Kabanata 1

1905 Words
Kabanata 1 "Ms. Hera Buencamino" Napatayo agad ako nang bigla akong tawagin noong isang babae para ma-interview. Ramdam ko ang pagtambol ng dibdib ko nang dahil sa kaba. Napa-buntong hininga ako nang malalim. May babaeng lumapit sakin. Isang magandang babae. Kahit na mukhang mataray sya ay tinanguan niya parin ako. Siya daw ang maghahatid sakin papunta sa conference room na pagdarausan ng interview. Walang pag-a-atubiling nginitian ko siya nang malapad. Sa sobrang lapad ay halos mapuknat na ang aking pisngi. Syempre, kailangan kong magpakafriendly no. "Kaya ko to!" kinakabahan kong sabi sa sarili ko. Malalim muna akong napabuntong-hininga para mawala ang pagkabog ng dibdib ko. Habang nag lalakad hindi ko maiwasang isipin kung anong mangyayari sa'kin mamaya. Matatanggap kaya ako o hindi? Pano kung hindi? Edi babalik na naman ako sa pag hahanap ng trabaho? Pang ilan ko na ba 'tong interview? Tatlo. Napabuntong hininga ulit ako sa naisip. Nilibang ko na muna ang sarili sa pamamagitan nang pagtingin sa mga paintings na nadadaanan namin. Pampaiwas kaba narin. Pagka-sabi noong babae sa akin na malapit na daw kami sa pagdarausan ng interview ay agad kong pinag-daop ang aking mga palad para magdasal. Sana ay maging swerte naman ako ngayon. 'Diyos ko, patnubayan mo po ako ngayong araw na ito. Pinagdarasal ko po talaga na makuha po ako sa trabaho ngayon. Please! Kayo na pong bahala sakin. Amen' Sa sobrang pag-i-isip ay hindi ko agad napansin na kinakausap na pala ako ng babaeng naghatid sa'kin. "Ms. Buencamino, nandito na tayo. Goodluck sayo. Pwede ka nang pumasok." mahinang saad niya. Doon ko lang napansin na huminto na pala kami sa tapat ng isang malaking pinto. Napalunok ako ng hindi oras sa sinabi niya. I-interview-hin na ako? 'Naku po! Ito na talaga. This is it! Kaya mo 'to Hera!' Piping usal ko sa aking isipan. Kailangan kong magka-trabaho para may pambili ako ng pagkain at higit sa lahat kailangan ko ng bumili ng Lactacid para naman maging fresh na ulit si Pempem. Shit! Ang tagal ko na kasing nagtitiis sa sabon eh. Hindi ko maiwasang mapangisi. Grabe! Akalain mo at nagawa ko pa rin na mag biro kahit kinakain na ako ng sobrang kaba. "S-salamat" nauutal na sabi ko. Pagkatapat na pagkatapat ko sa pintuan ay agad kong inayos ang aking damit. Nang matapos ako sa pag-aayos ng sarili ay huminga ako nang malalim para hindi ako kabahan lalo. Napailing ako sa naalala ko. "Ay naku Hera! Bakit hanggang ngayon ay kinakabahan ka parin. Sa dami mo nang na-aplayan at napasok na trabaho ay ganito pa rin ang nararamdaman mo? Ang tange mo talaga! Pero kasi iba to. Imagine malaking kompanya itong papasukan ko. Hindi katulad noong ibang trabaho ko na sa ibang pipitsuging kompanya lang." pagkakausap ko sa aking sarili. Tumikhim ng malakas ang babaeng naghatid sa akin kaya nahihiyang napayuko ako. Shit! May kasama nga pala ako. Bakit ko nga ba kinakausap ang sarili ko. Naku! Mapapag-kamalan akong baliw nito. Tumunghay ako at napansin kong nakatingin na siya sa akin. Iyong tingin na para bang ma-nga-ngain sa sobrang galit. "Tsk! Miss, Pwede bang pumasok ka na? Baka kasi naiinip na sila sa loob. Tsaka kung ayaw mo namang pumasok? Huwag ka na lang kayang tumuloy sa interview. Naka-ka-abala ka kasi sa oras namin eh! Hindi lang ikaw ang nakapila no! Madami kayo kaya bilis! Pumasok ka na kung ayaw mong mawalan ka pa lalo ng pag-asa na magkaroon ng trabaho." naiinis nitong sabi sa akin. Napalunok ako ng laway habang napapangiwi. Grabe! Ang taray niya naman. Pinaglihi siguro ito sa sama ng loob. "Ha-ha! Pasensya na po. Kinakabahan lang talaga ako. Sige papasok na ko. Salamat sa paghahatid." nahihiyang sabi ko sa kanya habang pilit na tumatawa. Walang pagdadalawang isip na binuksan ko ang pinto at pumasok sa loob. Shet! Nakakahiya doon sa babae! Baka akalain niyang baliw ako dahil kinakausap ko ang aking sarili. Dahan-dahan kong sinaraduhan ang pinto para hindi maka-kuha ng pansin ang pagpasok ko pero agad akong natigilan sa aking pwesto noong humarap ako. Anak ng tokwa! Nakatingin sila sa akin! Pinapanood nila ako! Nakaharap pala sila sa pinto kaya kitang kita ang pagpasok ng kung sino mang aplikante. Shit! Gi-ni-grade-an din ba nila ang poise namin habang napasok sa loob ng kwarto na ito? Nakakahiya kung ganon dahil mukha akong magnanakaw na pumapasok sa kwarto. In short, wala akong poise noong pumasok ako. Alanganin akong napangiti sa tatlong lalaki na nakaupo. Bakit ba hindi ko muna iginala ang paningin ko noong pumasok ako. Para naman alam ko kung nakatingin ba sila o hindi. Napangiwi ako. Worst day ko ba ito? Puros kahihiyan na lang ang nangyayari ah. Tumikhim ako at nahihiyang nagkamot ng batok. Nakatingin parin sa akin ang tatlong gwapong nilalang. "Hello po. Ha-ha-ha." sabi ko habang pilit na tumatawa. Grabe, daig ko pa ang bibitayin sa sobrang intense nilang maka titig sakin. Nahihiyang tinitigan ko silang tatlo at halos mawalan ako ng balanse sa pagkakatayo nang matitigan ko silang maigi. Shit! Bakit ngayon ko lang napagtanto na makalaglag panty pala ang kagwapuhang taglay nila. Napa-nganga ako ng konti habang nakatitig sa kanila. Kinusot ko pa ang aking mga mata para siguraduhing hindi ako dinadaya ng paningin ko. Tangna! Totoo nga ang nakikita ko. Grabe! Hindi nga nagkamali ang mga mata ko dahil mga greek god nga talaga ang tatlong lalaking kasama ko dito sa loob. Sa sobrang gwapo at Hot nila ay dinaig pa nila ang mga Model na nakikita ko sa mga Magazine. May lahing demi-god yata sila eh! Sobrang pogi. Perpektong-perpekto ang pagkahulma ng kanilang mga mukha. Shit! Paniguradong may mga abs din sila. Napatawa ako sa aking isipan. Gawin ko kayang syota ang isa. Pero ang mas lalong nakaagaw ng paningin ko ay 'yung lalaking nasa gitna. Kahit seryosong- seryoso ang kanyang reaksyon ay nahumaling parin ako sa kanya. Para sa akin ay mas nangingibabaw ang kanyang ka-gwapuhan kesa sa dalawang kasamahan niya. Masarap pagmasdan ang kanyang mukha. Kahit nakakunot ang kanyang noo ay hindi parin ito nakakabawas sa ka-gwapuhan niyang taglay. Medyo may ka-kapalan ang kanyang kilay pero bumabagay naman ito sa kanyang kulay blue na magagandang mga mata. Kahit na mukhang matapang siyang tumingin ay nagmumukha parin syang anghel. Perpekto din ang pagiging matangos at pantay ng kanyang ilong na syang gustong-gusto ko sa isang lalaki. Pero ang mas nakaka-agaw tinging na parte sa kanyang mukha ay ang kanyang mapupula at sexy na labi. Na para bang nang hahalina at nang-aakit para mahalikan. Shet! Maka-laglag matris ang ka-gwapuhan niya! Isa nga talaga siyang greek god na bumaba sa Mount Olympus! Napabalik ako sa realidad nang may biglang tumikhim. Nahihiyang napaiwas ako nang tingin doon sa lalaking seryoso. Shit! Pinagmamasdan nga pala nila ako at nahuli nila akong tumititig. Nakangiwing napatingin ako dun sa isang lalaki na mayroong malawak na ngiti. "Miss, pwede ka nang umupo. Tsaka wag mo naman kaming masyadong titigan ng ganyan, baka kasi matunaw kami, edi madaming babae ang magluluksa. Alam ko na namang gwapo ako kaya huwag mo nang ipahalata pa, ha." mahanging sabi noong lalaking nakangiti. Pilit kong pinipigilan ang pagtawa. Grabe, ang hangin naman ng isang ito. Ngumiti na lang ako dito. Muli sana syang magsasalita pero agad syang naunahan noong lalaking sobrang gwapo pero seryoso na nakaupo sa gitna. "Can you please have a seat and make it faster! Alam mo bang nasasayang ang oras namin dahil d'yan sa kabagalan mo? Tsk!" masungit na sabi niya. Napalabi naman ako sa sobrang sungit nitong magsalita. Dinaig niya pa yung matandang dalagang kapitbahay ko na malapit ng mag menopause. Grabe! Sobrang gwapo nga pero ang sungit niya naman. Tsk! Napahiya ako sa sinabi niya kaya dali dali akong umupo sa bakanteng upuan. Sa harapan nila. "So? You're