CHAPTER 7

2218 Words
NAPAANGAT NG tingin si Sasha nang makitang dumaan sa harap ng cubicle niya si Raiden.  He didn’t say anything but he looked her way before going to his office.  Napabuntunghininga na lang siya.  Kahapon lang ay natapos ang usapan nila at nagka-ayos sila.  They’ll continue their charade as lovers in front of his bestfriend Laurie.  Hindi na rin siya nagtanong pa ng tungkol sa lovelife nitong problemado at baka magkasagutan na naman sila nang wala sa oras. And most of all, napapayag siya nito sa isang ngiti ng lang!   Minsan gusto na niyang sabunutan ang sarili.  Hindi kasi niya alam kung paano siya nitong napasunod samantalang batid niyang halos muntik na silang magkasaksakan ng tinidor kahapon dahil sa sobrang iritasyon sa isa’t isa.  But then she remembered how he gently said her name and the way he apologized.  Tila malamig na tubig ang mga salita nito sa init ng ulo niya.  With those simple words, napatawad na niya ito agad.  At hanggang ngayon, hindi pa rin niya maintindihan kung bakit ganon na lang ang epekto nito sa kanya. “Sasha, ang suwerte mo, bakla!” impit na tili ni Dahlia nang hampasin siya nito ng folder sa braso.  “Sana may prinsipe rin akong maaagawan ng cellphone sa LRT.  Hmm, makapag-LRT na nga araw-araw.” “Hindi ba’t taga-Mandaluyong ka?” “Heh!  Walang tamang direksyon kung pag-ibig na ang pinag-uusapan.” “I agree!” segunda ni Cindy.  “Kaya mag-i-LRT na rin ako!”  Taga-Makati naman ito. “Ewan ko sa inyo.”  Hinarap na niyang muli ang computer.  “Magtrabaho na nga lang tayo.”  Napapalakas ang pagtipa niya sa keyboard.  Hindi man lang ako binati ng kumag!  Anong mapapala ko sa tingin?  “Sasha, masarap ba talagang maging boyfriend si Sir Raiden, ha?” tanong ng isa nilang ka-opisina na lumapit pa talaga sa kanya.  “Sweet ba siya?  Gentleman?  Passionate?” None of the above, gusto sana niyang isagot pero minabuti na lang niyang manahimik.   “Ano ang pakiramdam ng hinahalikan niya?  Langit ba?” “Syet!” tili ng isa pa nilang kasamahan.  “Naiinggit ako!  Naiinggit ako!” “Ako rin!  Gusto ko rin ng kiss!” Ako rin.  Lihim siyang lumabi.  Ano kaya ang sasabihin ng mga ito kapag nalaman nila ang totoong estado ng ‘relasyon’ nila ni Raiden?  Baka mamatay ang mga ito sa kakatawa. Binalikan na lang niya ang ginagawa sa harap ng computer kaysa kung ano-ano pang kasinungalingan ang sabihin niya sa mga ka-opisina para lang tulungang mapagtakpan ang kabiguan ni Raiden.  Iyon na nga siguro ang dahilan kung bakit pumayag siya sa set-up na iyon ng binata.  She don’t want to see him hurt.  Although hindi niya ginusto, nakikita niyang nasasaktan ito sa tuwing makikita si Laurie na masaya sa nalalapit nitong pagpapakasal sa ibang lalaki.  Ngayong alam na niya ang ilang mahalagang bagay tungkol dito, parang natatanggap na rin niya ang may kagaspangan nitong ugali.   “Hay,” sambit niya.  “Bakit kasi ang bait ko.” “Maling data ang na-input mo.” “Ha—“  Two arms extended from behind her on both her sides and typed on her keyboard.  Hindi na niya kailangang lingunin kung sino ang nasa likuran niya.  Just the scent of him told her who it was.  And that same warm breath against her hair. “There you go.”   Nang lumayo ito sa kanya ay saka lang niya nagawang kumilos.  Baka kasi mangyari na naman ang nangyari sa elevator kahapon.  Kung saan muntik ng maglapat ang kanilang mga labi dahil sa pagtingala niya rito.  Mabuti na ang sigurado.  Kahit na nga tila dinidemonyo pa siya ng isip niyang ulitin uli ang ginawa kahapon. “May ipapagawa ka,  Sir?”  Anak ng patis!  Ang guwapo ng kumag! “Meron.  Quit calling me ‘sir’.  Its Raiden now.” “Okay.”  Sinuway na naman niya ang nagwawala niyang puso.  Its just a name.  There was nothing to it.  Nakakapagtaka nga naman kasi sa mga kapwa niya empleyado roon kung ‘sir’ pa rin ang magiging tawag niya rito.  Samantalang ang drama nga naman nila sa buhay e magkasintahan.  “May…kailangan ka pa?  Raiden?” “Wala na.”  Then he walked back to his office. Matatawa ba siya o maiinis sa ginawa nito?  Tila kasi lumabas lang ito at pinuntahan siya para lagn mang-asar.   “Ang sweet!” impit na tili ng mga ka-opisina niya. “Magpapagawa na ako ng sarili kong LRT!  Syet!” tili rin ni Dahlia. “Mabuhay ang mga bulaklak sa hardin!” segunda ni Cindy. Napailing na lang siya.  Ang mga tao nga naman, napahilig sa mga fairytales romance.  Hindi nila alam na ang mga fairytales e sa mga librong pambata lang nage-exist.  She sighed and looked at her hand.  Wala pa ring kulay ang kanyang mga kuko at normal lang naman ang itsura ng kanyang mga daliri.  Hindi iyon mala-kandila dahil hindi naman siya lumaki sa isang mayamang pamilya na laging may mga katulong na gagawa ng mga gawaing bahay.  May mga kalyo pa nga siya kung tutuusin.  But Raiden thought her hands were perfect. And somehow, it felt good.  Totoo, wika ng munting tinig sa kanyang isip.  Hindi siya ganon kasama.  He was just hurt, kaya minsan nagiging malupit siya at antipatiko. Sasha, its me again, your conscience.  Sa takbo ng sinasabi mo, parang ipinahihiwatig mong nagkakagusto ka na kayRaiden, ah. Marahas siyang umiling upang alisin sa isip ang isa pang tinig na iyon.  Hindi siya weird kaya hinding-hindi siya makikipag-usap sa kanyang sarili.  But then again, whatever that little voice inside her head said, it has some sense in it.  Nagkakagusto na nga ba siya kay Raiden?  Well, who wouldn’t?  When he’s not being his obnoxious self, he was…kinda sweet. “Sasha,” ang sekretarya iyon ni Raiden.  “Ipagtimpla mo raw ng kape si Sir Raiden.” “Ha?  Bakit ako?  Hindi ko naman trabaho iyon.” “E, gusto niyang ikaw mismo ang magtimpla ng kape niya, eh.  Something like, sanay na raw siya sa timpla mo.” Umugong na naman ang tuksuhan buong department nila.  Mukhang ginawa na siyang official mascot ng mga ito, ah.  At official loveteam na rin.  Hmm, puwede na rin.   “Kailan ko naman kaya siya ipinagtimpla…” sambit niya nang tumayo na. “May coffeemaker naman doon sa office niya kaya doon ka na dumiretso.” Baon ang tuksuhan at suporta ng buong CRD, nagtungo na siya sa opisina ng binata.  She knocked once before entering.  Nakaupo si Raiden sa gilid ng table nito habang may binabasang papeles.  She couldn’t help but remember the first they met formally.  Ganito rin ang porma nito noon.  Although puno ng kaba ang nararamdaman niya nang araw na iyon, iba na ngayon.  Wala na ang takot at napalitan na lang iyon ng munting kasiyahan na ewan niya kung bakit samantalang kakikita lang nila kanina sa labas.  At medyo excited din ng konti, na hindi rin niya alam ang dahilan. She liked the way he carried himself.  Punung-puno ng confidence.  Kahit nakatayo ito o nakaupo, he still has the same commanding aura in him.  ‘Yun bang tipong hindi puwedeng balewalain.  Kaya nga siguro noong una ay ilag pa siya rito.  But then she found out that inside that tough exterior, lies a very fragile heart, that’s always breaking everytime he sees the woman he cherished in the arms of another man. “Hindi ka makakagawa ng coffee kung tatayo ka lang diyan,” wika nito nang hindi na naman siya nililingon.  “The coffee maker’s on your left.” “Alam mong hindi ko trabaho iyan.” “Kung ganon bakit nagpagod ka pang magpunta rito?”  Binitiwan nito ang folder at binalingan siya.  “Sinusubukan ko lang naman kung mapapasunod kita—ah, ah, ah.”  He waved his forefinger.  “Bawal na ang magmura sa opisina ko.  Nasabi ko na iyan.” He was sweet when he’s not his being obnoxious self.  But when he’s bad, he’s the worst kind.  Tatalikuran na lang sana niya ito bago pa kung ano ang masamang masabi niya nang muli itong marinig. “You know, may magandang paraan para hindi masayang ang pagpunta mo rito.”  Nilingon niya ito na niningkit ang kanyang mga mata.  He just put his arms across his broad chest.  “You could just make me some coffee.” Aaahh! tili niya sa isip sa sobrang panggigigil.  Bastard!   “Sasha,” there was his gentle voice again.  “Could you?  Please?” Of course.  Talo na naman siya.  Subalit bago pa niya mahawakan ang tasa ay naunahan na siya ni Raiden.  Kaya naman ang kamay nito ang nahawakan niya.  Napatingin siya dito nang wala sa oras.  And he was so damn close she could breathed in his masculine scent that she was getting so familiar with.  Nakakainis talaga.  Lahat na lang ng bagay na may kinalaman dito ay napapansin niya.  What’s worse, she’s getting used to it.  And liking it as well. “If you don’t want to do it,” anito.  “Don’t.” Sa iritasyon dahil sa mga nararamdaman niya para rito at sa obvious na pagti-trip nito sa kanya, napundi na rin siya.   “Damn you, Raiden.  Huwag mo akong paglaruan.  Sinusunod ko nga ang lahat ng gusto mo, kahit wala naman talaga akong dapat pagbayaran sa iyo, tapos ginagawa mo pa akong tanga.  Ganyan ka ba talaga kalupit?  Hindi ka na kasi nakakatuwa.  May trabaho akong inaasikaso pero dahil ipinatawag mo ako kaya nandito ako.  Ngayon sasabihin mong huwag kong gagawin ang mga ipinapagawa mo kung ayaw ko.  Magbigti ka na lang kaya kung wala kang magawang matino sa buhay mo.  Naiistorbo mo na kasi ang buhay ng ibang tao.” Hindi siya umalis sa harap nito.  Hihintayin niyang palayasin siya nito, patalsikin sa trabaho dahil sa ginawa niyang pagsagot dito.  At least kung iyon ang gagawin nito, hindi na niya kailangan pang manghula kung ano ang iniisip nito sa ginawa niya.  Pero hindi nangyari ang inaasahan niya.  Instead, he just leaned against the cabinet where the coffeemaker’s sitting. “Hmmm, I thought I would never see that woman I first saw at the train three days ako.” Hilo na naman siya sa bigla nitong pagbabago.  “Ha?” “Nothing.  Sige, magtimpla ka na ng kape ko.”  Tumayo na ito ngunit imbes na bumalik sa table nito ay nanatili lang ito sa kanyang tabi. Tiningala tuloy niya ito.  Masyado kasi itong malapit kaya lagi siyang kailangang tumingala rito dahil napakatangkad nito para sa height niyang five feet and three inches. “Did you put a lipstick on?” “What?  Why?”  Type ba nito ang kulay ng lipstick niya?  Susme!  Hindi bagay dito ang maging berde ang dugo.   “Wala naman.”  Pinagmasdan na naman siya nito.  “Bakit ang liit-liit mo?  Parang kasyang-kasya ka lang sa bulsa ko, ah.” Pakiramdam niya ay may pumitik sa ilong niya.  She looked up defiantly at him.  “At least kahit maliit ako, alam ko kung kailan ako dapat magsalita at kung kailan ako dapat manahimik.  E, ikaw?  Ang laki-laki mo nga, wala ka namang masabi kay Laurie.  Nag-resort ka pa sa pagkuha ng magpapanggap na girlfriend mo.” “Nang-aasar ka ba?” She backed off.  Malaki ito, baka bigla siyang bigwasan.  Although wala naman sa itsura nitong nananakit ito ng babae, mabuti na rin ang sigurado.   “Ikaw naman kasi, pati nananahimik kong height, pinakikialaman mo.  Iyang lovelife mo na lang ang intindihin mo.  Kung puwede lang naman sana.  Puwede ho ba?” “Ano bang mali sa sinabi ko?  I was just complimenting your height.” “Complimenting?” “Oo.”  He tapped the top of her head.  “Natutuwa ako sa mga babaeng ganito ang height.  Maliit.”   Napapapikit na lang siya nang muli nitong tapikin ang kanyang ulo.  See?  He can be sweet when he wanted to.  And when he’s like that, her defenses melt.  Madali din niya itong napapatawad. “Matangkad si Laurie,” aniya.  Argh!  Bakit ko ba nasabi iyon? “Oo, matangkad nga siya.”   Bastard!  Pinatulan mo naman! “But she’s cute,” patuloy nito. “Ano iyan, cute din ako, ganon?” Tinantiya siya nito.  “Maliit ka.” Tinapik niya ang kamay nito at hinarap ang coffeemaker.  “Magtitimpla na ako ng kape.  Baka kasi may masabi ka pa.” “Bakit wala nga palang nanliligaw sa iyo?” “Problema ko na iyon.” “Maganda ka naman kahit medyo kulang sa height.” “Will you cut it out?” she snapped at him.  “Oo, unano na ako kumpara sa inyong mga higante!  O, e, ano ngayon?  Kung ayaw mong may umaali-aligid sa iyong pandak, huwag kang yuyuko at nang hindi mo kami nakikita!” “Kapag hindi kita nakita, baka matapakan kita.”  Nagtungo na ito sa table nito.  “Boring din kung hindi kita makikita.  ‘Yung coffee ko nga pala, huwag mong lalagyan ng sugar.” Did he just…praised her?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD