CHAPTER 5

974 Words
SASHA FELT good with the warmth Raiden’s hand brought her when he took her hand.  Kaya siguro medyo nag-subside ang munting pagwawala niya kanina.   Oy, Sasha, ako ang iyong kunsensiya.  Ipinapaalala ko lang sa iyo na may atraso pa iyan sa iyo.  Kaya huwag ka munang magtiwala sa kanya.  Okay? Pilit niyang binawi sa binata ang kanyang kamay ngunit hindi siya nito hinayaang makawala. “Anastasha, I thought malinaw na sa atin ang lahat,” wika nito sa pinakamalumanay na boses.  “Or do you really want to go on with your life without me?”  In short, ipapakulong siya nito. Mangangatwiran sana siya subalit nang tingalain naman niya ito at mapagmasdan ang guwapong mukhang iyon ay nakalimutan na niya ang kanyang sasabihin.  Why was it that she had this feeling that he’s looking at her as if he liked her? “S-saan ho tayo pupunta?” ang narinig na lang niyang sinasambit niya. “Lunch.” Lunch?  Anong oras na ba?  Sinulyapan niya ang relong pambisig.  “Isang oras pa bago mag-lunchbreak, Sir.” “Nagugutom na ako.  Hindi na ako makakapaghintay ng isang oras pa kaya tumayo ka na diyan.  Balikan mo na lang iyan mamaya pagkatapos nating kumain.” Ayaw niyang sumama dahil nga medyo nagdududa siya sa estado ng katinuan ng amo nilang ito.  Binalingan niya ang mga kaibigan upang humingi sana ng tulong.  Subalit nakatingala lang ang mga ito sa lalaki.  Bahagya pa ngang nakanganga ang mga bibig ng mga ito gaya ng iba pang kasamahan nila roon.  Obviously, wala na rin sa katinuan ang mga ito kaya wala siyang aasahan kahit sino sa kanila. “Let’s go, Sasha.”   With their hands clasped, he led her towards the elevator.  Natameme na lang siya.  The guy must have known the things to make her succumb to his will.  Hinila na siya nito sa elevator.  Tumama pa nga ang ulo niya sa elevator door pagpasok nila.  At iyon marahil ang naging hudyat para makabalik siya sa katinuan.  Hinablot niya ang kamay mula rito. “Aray…puñeta…” “You really ought to stop cursing, woman.  Hindi magandang pakinggan.” “Sa nasaktan ako, eh!  Anong gusto mong gawin ko, tumambling?” He sighed and stood in front of her.  Muntik na namang sumuko ang depensa niya nang idampi nito ang daliri sa nasaktang bahagi ng kanyang ulo.  Mabuti na lang at nagawa niyang tapikin ang kamay nito. “Huwag ka ngang lapit nang lapit sa akin at—“  Hindi na niya naituloy pa ang sasabihin dahil naramdaman na niya ang mainit at masuyong pag-ihip nito sa nasaktan niyang ulo.  “Naaalibadbaran ako sa iyo…”  Nawalan na rin ng tapang ang boses niya.  Gusto na naman niyang magmura.  Pero hindi iyon para sa lalaki kundi para na sa kanya. Paano siyang naaapektuhan nito ng ganon-ganon na lang?  How could he tame her without any effort?  When she looked up to him, her nose brushed softly against his chin.  And she almost went out of her wits when he slowly looked down at her.  Dahil kaunting galaw na lang, siguradong magdidikit na ang kanilang mga labi.  Nakalapat na kasi ang isang kamay nito sa steel wall ng elevator kung saan siya nakasandal.  Kaya naman hindi siya makawala rito.  Pero parang okay lang din naman iyon sa kanya.  Na para ring hindi.   Napalunok siya.  Paano itong naging ganon kalapit sa kanya?  At paano nangyaring idinadalangin niya ngayon na sana nga ay magdikit na ang kanilang mga labi?  Nagtitilian na yata lahat ng ugat niya sa katawan.  s**t talaga!  Kinikilig siya nang husto!  Lalo na habang patuloy niyang nararamdaman ang mainit na dampi ng hininga nito sa kanyang mukha.  Mabuti na lang at bumukas ang elevator kaya nakawala siya sa tila pagkakahipnotismo rito.  She moved out of the arm that was imprisoning her.  Ngayong may makakasama na sila sa elevator, magiging maayos na rin ang lahat.  Hindi na niya kailangang…Nakita niyang nilingon ni Raiden ang mga papasakay pa lang na empleyado na natigilan nang makita ito.  And then he pushed the closed button. “M-magandang tanghali, Sir RAiden,” wika ng isa sa mga ito. “Nandiyan si Sir Raiden?” “Yung bagong director ng Timber Land?” “Pasilay naman!” Bago tuluyang sumara agn elevator ay nakita niyang nagkagulo pa ang mga empleyado na makasilip man lang sa binata.  Sa tantiya niya, mukhang hindi lang sa kanya may ganong epekto ang presensiya ni Raiden.  Sumandal ito sa tabi niya nang sumara na iyon nang tuluyan.  Nagregodon agad ang puso niya kaya pasimple siyang umurong palayo rito. “Hindi ako nangangagat,” wika nito. “B-babalik na ho ako sa office.” “Mamaya na.  May gagawin lang tayo sandali.” Napasinghap siya.  May ‘gagawin’ sila?  “Akala ko ho ba, kakain lang tayo—“ “Oo nga.  And then we could discuss it.” Discuss?  Ang bagay na iyon?  Pinagdidiskusyunan ba talaga iyon? “A-ayoko ho…” Napalingon ito sa kanya.  “Ano bang kinakatakot mo?  Madali lang naman iyon.  Kung ayaw mong makita, pumikit ka.  Basta gagawin natin iyon.  Huwag kang mag-alala.  Okay kung wala ka pang experience.  Magaling naman ako.” Lalong napalakas ang pagsinghap niya sabay tutop sa kanyang dibdib.  Oh my God!  Nang bumukas ang elevator ay basta na lang siyang kumaripas ng takbo.  Pero nahawakan pa rin siya nito sa braso bago pa man siya makalabas ng tuluyan. “Where do you think you’re going?” “Layuan mo ako!  Nasisiraan ka ng bait!  Baliw!  Praning! Praning!” “What?” “Bitiwan mo sabi ako!” “Okay.”  Pagbitaw niya sa kanya ay nagmamadali siyang naglakad patungo sa exit.  Pero narinig niya ang boses ni Raiden.  “Guards, pakidampot ang babaeng iyan.  He snatched my cellphone.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD