PAKIRAMDAM ni Zarina ay pinipilas ang puso niya dahil sa mga sinabi ni Alfonso. Hindi naman niya ito masisi dahil kahit hindi natuloy ang kasal nila ni Allen ay nag-assume na ang mga ito na asawa na siya ng anak nito. Bumaling siya sa harapan nito upang pormal na makipag-usap dito. Nanatili siyang nagpapakumbaba. "Opo, siya ang nakasama ko sa isla," tipid niyang sagot habang pigil ang luha sa pagpatak. "Ngayon ko lang na-realize na mali pala ang babaeng pinili ng anak ko," ani Alfonso, na nag-udyok sa luha niya sa pagpatak. "Huwag naman po ninyo akong huhusgahan kaagad. Inaamin kong naging mapusok ako pero sana maintindihan ninyo ako. Hindi ko naman inaasahan na kaagad akong iibig sa ibang lalaki, gayung kamamatay lang ni Allen. Kahit naman magluksa ako ng ilang taon, hindi na babalik