Nang lumabas na ang Doctor ay s'yang pagtunog ng Cellphone ko at nagmula ang tawag mula sa aking secretary. " I'm just going to answer this call, Sam," sabay taas ko sa aking phone. Tumango lang ang kapatid ko. Agad ko namang sinagot ang tawag. "Hello!" Diretso kong bungad sa kabilang linya. " Ms. Fernandez, " dama ko ang kaba nito base sa kanyang tono ng boses. " What happened, Mrs. Saycon?" Seryoso kong tanong kaya alam kong napalingon sa akin si Sam dahil nakuha ko ang atensyon nito mula sa pagkakalikot din nito sa sariling cellphone. " Nagkakagulo ngayon dito sa opisina, Ms. Fernandez. Kaya kailangan mong pumunta ngayon dito dahil nagkaroon ngayon ng meeting kasama ang mga shareholders at ngayon ko lang din nalaman 'to. Kaya nagmamadali na akong tawagan ka para ipaalam sa'yo ang