ILANG ORAS na silang nagbibiyahe ni Raiden ay hindi pa rin sila nag-iimikan. Nang sabihin niya ritong susundan nila si Laurie ay wala na itong sinabi pa at sumunod na lang sa kanya. Kaya inabala na lang niya ang kanyang sarili sa pagtanaw ng mga nadadaanan nila sa labas ng bintana. Hanggang sa mangawit na lang ang leeg niya at nilingon ito.
“Bakit hindi mo masabi sa kanya, Raiden? Aang sabi ni Laurie, childhood friends daw kayo. Kung ganon ang haba na nag panahong dapat ay nakapagtapat ka na sa kanya.” Umayos siya ng upo at bumuntunghininga. “Ikaw tuloy ang nahihirapan ngayon. Actually, wala namang ibang dapat sisihin sa mga nangyaring ito sa iyo kundi ang sarili mo. Kung noon pa man ay sinabi mo na sa kanya—“
“She wouldn’t have stayed beside me.”
“Dapat ay sinubukan mo pa rin kahit paano.”
“Ikaw, Sasha, magkakaroo ka rin kaya ng lakas ng loob na sabihin ang nararamdaman mo sa isang tao…kung sa tuwina ay lagi niyang sinasabi sa iyo na ikaw ang long-lost sibling niya?”
Sibling? Kung ganon…
“Laurie only see me as her younger brother. Tatlong taon ang tanda niya sa akin nang maging magkapitbahay kami sa isang village. She was thirteen, I was ten. Lagi kaming magkasama. Kapag naglalaro sa park, kumakain sa labas, nanonood ng sine, pati sa mga dates niya ay isinasama niya ako. Sa tuwing pinapansin ako ng mga nanliligaw sa kanya na istorbo raw sa kanila, agad niyang binabasted ang mga iyon nang wala ng dahi-dahilan pa. That’s how protective she was of me. Ang akala ko noon, may special meaning ang mga ginagawa niyang iyon para sa akin. Until one day, I decided to court her. I was seventeen then. Pero hindi pa man ako nakaka-first base, nalaman ko na ang dahilan niya kung bakit napaka-espesyal ng tingin niya sa akin. She said I reminded her of her younger brother who died at a pool years before we met. Ang sabi niya, wala siyang nagawa noon para sagipin ang kapatid niya kaya nang makita niya akong pinapaiyak ng iba naming kapitbahay na bata noon, nangako siya sa sarili niyang hinding-hindi niya ako pababayaan gaya ng naging pagpapabaya niya noon sa kapatid niya. So, I kept my feelings for her. Ayokong masira ang pagkakaibigan namin nang dahil lang sa nararamdaman kong iyon.”
“Pero nasasaktan ka…”
“Tao lang din naman ako. But it was better than not being with her.”
Naiinggit siya kay Laurie. It must have been great spending those times with Raiden, growing up with him and seeing him transform from a cute school boy to a handsome man.
“Kung talagang mahal mo siya, dapat ay hindi ka agad sumuko. Dapat ay ipinakita mo sa kanya na hindi ikaw ang younger brother niya.”
“I guess I wasn’t brave enough.”
“O, ngayon, ikaw tuloy ang hahabol-habol.” Hindi na niya ito narinig pang magsalita kaya napilitan siyang lingunin ito.
And seeing that handsome sad face felt like something was crushing her heart. Mahina talaga ang puso niya pagdating sa lalaking ito.
“Hay, sige na nga. Sorry. You’re not a coward. Maybe you just doesn’t want to lose her completely. Marami nga namang friendship ang nasisira kapag nakialam na ang puso. At sa tagal ng pinagsamahan ninyo, kahit ako manghihinayang kung mawawala lang iyon ng ganon.” Wala pa rin itong reaksyon. “Ano na nga pala…ang gagawin mo pagkatapos mong magtapat sa kanya?”
Nagkibit lang ito ng balikat.
“Right,” sambit niya. Siya na lang ang nag-interpret sa pagkikibit nito ng balikat. “You’ll cross the bridge when you get there.”
She turned her attention back to the view they’d been passing by. Nasa Bulacan proper na sila. Hindi niya alam kung saan ang eksaktong lokasyon ng Barasoain Church pero alam niyang malapit na lang iyon. Dahil nagwewelga na ang mga munting tinig sa isip niya. Bakit daw siya pa ang gumagawa ng paraan na magkasundo ang mga puso nina Laurie at Raiden? Hindi siya nakinig. Sa usaping pag-ibig, wala siyagn ibang susundin kundi ang kanyang puso. Afterall, minsan lang siya magmahal ng ganito. Malungkot, oo. Pero kaya naman niya ito, eh. Kapag nagkataon na may nararamdaman din si Laurie kay Raiden, sapat na sa kanya na malamang maligaya na rin sa wakas ang lalaking mahal niya.
Huminto na ang kanilang sasakyan. Dumiretso agad ang mga mata niya sa malaki at lumang simbahan ng Barasoain.
“Bakit nga pala dito pa sila ikakasal? Ang layo nito sa Manila, ah.”
“This is where they met. At ako ang nagpakilala sa kanila sa isa’t isa.”
Napakamot na lang siya ng ulo. Talk about stupidity. Oh, well, bagay nga siguro sila ni Raiden. Pareho silang tanga. Nataranta na lang siyang bigla nang marinig ang malakas na tunog ng kampana.
“Oh, no! They’re getting married!” Basta na lang siya lumabas ng kotse at tinakbo ang simbahan.
Natapilok pa nga siya dahil sumabit ang takong ng kanyang sapatos sa isang c***k sa pavement sa harap ng simbahan. Kumirot ang kanyang sakong ngunit hindi niya iyon ininda. Raiden’s happiness was at stake here. Kailangan niyang magmadali. Pagpasok na pagpasok niya ng simbahan ay malakas siyang sumigaw.
“Itigil ang kasal!” Iika-ika siyang naglakad ng ilang hakbang bago bumigay ng tuluyan ang takong ng isa niyang sapatos. “Laurie, makinig ka sa akin! Huwag kang magpakasal, please. I know this might be sudden but I know there’s a better man out there who loves you more than your life. And he’s been loving you in secret for years, ever since you were young. Sa’n ka pa?”
Nayayamot na siya sa kanyagn sarili. Habang tumatagal kasi siya sa lugar na iyon ay unti-unti ng natatalong isip niya ang kanyang puso. And her mind wasn’t liking the things she’d doing at the moment.
“Maaaring isip-bata nga si Raiden paminsan-minsan,” patuloy niya. “But he’s not such a bad guy. He’s just a little unfriendly, insensitive, and thick-skinned.” Sinisiraan na niya si Raiden sa harap ni Laurie. Dinidemonyo na talaga siya ng isip niya. Nevertheless, in her own secret way, ito ang paraan niya para maipaglaban kahit paano ang nararamdaman niya. Baka sakaling tuluyan ng hindi magustuhan ni Laurie si Raiden kapag narinig ang mga negatibong deskripsyon niyang iyon.
“And selfish,” patuloy niya. “And heartless and ugly. That’s all.” Pero sa huli, ang puso pa rin niya at ang kagustuhang mapasaya ang lalaking minamahal ang nanaig sa kanya. “But he loves you. And I think, that’s all that matters. Ang napakasamang lalaking iyon, nagawang magmahal. At ikaw ang masuwerteng babae, Laurie. Kaya naman—“
“Miss, sinong Laurie ang tinutukoy mo? Ako ba?”
Nahintakutan siya nang makita ang nagsalita. Dahil isang maton na naka-gown ang nakangiti sa kanya. Isang bading na mukhang maton.
“Laurie? A-anong nangyari sa iyo…” Tumingin siya sa altar. Nang magtanggal ng belo ang bride, hindi rin iyon si Laurie. s**t! Oo nga pala, sa LUnes pa ang kasal nina Laurie! “Nasaan ba ako?”
“Nagkamali ka yata ng kasalang napuntahan, Miss,” wika ng isang matanda naka-upo malapit sa kanya. “Claudia ang pangalan ng ikakasal na babae.” Pagkatapos ay itinuro ang bading na maton. “At siya ang Laurie dito. Lorenzo Magtanggol sa totoong buhay. Siya ba ang tinutukoy mong may lihim na manliligaw?”
Kahit siya ay parang gustong mangilabot maisip pa lang niya na ang isang ito ang lilingkis sa mga braso ni Raiden. Ang masaklap pa, napahiya na rin siya dahil sa pang-iistorbo sa kasalan ng iba. There’s only one thing to do.
“Makasalanan ka!” tukoy niya sa pobreng binabae. Habang naglalakad ng patalikod palabas ng simbahan. “Masusunog ka sa impiyerno! Magsisi kayong lahat! Magugunaw na ang mundo!”
“Let’s go, Sasha.” It was Raiden’s gentle voice against her ear as she felt his arms around her. “Pasensiya na ho kayo sa abala. Nakawala lang sa van namin ang pasyenteng ito.”
“Kung ganon baliw ang isang iyan? Sayang, maganda pa naman. Kulang sa height pero maganda.”
“Hoy!” bulyaw niya sa lalaking nagsalita. “Hindi ako baliw! Baka ikaw! At hindi ako kinulang sa height, ‘no? Ganito ang uso ngayon. Petite! Sapakin kita diyan, eh!”
Nagtawanan ang mga tao.
“Kung naging matino ka lang, Miss. Liligawan kita.”
“Kahit naging totoo akong baliw, hindi pa rin kita papatulan, ‘no!”
Hinila na siya ni Raiden palabas. Nang nasa labas na sila ng simbahan at hindi na makikita pa ng kahit na sino sa loob, hinayaan na siya nitong makawala.
“Gagong iyon…” sambit niya. “Laitin daw ba ang height ko. Akala mo naman kung sinong matangkad e bansot din naman siya…”
Raiden had gotten down on his knees and took out her shoe. Tuluyan na nitong hinila ang naputol niyang takong. Pagkatapos ay muli nitong isinuot sa kanya bago kinuha ang isa pa niyang sapatos at ganon din ang ginawa nito sa takong niya. Once again she has witnessed how gallant Raiden could be. And once more, she felt her love for him just escalated even more.
“Nasa receiving office sa likuran ng simbahan si Laurie.”
“Paano mong nalaman?”
Itinaas nito ang cellphone. “She called me.”
“Raiden! Ang trinket mo! Nasaan na?”
Isinuksok lang nito ang cellphone sa bulsa ng pantalon nito. “I lost it.”
“Lost it? Kailan? Saan?”
“Ewan ko. Hindi ko na maalala.”
“Bakit hindi mo alam? Importante sa iyo iyon, di ba?”
“Wala na akong magagawa. Nawala na. At hindi ko na mahanap kahit anong gawin ko. Puntahan na lang natin si Laurie.”
“Pero…”
Bakit biglang-bigla yata ang pambabalewala nito sa pinakamahalagang bagay na pag-aari nito? Hindi na ba ganon ka-importante rito ang bigay na iyon ng babaeng mahal nito?
Nagiging bato na naman ito. Sana may magawa siya para rito at nang hindi na ito tuluyang mawalan ng kakayahang magmahal uli kung sakaling tanggihan pa rin ito ni Laurie. She walked beside him in silence. At kahit masyado na rin siyang naging mababa ngayon dahil wala ng heels ang kanyang sapatos, lakas loob pa rin niyang hinawakan ang kamay nito.
I’ll be with you no matter what happens, Raiden.
And then she felt his hand tightened around hers, as if thanking her in silence.
Sige, puwede na rin ang ‘thank you’.