Pagkarating namin ng bahay ay naabutan namin ang grandparents na nag-uusap sa may living area. " Sam, Shine? May balita na ba kayong natanggap tungkol kay Shan?" Tanong ni Lolo sa amin. Umiling kami sa kanya bilang sagot. Dahil hanggang ngayon ay wala pa rin akong natanggap na kahit ni isang balita tungkol sa kapatid namin. " Huwag po kayong mag-alala 'Lo dahil babalitaan po namin kayo agad kapag may nakuha na kaming lead tungkol sa kinaroroonan ni Shan." Malungkot itong napangiti sa amin. Bakas rin ang pagod sa mukha ni Lolo dahil na rin siguro sa mga nagdaang trahedyang nangyari sa aming pamilya. " Hindi ko alam at kung bakit laging nangyayari sa atin ang ganitong trahedya. Hanggang kailan ba titigil ang mga taong ganid na 'yan. Dahil lagi na nararanasan ng pamilya natin ang ganiton