Ms?" tanong noong lalaking naka-halumbaba sa mesa. Siya iyong lalaking tahimik. Napatikhim ako bago sumagot sa kanila. "I'm Hera Buencamino" matiim silang nakatingin sa akin kaya nahihiya akong nagsalita habang nagpapakilala sa kanila. "So, Ms. Buencamino? Ilang taon ka na?" nakangiting tanong noong lalaking mahangin. Napangiti ako ng pilit habang sinasagot ko ang tanong niya. "I'm just 24" nahihiya kong sagot. "Oh. Nice!" sabi nito habang pumapalakpak. Pilit akong napangisi dahil sa nakita. Seryoso? May sira ba sya sa utak. Napailing ako. Sayang ang ka-gwapuhan mo tsong. Kung maka-palakpak siya ay wagas. May magawa lang? Tuwang-tuwa kasi ito habang pumapalakpak nang malakas. Hindi ko maiwasan na mapatingin doon sa lalaking nasa gitna. Tahimik lamang ito habang nag babasa ng resume ko. Napakunot ang noo niya na para bang may iniisip. Masungit talaga to. Sayang ang ka-gwapuhan. Nakaka-turn off! Habang nasagot ako sa tanong n'ung dalawang lalaki. Hindi ko na namalayan na napatitig na pala ulit ako nang matagal doon sa lalaking masungit. Lihim akong napanguso. Ang gwapo niya talaga! Ang sarap niyang iuwi. Napaiwas ako ng tingin dahil bigla itong tumunghay. Pa-simpleng tumingin at tumango ako sa nagsasalita. Kunwari ay naiintindihan ko ang sinasabi noong mahangin na lalaki. Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko sa kaba. Anak ng tokwa! Nahuli niya ba akong nakatingin sa kanya? Yari! Baka magalit sya. "Bakit umalis ka sa dati mong trabaho?" nagulat naman ako nang bigla niya akong tanungin kaya napasulyap ako sa kanya. "Uhmm, kasi sobrang mababa po ang sweldo." nahihiya kong sagot. Tumango lang sya pagkatapos ay ibinalik na nito ang tingin sa resume ko. Iyon lang? Wala ka nang ibang sasabihin pa? Biglang nagtanong 'yung lalaking mahangin kaya napatingin ako sa kanya. "Are you single?" nakangiting tanong nito. Bigla naman akong pinamulahan ng mukha sa tanong niya. Shit! Bakit? Liligawan mo ba ako? Malanding saad ng isip ko. Kahit gusto ko 'yung sabihin sa kanya ay hindi ko ginawa. Duh! Baka mamaya sabihin nito na ako ang nagawa ng first move no. Dapat pabebe muna. Kaya later na lang ang landi. Napatango naman ako sa kanya habang pinipilit kong itago ang kalandian ko este emosyon. "Uhm, Yes" nahihiya kong sagot. Tumayo sya at ngumiti. Akala ko ay kung ano ang gagawin niya pero noong pumalakpak sya ay napanganga ako. "Okay! You're hired" mas lalong nahulog ang panga ko sa kaniyang sinabi. "Ha?" hindi makapaniwalang tanong ko. Seriously? Teka, Ganon nalang yun? Tanggap na agad ako? Eh hindi pa nga nila ako nakikilatis ng todo ah? At hindi lang din ako ang lubos na nagulat sa sinabi nito dahil padabog na tumayo iyong lalaking masungit na nasa gitna. "FUCK! JAMES, ARE YOU SERIOUS?" nangagalaiting tanong nito. "Uhm. Yes, I'm serious. Ilang oras na ba tayo dito? 10 hours. Imagine, ang dami na nating na-interview tapos wala ka paring na pipili. Grabe naman 'yang pagkapihikan mo, pare. Hoy! Hindi pa ako nakain ng lunch. Papatayin mo ba talaga kami sa gutom, Tyron? Kaya ayan, mayroon ka ng bagong sekretarya. Tara na at tayong mag-lunch. Quarter to 3 na oh. Ala-sais pa tayo ng umaga nag- simula tapos gugutumin mo ko ng todo. Tarantado ka talaga Tyron!" ma-dramang wika nito. Pagkatapos nang mahabang alintana nito ay hinila niya na palabas 'yung lalaking masungit na walang ginawa kundi ang mag mura nang mag mura. Sinundan ko lang sila nang tingin. Hindi parin ako makapaniwala. Tatanungin ko sana iyong lalaking tahimik pero agad akong tinamaan ng hiya. Pinagmasdan ko lang syang mag-unat habang naglalakad palabas para sumunod narin sa dalawa. Ni-walang paki-alam sa nasa paligid at sa akin. Kaya naman naiwan akong tulala at naka-nga-nga dito habang nag-iisip kung totoo bang tanggap na ako sa trabaho ng ganon-ganon na lang! Grabe! Parang ang hirap lang talagang paniwalaan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD