“KUMUSTA NA nga pala ang naging pag-uusap ninyo ni Joseph?” tanong ni Sasha habang pabalik na sila ni Raiden sa Manila.
“Okay lang. It went out just fine. Pinag-usapan lang namin ang final wedding rehearsal.”
“Bakit, may balak ka ring mag-crash ng wedding gaya ng ginawa ko?”
“Bakit ko naman ilalagay sa kahihiyan ang sarili ko?”
“Sabi ko nga.” Antipatiko pa rin, as usual. Hah, sige lang. Magsawa ka ngayon sa katarayan mo. Dahil pagdating natin sa Maynila, humanda ka sa akin.
“How about you and Laurie?”
“Oh, it went out just fine,” panggagaya niya sa sagot nito. “Chika-chika lang ng kung ano-anong ka-ek-ekan.”
“What in the world are you saying?”
“Wala iyon. Puro lang ka-chuva-han.” Nakita niyang napailing na lang ito habang nakatutok sa kalsada ang atensyon. “Hindi pa rin kayo nakapag-usap ni Laurie, ah. Kailan mo balak magtapat? Sa araw na mismo ng kasal niya?”
Malakas na ang loob niya ngayong ungkatin ang tungkol kay Laurie. Alam na kasi niya ang sitwasyon. Laurie couldn’t love him. But she could. At bahala itong maburyong basta siya, ipapakita na niya rito na siya ang worth na babaeng dapat nitong mahalin.
“That’s really none of your concern,” anito.
Mukha mo. “Just so you know, hindi rin ako papayag na mag-eskandalo ka sa kasal nina Laurie. Binigyan na kita ng lahat ng pagkakataon ngayong hindi pa sila kasal na makapag-confess sa kanya. Hindi kasama roon ang araw ng kasal nila mismo.”
“And what are you gonna do? Locked me in you closet?”
“I don’t have a closet. But I have banyo.”
“You can’t keep me in there.”
“Hah. Tingnan na lang natin.”
“Sasha.”
“Yes?”
“Ano ang napag-usapan ninyo ni Laurie?”
“Ano muna ang napag-usapan ninyo ni Joseph?”
Natahimik itong bigla. Akala niya ay hindi na ito sasagot pa kaya ibinaling na lang niya sa labas ng bintana ang kanyang atensyon. Kailangan niyang mag-isip ng maraming strategies para mapaamin ang antipatikong ito. At dapat, yung hindi nito mahahalata. Matalino pa naman ito at napaka-observant. Siguradong mapapahiya lang siya oras na mabuking siya nito.
Ano kaya ang puwede…
“Tinanggap ko na ang alok nina Joseph at Laurie.”
“Ha?”
“Ako na ang bestman sa kasal nila.”
Nag-unahan sa pagtaas ang kanyang mga kilay. “Bakit?”
“Masama ang tumanggi na maging bestman sa kasal.”
“Sa binyag lang ang kanyang kasabihan, ‘no? Pero…natutuwa akong tinanggap mo na rin iyon. Siguradong natuwa rin si Laurie.” Um-oo ka na lang!
“I hope so. I want her to be happy—“
“Oo, happy na iyon.”
Kunot-noo itong napalingon sa kanya nang huminto sila sa isang stop light. She just smiled at him and gave him a peace sign.
“Ikaw din, mukhang masaya ka ngayon, ah,” anito.
“Well, medyo.” Tumunog ang cellphone. “Textmate ko na ‘yung siraulong nanlait sa akin doon sa kasalan kanina.”
“Textmate?”
“Yep.” Binasa niya ang message sa kanya ng kanyang kapatid. Actually forwarded message lang iyon, something about her past life. “Raiden, alam mo ba kung ano ka nung past life mo?”
“Hindi. Bakit?”
“Eto, may converter ako. Just give me the third letter of your name.”
“I.”
“Ah, here it is. Nung past life mo, ikaw ay isang…bulateng may pakpak.” She burst out laughing when she saw the disgusted expression on his handsome face.
“That’s gross. Ikaw, ano ka nung past life mo?”
“Ako? Well, A ang third letter ng name ko. So, isa akong…aha! Diyosa,” she sing-songed. “I knew it. I’m so cute.”
“Niloloko ka lang niyan, naniwala ka naman.”
“Bitter ka lang dahil isa ka lang hamak na bulate nung past life mo.”
Hindi niya inaasahan ang naging reaksyo nito sa huli niyang sinabi. Because he had laughed at it. Sandali lang iyon, but still, he had laughed. Napatanga na lang tuloy siya rito.
So handsome…
“Bakit?” tanong nito mayamaya.
“Wala.”
“Bakit ganyan ka kung makatingin?”
“Masama ba?”
“Naiilang ako.”
“Patawa ka.” Pero ibinaling na rin niya sa ibang bagay ang kanyang atensyon. Baka kasi ma-distract pa itong lalo at madisgrasya na sila. Hindi pa naman siya puwedeng matigok nang hindi nakukuha nang tuluyan ang puso nito. “Natutuwa lang ako na nakikita kang tumatawa.”
“Really.”
“Yeah.”
“Sasha.”
“Hmm?”
“Hindi ako mag-e-eskandalo sa kasal nina Laurie. She deserves to be happy on the most important day of her life.”
“Yeah.” Iyon na lang ang nasabi niya sa sobrang kasiyahang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Sa sinabi kasing iyon ng binata, parang ipinarating na rin nito sa kanya na tanggap na nito ang pagpapakasal ng babaeng minahal nito nang halos buong buhay nito.
Wala ng sagabal sa pakikibaka niyang makuha ang pag-ibig nito. Ang kailangan na lang niyang gawin ngayon ay ang mapaamin ito.
“Sasha.”
“Hmm?’
“Bakit wala ka namang imik diyan?”
“Wala naman.” Aha! Ha-ha-ha. I got you now, honey. You’re hooked on me. Hay, its so nice to be a diyosa.