Naging smooth ang relasyon namin sa loob ng dalawang buwan. Sa katunayan naging mag kasundo na ngayon ang parents ko at si Caleb lalo na si Daddy dahil para na silang mag best buddies at ganun din sa mga kapatid ko dahil araw araw niyang nililigawan ang pamilya ko para tanggapin siya. Oo, sa unang buwan ay nahirapan si Caleb sa pagkuha ng loob n'ya sa pamilya ko lalo na at lantaran ang pinapakita nilang pagkakadisgusto sa kanya. Gusto ko man s'yang tulungan para makapalagayan n'ya ng loob ang pamilya ko lalong na ang parents ko ay hindi naman s'ya pumayag. Gusto n'ya raw na kung magtitiwala muli ang pamilya ko sa kanya ay gusto n'ya na sarili nitong paraan. Hindi siya tumigil sa pagsunod sa mga sa mga request ng mga kapatid ko. Kahit alam ko naman na pinagtitiripan lang s'ya lalo na si