k ng puso niya. Napapalingon din sa likuran nito si Kenji. Pagkuwa'y ikinakaway nito ang palad sa tapat ng mga mata niya. "What's wrong with you?" natatawang tanong nito. Bumuntong-hininga siya. Hirap na hirap siyang magbitiw ng salita. "I—I think I'm hungry," sabi lamang niya. "Yeah, I know. Malapit nang maluto itong isda. Hintayin mo na lang ako sa kuweba para mas makapagpahinga ka," seryosong wika nito. Tumango-tango siya. "Okay," aniya at bumalik na lamang siya sa kuweba at umupo lamang siya sa malaking bato sa bukana ng kuweba. Madilim kasi sa loob kahit umaga. Natatakot siyang mag-isa sa loob baka ika niya'y biglang susulpot ang malaking ahas doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD