“SASHA! RAIDEN!” Sinalubong sila ng masayang si Laurie, kasama ni Joseph. “Oh, my gosh! I didn’t expect you to be here. Tinawagan lang ako ni Raiden kanina at akala ko e basta lang siya nagtatanong kung nasaan ako. Teka, ano nga palang ginagawa nyo rito?”
“Ha? E…” Nilingon niya si Raiden sa kanyang tabi. Its time to hand him over to the person who deserves him. “Puwede ba kaming mag-usap ni Jos—“
“Can I talk to you?” tanong ng binata kay Joseph. Halatang aware ito sa animosity ni Raiden sa kanya kaya nagtaka pa ito. Pero nagpaunlak pa rin naman ito. “Sasha, mag-uusap lang kami sandali. Laurie, ikaw na muna ang bahala sa kanya.”
“Sure.”
Niyaya siya ni Sasha sa open garden ng simbahan. Maganda pala ang likuran niyon. Maraming halamang namumulaklak at napakasarap ng simoy ng hangin. Ngunit hindi makuntento ang puso niya.
“Nakita nyo ba ‘yung wedding ceremony sa church? Sabi ko kay Joseph kanina, panoorin namin. Ang sabi niya, huwag na lang daw dahil sigurado namang mas maganda ang magiging kasal namin.” Tumawa pa ito. “May kayabangan din ang isang iyon.”
“Tama naman siguro si Joseph. Nakita ko ‘yung wedding sa labas. Nagkagulo pa nga ng kaunti, eh.” Napalingon ito sa kanya. “Kagagawan ko.”
“Ha? Talaga?”
Ikinuwento niya rito ang mga nangyari. Laurie couldn’t help laughing. “Sabi na nga ba! Dapat talaga ay pinanood namin ang wedding na iyon—“
“I was supposed to tell those things to you.”
“What?”
“Hindi totoong magkasintahan kami ni Raiden. Tinutulungan ko lang siyang magpanggap sa harap mo dahil ayaw niyang mahalata mong nasasaktan siya sa tuwing nakikita niya kayong magkasama ni Joseph.” Huminto siya sa paglalakad at hinarap ito. “Laurie, Raiden loves you. He loves you more than he could love himself. Please give him a chance. Alam kong biglaan ito pero puwede ba, ha? Please?”
“Sasha…”
“Don’t marry Joseph. Raiden’s better than him. Mamahalin ka niya nang higit pa sa pagmamahal sa iyo ni Joseph. Alam ko iyon dahil…dahil…”
“Dahil mahal mo si Raiden.”
“It doesn’t matter what I feel.”
“It does, Sasha. Dahil ikaw lang ang makakatulong kay Raiden na mapaghilom ang sugat sa puso niya. I’m sorry kung hindi kita mapagbibigyan. Gaya mo, mahal na mahal ko rin si Joseph. I wanted to marry him and spend the rest of my life with him. At kahit mahalin pa ako ni Raiden ng higit sa pagmamahal sa akin ni Joseph, si Joseph pa rin ang pipiliin ko.” She gave her an understanding smile. “Ang totoo, matagal ko ng alam ang nararamdaman ni Raiden para sa akin. For years, I’ve been trying to discourage it since I only see him as my younger brother. Kaya lang, walang nangyari. He still fell for me. and I’m really sorry kung hindi ko masuklian ang nararamdaman niya. Hindi ko naman kasi puwedeng pilitin agn sarili kong mahalin siya nang higit pa isang kapatid o kaibigan. Tell me, Sasha, kung sakaling sabihin ko sa iyo na mahalin mo si Joseph since mahal ka niya, gagawin mo ba?” Hindi siya makasagot. “Ayaw mo, hindi ba? It goes the same thing with me. Ang totoo, pare-pareho lang naman tayong lahat na nagmamahal. Masuwerte ang mga taong nagmahal at ang mga napili nilang mahalin ay minahal din sila. Pero para sa mga taong one-sided lang ang pag-ibig, sasabihin nila sa iyo na mas pipiliin nila ang taong mahal nila kahit hindi sila mahal, kaysa sa taong mahal sila na hindi naman nila mahal. Because when it comes to love, its not the issue of who could make you happy. But who makes you happy. Joseph makes me happy. And I know, Raiden makes you happy as well.”
Totoo iyon. Just by thinking of him makes her smile. And loving him was enough to satisfy her, even if he doesn’t love her in return.
“Raiden doesn’t really love me, Sasha. Iniisip lang niya iyon dahil wala pa siyang ibang babaeng hinayaan niyang makalapit sa kanya. At ni minsan ay hindi rin siya nagsikap na magmahal ng iba. Pero alam ko, once na buksan niya ang puso niya para sa ibang babae, madali lang niya akong makakalimutan.”
Malungkot siyang napangiti. “Si Raiden? Walang magtitiyaga dun. Sa ugali pa lang nun, walang makakatagal sa kanya ng kahit isang segundo.”
“Then why are you still with him? Bakit hanggang ngayon, pinagtitiyagaan mo pa rin ang ugali niya?” Inakbayan siya nito. “I’m sorry I can’t love him for you, Sasha. But you could, right?”
“Pero ikaw pa rin ang mahal niya.”
“Makakalimutan din niya ang anomang nararamdaman niya. At kailangan niya ng tulong mo. Alam kong makakaya mong kalimutan ng puso niya ang anomang nararamdaman niya sa akin, Sasha. In fact, sa tingin ko nga ay nakapag-umpisa ka na.”
“Anong ibig mong sabihin?”
“Didn’t I tell you na walang babaeng hinahayaan si Raiden na manatili sa tabi niya for longer than an hour? Pero ikaw, hindi ba’t ilang araw na kayong magkasama?”
“Mag-a-apat na araw na.”
“See? It means he finally accept you in his life.”
“Ganon ba siya mag-welcome sa buhay niya ng isang tao? Lagi niyang binabara?”
“That’s just a part of who is he. At sa tingin ko naman, tanggap mo pati ang kaitiman ng kanyang budhi.”
Doon na siya natawa. Oo nga, she had seen probably the worst of him. And yet she still loving him all the same.
“Laurie.”
“yes?”
“Did you know that we…already kissed?” Napasinghap ito. “Well, actually, ako ang may kagagawan niyon. Hinamon niya ako na hindi raw ako marunong humalik kaya pinatunayan ko sa kanya na mali siya kahit ang totoo e tama naman siya. And then…I think he had kissed me back.”
“No way! Really? As in he kissed you?”
“Well, I kissed him first—“
“Girl, when two persons kissed, it doesn’t matter who initiated it. Ang importante, you kissed. And when we’re talking about Raiden, girl, ngayon pa lang e kino-congratulate na kita.”
“May ibig bang sabihin ang halik na iyon?”
“Luka-luka! Natural! Conservative si Raiden. Kaya hindi iyon basta-basta nanghahalik ng babae, unless gusto rin niya iyon.”
Hindi pa rin siya kuntento. Lalo na at pagkatapos na pagkatapos ng halikan nilang iyon ay basta na lang siya nito nilayasa para habulin ang isa pang babae.
“Napilitan lang siguro iyon,” aniya.
“Hay naku, ang kulit mo. Ganito na lang, ipakita mo sa kanya ang kamay mo one time.”
“Bakit?”
“Medyo may pagka-weird kasi ang isang iyon. Ang alam ko, he has some sort of a fetish about hands. Lalo na sa kamay ng mga babae. Noong nag-aaral pa kami, kapag may nagkakagusto sa kanya, pinagsasalikop niya ang mga kamay nila. When he doesn’t like the fit, he wouldn’t court the girl. Sa tingin ko, nalalaman niya kung magiging kumportable ba siya sa isang babae once na nahawakan na niya ang kamay nito.”
“Iyon ba ang dahilan kung bakit nang-iinspeksyon siya ng mga kamay?”
“Bakit, nahawakan na rin niya ang kamay mo?”
“Yeah, he said our hands fit perfectly.”
“Then that’s it! Hay naku! Bakit hindi ka nagsasalita? Ang dami na palang nangyari sa inyong dalawa. He liked your hands and he had kissed you? Sasha, he doesn’t love me anymore. Dahil ikaw na ang mahal niya!”
Kumabog ang puso niya. But in a good way. Kaya lang, kaya pa ba ng puso niyang umasa?
“Totoo ba iyan, Laurie? Baka naman ginogoyo mo lang ako. Alam mo namang napakadali kong bumigay sa mga bagay na may kinalaman kay Raiden.”
“Hindi kita niloloko. Look, Raiden never held my hand the way he probably held yours, nor did he kiss me. Pero ikaw, lahat na yata ng senyales na sumuko na ang puso niya sa iyo, nandiyan na. Hindi mo ba iyon nahahalata?”
“Paano kong mahahalata e lagi nga niya akong binabara.” Subalit hindi rin naman maalis sa isip niya ang napakaraming pagkakataon na nagkakaroon sila na magkalapit nang husto. Tulad noong sa train, sa elevator, sa work cubicle niya… “Syet! Ang dami na nga!”
“Kung ako sa iyo, huwag ka ng mag-aksaya pa ng oras na ibigay siya sa akin. Its time you own him for yourself, Sasha. Afterall, you did try your best helping him, right? Since it didn’t work out, bakit hindi mo subukang ilapit mo naman siya sa iyo? At pupusta ako, bibigay iyon.”
Na-excite naman siya agad. Nabuhayan siya ng loob sa mga sinabi nito at sa mga nalaman. Her heart could still have a second chance. Puwede pa rin siyang magkaroon ng sarili niyang love story na may happy ending.
“Laurie, anong puwede kong gawin?”
“Let him come to you.”
“Paano iyon?”
“Huwag mo siyang pansinin. Mahina kasi iyon sa silent treatment.”