Kabanata 2

1386 Words
Kabanata 2 Hera's P.O.V Hindi parin ako maka-paniwalang tanggap na ako sa i-na-aplayan kong trabaho nang ganu'n kadali. Pero hindi ko ma-i-pagkakaila na masaya ako kasi naman may pambili na ako ng feminine wash. De joke lang. Nakauwi na ako sa bahay para maghanda nang isusuot kong damit para sa trabaho. Buti na lang at may nahiraman akong corporate attaire sa kapit-bahay kong mabait dahil kung hindi wala akong i-su-suot. Poorita pa naman ako. Kaya wala akong pambili ng bagong damit. Tsaka na lang ako bibili pag nag-kapera na ako. Napanguso ako habang umuupo sa kama. Hinihintay ko na lang talaga ang tawag mula sa kompanya. Para masiguro ko na talagang totoo at natanggap talaga ako sa trabaho. Nag-unat muna ako bago ako humiga sa kama ko. Napabuntong hininga ako sa sobrang pagod. Tutulog na sana ako nang bigla akong napabalikwas nang bangon dahil tumunog ang cellphone ko. Dali-dali ko itong kinuha at walang pagda-dalawang isip na sinagot. "Hello? Who's this?" kinakabahan kong tanong. "Can I speak to Ms. Hera Buencamino?" tanong ng babaeng nasa kabilang linya. Napalunok ako. Hindi ko maiwasang kabahan. Tanggap na ba talaga ako sa  trabaho o tumawag lang sila para sabihing binabawi na nila ang pag hi-hire sakin? Tumikhim muna ako bago ko siya sinagot. "It's me. What can I do for you?" nangangatal ang labing tanong ko. Mabilis ang pagtibok ng puso ko dahil sa pinaghalong excitement at kaba. "I'm Shane Flores from HR department of Sandoval Corp. I want to inform you that you can start your job tomorrow. Congrats." napatalon agad ako at napasigaw sa sinabi nya. Oh my God! It's Real. May trabaho na talaga ako. Yes! May pambili na talaga ako ng feminine wash. Lubos ang sayang nararamdaman ko kaya naman nawala na sa aking isipan na may kausap pa pala ako sa cellphone. Nahihiyang tumikhim ako. Shit! Nakakahiya. Hindi ko tuloy maiwasang pamulahan ng mukha. Masyado akong nadala sa bugso ng damdamin ko. "Uhmm, Ms. Hera? Are you still there?" mahinahong tanong ni Shane. "Y-yes. Sorry na excite lang ako" nahihiya kong paghingi ng tawad. Tumawa lang ito sa kabilang linya. "Yeah! It's alright. Normal na yan. Ganyan din ang reaksyon ng iba kong natatawagan. By the way, I have to go. Congrats ulit." pag papaalam niya. Pag kasabing-pagkasabi ko ng bye ay naputol na agad ang linya. Sa sobrang saya ko ay hindi ko na naiwasang magtatalon sa kama. "Yes! May trabaho na ko. Sa wakas ay may pambili na rin ako ng feminine wash." masayang sigaw ko. Thanks talaga kay Lord kasi tinupad niya agad ang dasal ko. Maaga akong nagising dahil excited akong pumasok sa trabaho. Sa sobrang excited ko ay hindi ako nakatulog nang maayos kagabi. Kaya ang resulta? Mukha akong panda dahil sa eyebags ko, pero salamat sa Concealer dahil kahit papaano ay natabunan nito ang eye bags. Kaya maganda na ulit ako. Nag-ningning ang aking mga mata nang matanaw ko ang Building na pagtatrabahuan ko. Napaayos ako nang pag-upo sa loob ng taxi. 'This is it Hera! First Day of your work. Kailangang walang kapalpakan na mangyayari para sa araw na ito. Dapat maging maayos ang pag tatrabaho mo para hindi ka agad mawalan ng trabaho." positibong sabi ko sa sarili. Napatingin naman si Manong driver na para bang nahihiwagaan sakin. Iyong bang tinggin na 'May sa pahed ba to? Pati sarili ay kinakausap' Unting- unting napataas ang kilay ko. Bakit? Ngayon lang ba sya nakakita ng babaeng maganda na kinakausap ang sarili. Sa sobrang taas tuloy ng kilay ko ay bigla naman syang nag iwas nang tinggin. Siguro ay napahiya. Mamaya pa'y tumigil na ang taxi sa harap ng building at dahil nga excited ako ay dali dali akong lumabas sa taxi. Pero agad naman akong pinigil ni Manong driver. "Neng, nakalimutan mo ang bayad mo. Two hundred Nine lang naman ang pasahe mo." nahihiya akong humingi ng paumanhin dito. Anak ng tokwa!  