CHAPTER 16

2359 Words
“GOOD MORNING, SIR!” “Good morning.” Impit na nagtilian habang kinikilig ang mga ka-opisina nila nang sagutin ni Raiden isa-isa ang bawat bumabati rito nang umagang iyon.  Kinatok nito ang cubicle ni Sasha nang mapadaan ito doon.  She couldn’t help but smile at him.  Napakaguwapo talaga nito.  Lalo na ngayong tila may kung anong nagbago rito.  He seemed friendlier now.  And his eyes were like smiling at her. O guni-guni lang niya iyon? “Good morning, Sir,” bati niya rito. “Sir?” “Ay, Raiden pala.  Sorry.”  Tumango lang ito bilang pagsang-ayon sa sinabi niya.  “Gusto mo ng kape?  Puwede kitang ipagtimpla.  Tutulungan ako ni Pareng Coffee Maker.” “No need.  Nakapag-coffee na ako sa labas.” “Ganon ba?”   Paalis na lang ito nang tila may mapansin sa kanya.  “Are you eating something?” Nahihiya pa niyang inilabas ang maliit na piraso ng pinapapak niyang cookie sa kanyang drawer.  Doon kasi niya iyon itinago nang dumating ito.   “Hindi kasi ako nag-agahan kaya ito na lang pinagtitiyagaan ko.  Sorry, hindi na mauulit.” “Good.”  Then he leaned forward and brushed his finger on the side of her mouth.  Nang makuntento ay walang imik na itong nagtungo sa opisina nito. Pagsarang-pagsara ng pinto ng silid nito ay pinaghihila siya nina Dahlia at Cindy sa balikat kasabay ng impit na namang tilian ng mga kasamahan nila. “Ang suwerte-suwerte mo, bakla!” “Nakakainggit ka na talaga!  I hate you!” “Ang sweet-sweet ni Sir!  Gusto ko rin ng ganyang guy!” “Pa-share!” Tinawanan lang niya ang mga ito.  Ayaw niyang magyabang at baka makarma siya.  Mabuti na ang nag-iingat sa tinatamasa niya ngayong suwerte.   Raiden was really sweet.  And everytime he would show her how special she was, lagi na lang parang gusto na niyang kalimutan ang kanyang mga plano.  Hindi kasi makayanan ng puso niya ang mga ipinapakita nito sa kanya.  And everytime, she would fall for him even more.  Ayos lang naman iyon sa kanya.  Dahil siya lang naman ang babaeng pinapakitaan nito ng softer side nito.  Which made her love him more.  Hay, wala na talaga siyang pag-asang makawala sa pag-ibig niya rito. But who was she to complain?  Wala!  Walang nagrereklamo! Isinubsob na naman niya ang sarili sa kanyang trabaho.  Medyo natatambakan na kasi siya ng mga dapat niyang gawin dahil lagi siyang kini-kidnap ni Raiden nitong mga nakaraang araw.  Kailangan niyang makabawi para wala namang masabi ang mga kasamahan niya na inaabuso niya ang atensyong ibinibigay sa kanya ng binata.  Ayaw niyang masira ang magandang image nito nang dahil sa kanya. Hindi na rin naman siya gaanong inistorbo ni Raiden.  Tila ito man ay abala sa trabaho nito sa loob ng opisina nito dahil ilang araw na rin itong nagkukulong doon.  Nagpapakita lang sa kanila kapag may kakausaping kliyente o kaya naman ay sa umaga pagdating nito.  Other than that, wala na.  Gusto sana niyang magreklamo pero inintindi na lang niyang kailangan din nitong makabawi sa mga araw na nagkakagulo pa sila at hindi naaasikaso ang kani-kanilang mga trabaho.  Ngayong maayos na ang lahat, libre na silang pagtuunan naman ng pansin ang ibang parte ng buhay nila nang walang anomang inaalala tungkol sa kanilang dalawa.  Wow, ganon na pala sila ka-tiwala sa isa’t isa.  Hanep!  Daig pa nila ang totoong magkasintahan na talaga. “Sasha,” untag ni Dahlia isang hapon.  “Hindi mo ba napapansin na parang hindi na madalas lumabas ng silid niya si Sir Pogi?” “Hindi.”  Napatingin siya sa nakarasadong opisina ni Raiden habang nag-aayos ng kanyang mga gamit.  Uwian na kasi.  “Hindi naman.  Bakit?” “Wala.  Parang hindi kasi normal na hindi siya gaanong naglalalabas.  Hindi mo ba siya nami-miss?” “Paano ko siyang mami-miss e nandiyan lang naman siya sa office niya?” “Iyon na nga, eh.  Nandiyan na nga lang siya sa office niya, hindi mo pa rin siya nakikita.” “Nakikita ko naman siya.” Dumikit ito sa kanya upang bumulong.  “Tapos na ba ang pagpapanggap ninyong magsyota?” “Oo.  Matagal na.” “Kung ganon, bakit…bakit kapag nakikita ka niya, ang sweet-sweet pa rin niya sa iyo?” “Wala, eh.  Ganyan talaga ang mga cute.” Hinila nito ang buhok niya.  “Lukring!  Pero di nga, Sasha, talagang wala na?  Sayang kasi, eh.  Bagay pa naman kayo.  At sa totoo lang, parang nga may gusto na rin sa iyo si Sir Pogi.  As in for real na ito.  Di ba, Cindy?” “Napansin mo rin pala iyon?” “Sinong hindi makakapansin?  E ang lalagkit na ng tingin ni Sir Pogi sa lukring na ito everytime na mapapadaan siya sa cubicle ni Sasha.  Tapos ito namang bruhang ito, pa-cute.  Kunwari di tumitingin.” “E, sa hindi ko naman talaga alam na nandun siya.” “Hindi mo alam?” singit ni Cindy.  Dumikit na rin ito sa kanya upang hindi mapalakas ang boses.  “E, hello!  Paano mong hindi mapapansin ang ganong lalaki, ha?  Lukring ka na nga talaga.” Lihim siyang napapangiti.  Kung ganon, effective ang strategy na ibinigay sa kanya ni Laurie.  Ngayon kahit hindi niya ito nakikita, batid niyang ito ang nakamasid sa kanya.  Hay, grabe.  Ang haba ng hair niya. “Hoy, anong nangyayari sa iyo?  Bakit ngumingiti ka riyan nang walang dahilan?” “Sino naman ang nagsabi sa iyo na wala akong dahilan?”  She put on her lipgloss.  “Bye, girls.” “Hindi ka magpapaalam kay Sir Pogi?” “Hindi na.  magkikita rin naman kami bukas.” “Ang lupit mo.  Pag iyan napundi sa pagpapakipot mo, hah, ikaw rin.  Baka sa amin siya magkagusto.  Siguradong iiyak ng dugo dahil hinding-hindi namin siya ibabalik sa iyo.” Nakita niya sa gilid ng kanyang mga mata na lumabas na ng silid nito si Raiden. “Okay lang.  Sige, sa inyo na lang siya.” “Hoy, bruha!  Wait lang.  Sabay na tayo—Ay, Sir.  Mauuna na ho kami.” Nilingon niya ang binata.  Kunot-noo itong nakamasid lang sa kanya.  Nginitian niya ito. “Overtime ka uli?” tanong niya. “No.” “Ah, okay.  Ingat ka sa pag-uwi.” “Sasha.” She almost ran towards him.  Para kasing napakatagal ng panahon mula nang huling beses niyang marinig na sinambit nito ang pangalan niya.   Sasha, if you want to work things out the way you want it, stick with the plan. Kaya naman pinilit niya ang sariling patatagin.  Para na rin ito sa kabutihan…ko.  Tama sina Cindy.  Minsan, nakakabuti rin ang pagiging masama. “Yes, Sir?” “Cut the crap, will you?”  Oh, boy.  He’s back to his normal self.  “I want to talk to you.” “Tungkol saan?” “In private.”  Ibinukas pa nitong lalo ang pinto ng opisina nito. “Sandali lang ba?  May imi-meet kasi ako ngayon—“ “Now.” “Pero kasi naghihintay siya sa akin—“  Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil nilapitan na siya nito at hinila sa kanyang kamay. Hay, daig pa niya ang prinsesang kinakaladkad ng kanyagn prinsipe.  Sarap ng feeling.  Pagsara ng pinto ay agad siya nitong hinarap.  Hindi maganda ang mood nito base na rin sa pagkakakunot ng noo nito. “What’s this all about, huh?  Bakit biglang-bigla ka yatang nagbago?” “Sir?” “Don’t call me ‘sir’!” “Okay.” “Sit down.” “Ahm, puwedeng hanggang five minutes lang—“ “Sit down!” “Sige, ten minutes na lang.  Tops.”  Naupo na rin siya sa visitor’s chair.  “Tungkol saan ang pag-uusapan natin?” Hinarap lang siya nito ngunit hindi ito nagsasalita.  Kung titingnan, batid niyang napakarami nitong gustong sabihin.  Hindi nga lang nito maumpisahan.  Oh, my poor darling.  Pasensiya ka na talaga.  Kailangan ko lang gawin ito.  I need you to want me.  I need you to realize you’re not gonna have unless you’re the one who’ll come to take me. Bumuntunghininga lang ito at humarap sa salaming bintana.  “Kunin mo ‘yung box diyan sa mesa.” “Ano ba ito?”  Isang magandang box ang naroon.  When she took out the top cover, it revealed a pair of shoes.  Just like the one she broke when they went to Barasoain Church.   “Palitan mo na ‘yung sapatos mong nasira.” “Naitapon ko na nga iyon…”  Oh, my God.  Hanggang ngayon ay naalala pa rin nito ang sapatos niyang iyon?  “Salamat.” “Huwag mo iyang isusuot kung makikipagkita ka lang din naman sa siraulong textmate mo na nanlait sa iyo doon sa church.” “A, iyon ba?  Wala na iyon.  Napalitan ko na siya ng apat na textmate.” Hindi na ito sumagot pa.  Siya naman ay hindi na natiis pang hindi isukat ang sapatos.  It fitted perfectly.  Paano kaya nito nalaman ang sukat ng paano niya? “Kasing laki lang ng isang dangkal ko ang sukat ng paa mo,” narinig niyang wika nito.  “Kaya nalaman ko ang sukat mo.  How was it?” “Its, ah…”  Napalunok siya.  Kung hindi lang niya kilala si Raiden na ma-pride, iisipin niyang ginagaya nito ang strategy niya.  Na pareho nilang balak na maunang magtapat ang isa’t isa.  So now they’re killing each other with sweetness. Pero puwedeng ngayon pa siya susuko.  Batid niyang hindi na rin magtatagal ang paghihirap niya— “Raiden, I’ve been waiting for you downstairs.  Ang tagal mo naman.” Nilingon niya ang babae.  Sopistikada ito at napakaganda.  Halatang mayaman.  And da hu is this bruha? “Oh, sorry, Kath.  Pababa na nga rin sana ako.  May ibinigay lang ako kay Sasha.” “Ah, okay.”  Sinulyapan nito ang hawak niya.  “So, puwede na ba tayong umalis ngayon?  Kapag na-late tayo ay baka ibigay na sa iba ang reserved seat natin sa Mario’s.” “Sure.”  Dinampot nito ang americana na nakasampay sa likod ng swivel chair nito.  “Sasha, huwag mong isusuot iyan sa kahit na anong date na pupuntahan mo.  That’s only reserve for special occasions.” Pagkatapos ay iniwan na siya ng mga ito na naka-angkla pa ang kamay ng babae sa braso ni Raiden.  What the hell was that mean?  Sino ang babaeng iyon?  Bakit may babae si Raiden?  Akala ko ba… “Sister, hindi ka pa ba aalis?  Wala ng tao sa labas.  Mauuna na ba kami…Sasha?” Nakaupo na lang kasi siya roon, yakap ang bagong sapatos.  Nilapitan siya ng mga kaibigan. “Selos ka, ‘no?”   “Akala ko pa naman, nami-miss din niya ako.  ‘Yun pala, may iba na siyang babae.”  Kinagat niya ang kanyang labi.  “Ang yabang ko kasi.  Feeling ko, akin lang siya.  Na hindi na siya magkakainteres pa sa ibang babae.  Nakalimutan kong marami pa palang babaeng mas maganda kaysa sa akin na nagkalat sa mundo at hindi mangingiming bigyan ng pansin ang isang gaya ni Raiden.  I feel so stupid.” “You’re not stupid,” alo ni Dahlia. “E, ano ang tawag sa akin?” “Cute na…engot.” “Pero at least cute,” segunda ni Cindy. She couldn’t get herself to laugh nor to cry.  She just felt numb at the moment.  Parang kahit tumalon siya sa bintana ng palapag na iyon ay hindi siya makakaramdam ng sakit pagbagsak niya.  Kunsabagay, ano pa nga ba naman ang mararamdaman niya kung patay na siya pagbagsak niya? “Gusto mong sundan natin, Sasha?” “Oo nga.  Kaming bahalang mang-distract dun sa biatch niyang kasama.  Ikaw naman, siguraduhin mo ng malilinawan mo na ang sarili mo kay Sir Pogi.” “Ano naman ang sasabihin ko kung sakali?” “Ano pa?  E di ‘I love you’.” Tiningala niya ang mga ito.  “Paano ninyong nalaman…” “Na inlove ka na?  E, obvious na obvious ka naman kasi, mare.  You’re smiling for no reason.” “And you always brights up everytime na makikita mo si Sir Raiden.” “Ganon na ba ako ka-transparent?” “Ay, hinde!” sabay na pang-asar ng mga ito.  “Hay naku, tama na nga.  Ano, susundan na ba natin sila?” Nanatili lang siya sa kanyang kinauupuan.  Napag-isip-isip niya, lagi na lang ba siyang maghahabol?  Paano kung mali pala sila ni Laurie at ng mga kaibigan niya?  Na wala naman talagang gusto sa kanya si Raiden?  At ang malinaw na pruweba nga roon ay ang babaeng kasama nitong lumabas. “Hindi na lang siguro,” mahina niyang wika.  “Parang nawalan na ako ng gana ngayon, eh.  Bukas na lang.” “Bukas?  Paano kung wala na siya bukas?” “E, di wala.” “Sasha—“ “Nakakasawa na ring maghabol sa taong ayaw magpahuli.  I’ll tell Raiden how I feel.  Pero hindi ko siya hahabulin.  Ayoko ng magmukhang tanga sa harap ng kahit na sino.  Lalo na sa harap niya.” “Sasha, naman, eh.  Huwag kang ganyan.  Alam mo namang ikaw lang ang tinitingala namin pagdating sa pakikipagsapalaran sa pag-ibig.  Alam mo bang kaya masaya kami tuwing umaga na nakikita si Raiden ay dahil nabubuhay ang pangarap naming magkakaroon din kami ng pagkakataong makahanap ng prinsipeng titingin sa ibaba ng kanilang mga palasyo para makita kami, gaya ng ginawa ni Raiden sa iyo.” “You can find your own prince on your own.  Hindi ninyo kailangang humanap ng inspirasyon para doon.”  Tumayo na siya.  Nang makita ang bago niyang sapatos ay hinubad niya iyon at ibinalik sa karton.  “Halika na.” “Iiwan mo iyan dito?” “Hindi ko kailangan niyan.  I have my own shoes.” And she has her own life to live.  Hindi puwedeng habambuhay ay isinasaalang-alang niya kay Raiden ang magiging kaligayahan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD