Dahil sa sinabi ni Sam ay nagpasya si Shine na tapusin na ang Press Conference. Nilingon nito si Mr. Lim na kanina pang nakamasid sa kanya at amuse na amuse ito sa klaseng pagsagot n'ya sa mga mamamahayag. " Nǐ zài xiào shénme?" (What are you smiling about?) Napapantiskuhan kong tanong sa kanya. " Wǒ jiǎnzhí bù gǎn xiāngxìn wǒ tīng dào de!" ( I can't believe what I heard!) Napairap na lang ako rito. Dahil amuse na amuse pa rin itong nakatingin sa akin. " Wèishéme," ( Why? ) Tinitigan n'ya lang akong mabuti while he pursed his lips. Pansin ko na mas nangibabaw ang pagiging Chinese nito sa physical na aspeto kaysa sa kanyang pagiging Pilipino. Ngayon ko lang rin kasi napagtuunan ng pansin ang kanyang hitsura. Mas makinis pa nga ang mukha nito kaysa sa akin, singkit ang mata at talag