Prologue

526 Words
This book is a work of fiction. All names, characters, location, and incidents are products of the writers wide imagination. Any resemblance to actual persons living or dead or events is entirely coincidental. Warning: May contain Adult scenes. 16 below are not allowed. Some scenes are not suitable with young readers. Being open minded is advise. Read at your own risk. Warning: Spg|R-18 The Billionaire's Secretary Copyright © 2016 CussMeNot All right reserved 2016   ~ Plagiarism is a crime. Don't steal other writers works. Create your own stories, and you'll be blessed. Prologue Ilang oras na ang lumipas ngunit hanggang ngayon ay nandito parin ako sa lugar kung saan niya ko iniwan. Kahit papaano ay umaasa parin ako na babalikan niya ko. Kahit alam kong hinding-hindi niya gagawin. Sa naisip ko lalo akong napaiyak sa sobrang sakit. Ilang taon na ba akong nagpapaka-tanga para sa kaniya? One year and a half? Sa sobrang tagal ay hindi ko na matandaan. Napahagulhol lalo ako nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Tila ba nakikisabay siya sa lungkot na aking nadarama. Grabe, pati ba naman ulan ay dinadamayan ako sa pighating nararamdaman ko. Lalo tuloy akong nasasaktan. Pakiramdam ko ay ako 'yung pinaka malas na tao pagdating sa buhay pag ibig. “Ang tanga tanga mo talaga, Hera. Bakit ba sa dinami-dami ng tao sa mundo ay doon ka pa napa-mahal sa taong alam mong hinding-hindi ka kayang mahalin.“ Mahinang pagkaka-usap ko sa aking sarili.  Humugot ako nang malalim na paghinga upang pigilan ang nararamdaman na pagsikip ng aking dibdib. Sunod-sunod ang pagbagsak ang aking mga luha. Hindi ko na mapigilan, malaya lang itong bumabagsak. Ngunit agad akong napatigil sa pag-iyak nang biglang may kotseng tumigil sa harapan ko. Napa-tingala ako sa taong bumaba. Agad akong napa-tayo sa sidewalk nang makilala ko kung sino siya. Si King Tyron Sandoval. Ang lalaking minamahal ko. Hindi ako makapaniwala, binalikan niya ako. Ito ang unang beses na binalikan niya ako. Napangiti ako nang bigla siyang sumenyas para palapitin ako sa kaniya. Walang pagda-dalawang isip at agad akong lumapit sa kinaroroonan niya.  Kahit basang basa ako ng ulan ay walang pag-a-alinlangang niyakap ko parin siya nang mahigpit. Wala akong pakialam kung mabasa ko siya dahil sa pagkakayakap ko sa kaniya. Basta ang mahalaga masaya ako. Masayang masaya. Sa unang pagkakataon ay binalikan niya ako. Lubos ang tuwang nararamdaman ko. Ibig ba nitong sabihin ay mahal niya na din ako? Napangiti ako. Lalo na noong niyakap niya rin ako pabalik. Agad akong humiwalay sa pagkakayakap sa kaniya. Tiningnan ko siya sa mata habang siya naman ay seryosong naka-tingin sa akin. "I-i Love you" nauutal na sabi ko. Nawala ang maliit na ngiting nakapaskil sa aking mukha nang makita ko ang nakakunot niyang noo. Sunod-sunod na tumulo ang luha ko noong nagsalita siya. "No, don't love me, because I don't love you. Huwag mong bigyan ng kahulugan ang pagbalik ko sayo dito. It's just that, I just miss you in my bed. I need you. Nothing more." Nanlumo ako dahil sa kaniyang sinabi at mas lalo akong nasaktan ng todo. Ano iyon ganoon na lang? Matapos kang pasayahin ng konti ay sakit naman ang kasunod. Yeah right! Bakit ko nga ba nakalimutan na, I'm just a toy for him na pwedeng itapon kahit kailan niya gustuhin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD