Dahil sa magkasunod-sunod na mga pangyayari ay hindi ko maiwasang mapanghinaan ng loob. Mabuti na lang at inalalayan ako nina Lolo at Grandpa sa mga gagawin. Dahil na rin sa pagkakaantala ng meeting ko kahapon ay nagkaroon tuloy ng problema sa paghahanap ko ng mga investor para sa proyekto na Shopping mall. Alam ko na labis ang pagtutol ng mga shareholders kaya gusto nilang mas i-delay ang project na 'yon. Pero hindi ko hahayaan na mangyari 'yun. Ayokong maging ang pangarap ni Dad na magpatayo ng pinaka malaking Shopping mall sa Davao ay mawala. Nagpasya ako na personal na hanapin at makikipag-usap sa investor at humingi sa kanya ng isa pang pagkakataon. Alam ko naman na sobrang tight ng schedule nito at ayaw ang nasasayang ang oras. Ayaw ko rin naman na gawing rason ang nangyari sa p