Nakalimutan ko yun ah. Sa sobrang pag ka excited ko pati pag babayad sa taxi ay naka-limutan ko. Kinuha ko agad ang pitaka ko para magbayad sa kanya. "Keep the change, Manong" sabi ko sabay bigay ng 210 pesos. Aalis na sana ako pero narinig ko ang pag rereklamo niya. "Sus! Nag keep the change ka pa! Piso lang naman ang sukli." nasusura nitong sabi. Hindi ko nalang ito sinagot dahil inirapan at binelatan ko nalang sya. Ayokong maging bad mood ngayon noh. First day of work kailangan Good vibes ang dala ko. Tsaka baka mamaya ma-late pa ako pag pinatulan ko sya. Tiningala ko muna ang Building at binasa ang nasa itaas. Sandoval Corp. Grabe! Ang taas at ang ganda talaga ng building na ito. Kahit naka-punta na ako dito kahapon ay namamangha parin ako sa laki at ganda ng building. Halatang sobrang yaman at kagalang galang ang may ari. Hay! Asawahin ko kaya ang may ari nito. Napaismid ako sa naisip. Ayon nga pala kay pareng Google ay gwapong masungit daw ang may ari nito. Kaya No thanks! Ayokong makapag-asawa ng snob at masungit no. Kahit na gwapo sya, I don't care na lang. Inayos ko agad ang corporate attaire na suot ko. Tiningnan ko na rin ang mukha ko sa salamin. Ayos maganda parin naman. Baka mamaya mukha na pala akong haggard tapos hindi ko pa alam. Mabuti na 'yung sigurado no. Tiningnan ko narin ang oras sa wrist watch na suot ko. 7:37 am Napangiti ako nang malawak. Napa-aga pala ako nang pasok sa trabaho. 8:00 am kasi ang simula ng working hour dito. May oras pa ako para kumain ng breakfast. Sa pag mamadali ko kasi kanina ay nakalimutan ko narin pati ang pag-kain ng umagahan. Natatakot kasi ako dahil baka mamaya ay malate ako dahil sa traffic. Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ay sinalubong ko nang ngiti ang mga taong nakakasalubong ko. Binabati ko rin sila ng goodmorning, kahit hindi ko sila kilala. Feeling friendly ako ngayon. Malawak ang pagkakangiti ko na halos umabot na sa aking tenga. Pasakay na sana ako ng elevator nang bigla akong nabangga sa isang matigas na pader este matigas na katawan. Hindi ko inaasahan ang biglang pagsulpot nito dahil sa bilis nang pangyayari. Nakayuko ako kaya hindi ko kita ang kanyang mukha. Hindi ko inaasahan na nakahawak na pala ako sa kanyang Abs para kumuha ng suporta. Biglang nanlaki ang aking mga mata. Shetness! Ngayon lang ako nakahawak ng Abs at sobrang tigas. Grabe! First Day ko palang ang swerte swerte ko na. Ipopost ko talaga mamaya sa IG ko ang nangyari sakin ngayon. #Yummy Abs #ItsmyLuckyFirstDay Tapos may Caption pa na 'May dalawang uri ng pandesal. Ang una ay malambot na pwedeng kainin at ang pangalawa ay matigas na pwede din namang kainin pero mas masarap himurin.' then insert emoticon na nakanguso na may puso puso sa dulo. Napahagikhik ako nang mahina. 'Yung kalandian ko ay lumalabas. Pero agad kong pinilig ang aking ulo para mawala ang kalandiang iniisip ko. Pinamulahan naman ako ng mukha n'ung narinig kong tumikhim yung lalaking nabungo ko. Ngayon ko lang na pagtanto na nakahawak pa pala ako sa abs niya. Shit! Bakit hindi ko agad tinanggal?  Lalo akong pinamulahan dahil sa sobrang hiya. Bumitaw agad ako sa kanya at lumayo. Iniiwasan ko talagang mapatingin sa mukha niya. Nakakahiya! Hindi ko sya tinitingnan sa mukha kaya ang napapansin ko lang tuloy ay ang porma niya. Naka-tshirt lang sya at naka pantalon. Kung tutuusin yung suot niya lang ang naiiba sa lahat ng taong nandito. Para bang  naligaw lang siya dito sa opisina. Tumingin ako sa paligid. Maraming mga tao ang naka tingin sa amin, mapa-babae man o lalaki. May nakita pa nga akong mga babae na sobrang sama nang tingin sakin. Tapos 'yung iba parang na-i-ingit. Iyong ibang lalaki naman ay natatawa lang. 'Ahh. Sobrang nakakahiya talaga.' sigaw ko sa isip ko. Napatingala naman ako doon sa lalaki nang tumikhim itong muli. Nung makita ko ang mukha niya namutla agad ako. Shit si Boss! Mawawalan na yata ako ng trabaho ngayon. Mangangatog na sana ako sa kahihiyan nang bigla itong ngumiti. Iyong ngiting nakakaloko. "Miss, Ayos lang naman sa akin na hawakan mo ang abs ko. Pero dapat nasa kuwarto tayo para may privacy. Masyado kasing maraming tao dito" nakakalokong bulong nito. Nalaglag ang panga ko. Shit talaga! Lamunin na sana ako ng lupa ngayon din.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD