CHAPTER 6

2140 Words
“IYON LANG.”  Matamis na ngiti ang ibinigay ni Sasha sa waiter matapos niyang ibigay ang kanyang mga order.  “Pakibilisan lang, ha?  Nagugutom na kasi ako.” Pag-alis ng waiter ay bumalik na naman sa pagsimangot ang kanyang mukha.  Nasa harapan kasi niya ang lalaking tuluyan na niyang kinalimutan ang naunang naging paghanga dito.  Raiden was watching her as if he was trying to figure out how to tackle her in case she tried to run away again.  Nang ipahuli siya nito sa mga guwardiya ng kanilang gusali, nagdalawang isip ang mga security guards na hawakan siya dahil nga kilala siya ng mga ito.  But then again, it was their boss who ordered them and there’s nothing they could do.  Akala niya noong una ay talagang ipapatapon na siya nito sa presinto.  Ngunit ipinahatid lang siya nito sa sasakyan nitong nakaparada na sa harap ng gusali.  At sa restaurant ngang ito sila dumiretso. “Let’s clear some things here, okay?” wika nito mayamaya.  “First of all, I don’t have any intention of taking you in my bed or whatsoever.  Kaya puwede mo ng alisin diyan sa isip mo ang pagnanasa mo sa akin.”  sasagot na sana siya nang muli itong magsalita.  “Pangalawa, kaya lang naman hanggang ngayon ay magkasama pa rin tayo ay dahil may utang ka pa sa akin na dapat mong bayaran.  At pangatlo, hindi ikaw ang tipo kong babae.  Siguro naman ay maliwanag sa iyo noong una pa lang kung sino o ano ang tinutukoy ko.” Oo naman.  Isa lang ang sagot dun.  Si Laurie.     “Nagkakaintindihan na ba tayo, Sasha?” “Oo.” “Good.  I hope you keep that in mind.  Para walang problema.” Kinuha nito ang menu pagkatapos ay doon na itinutok ang atensyon nito.  Nagkaroon tuloy siya ng pagkakataong mapagmasdan ito nang husto.  Parang gusto niyang tawanan ang sarili sa kagagahan niya kanina.  Nakakahiya.  Siya pa nga ang mas nagmukhang baliw kaysa rito.  Kung bakit naman kasi napaka-weird nito.  Pero hindi rin naman niya masisi nang husto ang sarili.  May kasalanan din ito kung bakit naging ganon ang reaksyon niya kanina.  Oh, well.  At least, malinaw na ngayon na hindi naman talaga ito takas sa Mental. Kaya lang, kailangan pa rin niyang mag-ingat dito.  Hindi dahil sa takot kundi dahil sa mga kakaibang nararamdaman niya sa tuwing lumalapit ito sa kanya.  Napatingin siya sa kanyang kamay.  Isa ng patunay doon ang pagiging kalmante niya nang hawakan nito ang kamay niya kanina. “How old are you, Sasha?” “Ha?”  Napabuntunghininga na lang ito na tila ba sinasabing tinatamad na ito sa katangahan niya.  “Twenty eight.” “At wala ka pa ring boyfriend?” “Walang…walang nanliligaw, eh.”   “Bakit?” Itanong pa daw ba?  “Wala ngang nanliligaw.  Kaya sino ang sasagutin ko?” “Hmm.”  Nakatutok pa rin sa menu ang pansin nito.  “I’m thirty one.  No girlfriend.” “Bakit sinasabi mo sa akin iyan?  At bakit mo ako tinatanong ng mga personal na bagay?” “Kung ayaw mong sagutin, wala akong magagawa.  Pero sumasagot ka naman kaya ang akala ko okay lang na tanungin kita ng mga ganong bagay.”  Of course, he has a point.  “Bakit ko sinasabi ito sa iyo?  Wala naman.  I just thought you might want to know.  Afterall, magkasintahan ang drama natin ngayon.” She picked up the glass of water to eased the growing tension inside her.  “Bakit kailangan nating magpanggap?” “Ito ang paraang gusto kong maging kapalit ng pagkuha mo sa cellphoen ko.” “Hindi ko nga sabi kinuha iyon,” pagdidiin niya.  “Aksidente lang iyon.” “I don’t care if its an accident or not.  The point is that my cellphone went missing because of you.  And this is how I want you to repay.  By pretending to be my girfriend.” Asar!  Buhusan kaya kita ng tubig diyan?  Pero bago pa man niya nagawa iyon ay dumating ng taong hindi niya inaasahan.  Ang napakagandang babae sa cellphone ni Raiden.  Si Laurie. “Raiden.”  The woman kissed him on the cheek before turning to the other man she was with.  “I told you they’ll be here, didn’t I, Joseph?  And he’s with his girlfriend.” Joseph?  Napatingin siya sa guwapong lalaking nakangiti nang umupo sa bakanteng silya sa tabi ni Laurie.  Ito ang lalaking nasa wedding invitation.  Unti-unti ng luminaw sa kanya ang lahat habang pinagmamasdan ang eksenang iyon.  RAiden wanted her to pretend to be his girlfriend in front of the woman he was obviously inlove with.  But was marrying someone else.  In short, ayaw nitong magmukhang kawawa sa harap ni Laurie at ng lalaking pinili nitong pakasalan.  Napasulyap siya kay Raiden na tahimik lang.  Somehow, she felt bad for him.  Tao lang din pala ito na nasasaktan.  Poor guy.  He looked at her when he noticed she was looking at him.  Hindi siya nagbaling ng tingin.  Sinalubong niya ang mga mata nito.  Kahit paano, nawala na ang inis niya rito dahil naiintindihan niya ito.  Minsan na rin naman siyang nabigo at nasaktan ng dahil sa pag-ibig.  And most of the times, having your heart broken could really make you a bit crazy. Nang hindi pa rin siya naglilihis ng tingin ay ibinaba na nito ang hawak na menu at lumapit sa kanya.  He still has the same effect on her whenever he was this close, but she wasn’t that awkward anymore.  Siguro dahil sa realization niya sa tunay nitong intensyon na pagkuha sa kanya bilang ‘girlfriend nito. “What?” he asked in a hushed voice.   “Wala.”  She just thought he really looked handsome up close. “Bakit ganyan ka kung makatingin?” “Ganito mo rin naman ako tingnan, ah.”  Wala sa loob siyang uminom ng tubig kaya siguro inihit siya ng ubo nang pumasok ang tubig sa kanyang ilong. Raiden took the glass of water from her and gently rubbed her back. “Look, Joseph, honey.  Aren’t they the sweetest couple?” “Yeah, I can see.” She shoved Raiden’s hand away.  “I’m fine.”  Lumayo na rin sa kanya ang binata. “My name’s Laurie, bestfriend nitong boyfriend mong masyadong malihim.” Inabot naman niya ang kamay ng nakangiting babae.  Mukha naman itong mabait kaya inayos niya ang sarili.   “I’m Sasha.” “Sasha.  That’s a nice name.  And this is Joseph, by the way.  My fiancé.  We’re getting married next week.  Kaya nga hindi ko tinitigilan itong si Raiden dahil gusto naming siya ang maging bestman sa kasal namin.  Wala naman kasing kapatid na lalaki si Joseph.  Ayaw naman niyang pumayag.  Nakakainis na nga, eh.” “Ganon ba…”  Nilingon niya ang binata.  Wala pa rin itong imik ngunit mas maaliwalas ang mukha nito ngayon.   It seemed like he was a bit on a good mood.  Siguro dahil nasa harap nito ang babaeng gusto nito.  Nagsasalubong lang ang mga kilay nito kapag napapadako ang tingin kay Joseph na nananahimik lang naman sa isang tabi. “Pasensiya ka na nga pala kanina, Sasha,” wika uli ni Laurie.  “Hindi na ako nakapagpakilala sa iyo ng maayos doon sa conference room.  Sobrang excited kasi akong ibalita kay Joseph na may girlfriend na rin sa wakas itong si Raiden.  Kasi naman, sa sobrang tagal na naming magkakilala, dalawang beses ko pa lang nalaman na may girlfriend na siya.  At kung hindi ko pa siya mahuhuli sa akto, hindi ko pa malalaman.”  Binalingan nito ang binata.  “Nagtatampo na nga ako, eh.  I mean, we’re childhood friends pero laging may sekreto ang kolokoy na ito sa akin.” “I just didn’t have the time to tell you, Laurie.  Lagi mo na lang kasi akong inuunahan.” “Ang bagal mo naman kasing magkuwento.  Anyway, I’ll forgive you.  That is, kung papayag ka ng maging bestman sa kasal namin ni Joseph.” “Pag-iisipan ko pa.” “Next week na ang kasal namin!” “Then give me a week to think about it.” “You’ve been thinking about it since the day I told you I’m getting married and I wanted you to be the bestman.” “Laurie,” singit na ni Joseph.  Kumunot na naman ang noo ni Raiden.  “Kung gusto mo talagang maging bestman sa kasal natin itong bestfriend mo, let him think it over.” “Pero…” “For a week.  Ikaw na rin ang nagsabing hindi mapipilit ng kahit na sino si Raiden kung talagang ayaw niya.” Napabuntunghininga na lang si Laurie.  Ngunit agad din itong nabuhayan ng loob nang bumaling sa kanya.  “Convince him for me, Sasha.” “Ha?” “Convince your boyfriend to be my bestman.”  Nakasimangot nitong nilingon si Raiden.  “Ilang beses ko ng sinabi sa kanya na gusto ko siyang maging bahagi ng pinaka-importanteng pangyayari sa buhay ko.  Pero bato ang puso ng isang iyan.  Hindi man lang ako mapagbigyan.” “I have other things to do,” wika ni Raiden.  “Masyado akong busy para magpunta sa mga wedding practice.” “Ewan ko sa iyo.  Sasha,” baling uli nito sa kanya.  “You’re the first girl that Raiden introduced to me formally.  Kaya alam kong malakas ang impluwensya mo sa kanya.  Come on, convince him for me.” Nilingon niya ang binata.  “Gusto mong mag-bestman sa kasal niya?” “No.” Nagkibit lang siya ng balikat.  Napabuntunghininga naman si Laurie samantalang natawa lang si Joseph. “Hmp!  Sige na nga.  You have a week, Raiden.”  Sinagot na nito ang nag-iingay na cellphone. At nakita niya ang trinket na parehong-pareho ng trinket nakakabit sa cellphone ni Raiden.  Ngayon ay mas naging matibay ang hinala niya tungkol sa binata. “Ops.  Pasensiya na, lovers,” paumanhin ni Laurie na hinila na patayo si Joseph matapos makipag-usap sa cellphone.  “That was our cake designer.  We have to go to their shop for some things about our wedding cake.  So, see you both later.  It was nice meeting you, Sasha.” “Same here.” Kumaway lang si Joseph at pagkatapos ay umalis na ang dalawa.  Naiwan sialng dalawa ni Raiden na walang imikan.  He was busy sipping on his wine while she was contemplating on what dish she would eat first.   “So, you’re bestfriend’s getting married, huh,” wika niya mayamaya.   Inilapag nito ang kopita sa table at hinarap siya.  “Sasha, not because I introduced you to her doesn’t mean you can intrude into my private life.” Ginaya niya ang pagiging kalmante nito.  Now that she knew he was just a bitter brokenhearted guy, hindi na ito kasing intimidating gaya ng una niyang naging impression niya rito.  Sabi nga nito, hindi ito nangangat.   “Kung ganon bahala ka ng magpaliwanag kay Laurie kung bakit bigla ka na lang nawalan ng ‘girlfriend’.” “Hindi mo puwedeng gawin iyan.  You know I could still sue you for that cellphone incident.” “Alam din nating pareho na wala akong kasalanan doon.  Aksidente lang na sumabit sa bag ko ang cellphone mo.” “At sino ang makakapagpatunay niyon?” “At sino rin ang nagsabi sa iyong natatakot akong makulong?  Sa tingin mo ba hindi ko kayang piyansahan ang sarili ko kung sakali?  Mababang kaso lang ang theft, Raiden.”  Pinagsalikop niya ang mga daliri at nginitian ito.  “I maybe a weakling sometimes, but I’m not stupid.  Hindi ako magpapagamit sa mga walang pusong gaya mo.  Magdusa kang mag-isa sa kabiguan mo sa pag-ibig.  Mabuti nga iyan sa iyo at nang matuto kang gumalang sa damdamin at karapatan ng ibang tao.” She stood up and was started to leave.  Ah, the sweet scent of revenge. But then she heard him again. “Sasha.” “Yes?” buong taray niyang baling dito.  At ibinuhos din niya ang lahat ng kanyang willpower upang hindi maapektuhan ang kanyang puso sa malamyos na pagsambit nito sa pangalan niya.   Hindi siya maaaring magkagusto sa isang masungit at bigong gaya ni Raiden. “I’m sorry.” Hindi ka puwedeng magkagusto sa isang masungit at bigong gaya ng isang iyan, Sasha.  “You’re forgiven.” “Let’s talk.” Leave now, Sasha.  Before— “Please?” Napaupo siya nang wala sa oras sa dating puwesto.  “Nakakainis ka!” He just smiled.  And she was doomed.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD