Chapter four

2452 Words
Chapter four Kanina pa gutom na gutom si Wendy Buong araw siyang nagtrabaho sa loob ng private room ni Jared. Bored na bored siya dahil hindi siya nito pinapansin simula ng ituro nito sakanya lahat ng kanyang gagawi. Sobrang busy nito sa pagtatrabaho kaya naman nahihiya siyang mag-paalam upang kumain. At sobrang sungit din nito Napatingin siya sa orasan. Yes! Its 6PM already. Ibig sabihin uwian na niya. 9-6 kasi ang kanyang working hours. Sa wakas makaka-kain na din siya Nagligpit na agad siya ng kanyang mga ginagawa at tumayo na siya upang magpaalam sa kanyang masungit na Boss. "B..Boss uwi na po ako. 6PM na." Nag angat ito ng tingin sakanya "Shoo" tinaboy siya nito gamit ang kamay nito bago ito naging busy muli. Para bang isa siyang langaw na binugaw lang nito palabas ng private office nito Grrr! Napasimangot nalang si Wendy "Shoo? A..Ano ako aso?" bulong niya sa kanyang sarili habang papalabas siya ng private room nito "Pst. Teka may nakalimutan akong sabihin sayo" Napahinto siya sa paglabas ng office room nito dahil sa sinabi nito. "Ano po yun?" Walang gana niyang tanong at humarap siya dito "Hindi ka kumain buong araw diba? Hindi din ako kumain. Nagugutom ako samahan mo ako.." Tumayo na ito at parang hari na nag suot ng black tuxedo nito. Napa-nganga nalang si Wendy dahil sa sinabi ni Jared. "Po??" Napakunot yung nuo niya "Let's go" Nauna na itong lumabas ng private office nito at nilagpasan siya "P..Pero boss uuwi na po ako. Tapos na yung working hours---" "Bakit may curfew ka ba?" Bigla itong lumingon sakanya. hindi niya napaghandaan ang kagwapuhan nito sa malapitan kaya naman natahimik nalang siya at umiling "W..Wala po" "Samahan mo ako. And thats final" lumakad na ito papunta sa elevator. Para itong hari kung umasta. Maganda ang tindig nito. Pati ang paraan ng paglakad nito halatang propesyonal. Nasa likod lang siya ni Jared habang naghihintay silang bumukas ang elevator. "B..Bakit po wala sa oras ang pagkain natin? Araw araw bang ganito?" lakas loob na tanong niya kay Jared "Ngayon lang. Bukas doon kana sa 30th floor. Dahil naiistorbo mo ako" masungit nitong sagot habang nakapamulsa ito Napataas ang kanyang kilay Siya istorbo? Hindi nga siya gumawa ng kahit anong ingay e. Pero mabuti nalang at ililipat na siya nito dahil bored na bored siya sa private office nito Bumukas ang elevator akala niya mauuna itong pumasok sa loob "Ladies first.." pinauna siya nito pumasok kaya nagtaka siya Wow gentleman? Tinaasan niya ito ng kilay "Why?" kunot nuong tanong nito "W..Wala po" Pumasok nalang siya sa loob ng elevator at sumunod ito sakanya. Habang nasa loob sila ng elevator pakiramdam niya ang sikip sikip ng loob nito kahit sobrang laki naman ng elevator. Amoy na amoy niya ang mabangong pabango ni Jared. Tahimik lang itong nakatingin sakanya sa salamin. Napataas ang kilay niya Bakit niya ako tinitignan? "B..Bakit ganyan ka makatingin boss?" Naiilang kasi siya "Naisip ko lang. Niligawan ba talaga kita dati? I mean look at you now.. Mukhang may apat na anak ka na sa pananamit mo. Madami na din wrinkles yung mukha mo.. tsk tsk" Titig na titig ito sa kanyang reflection sa salamin. Halatang iniinis siya nito. Nanlaki yung mata niya sa sinabi ni Jared kaya agad niyang hinawakan ang kanyang mukha. Grabe lang?? Ako? Mukhang may apat na anak??? "W..Well boss. Sorry to disapoint you. Pero niligawan mo nga ako noon at binasted kita" Mataray na sagot niya kay jared. Ngumiti ito "Yeah. I will never forget that" Napapakamot pa ito sa kilay habang natatawa ito "May nakakatawa ba boss?" Hindi niya maiwasan mag taray. Dahil naiinis na siya kay Jared. Bakit siya nito nilalait? Nagpaganda pa naman siya para dito! "Hmm Wala naman." Nagpamulsa ito at hindi na siya pinansin. Pero pangiti ngiti ito. Huminga siya ng malalim upang hindi siya sumabog sa sobrang inis Lumabas sila sa Parking area ng Hoffman's hotel. Hindi na nagulat si Wendy sa magarang sasakyan ni Jared bilang ito ang Ceo at president ng Hoffman's hotel paniguradong mamahalin ang sasakyan nito. Nagtataka si Wendy dahil nasa loob ng Malaking glass room ang kotse ni Jared. Walang ibang naka-park sa parking lot kundi ang kotse lang nito. Pinindot nito ang remote control na hawak nito kaya bumukas ang pinto ng glass car room. Napa-nganga nalang si Wendy at medyo nasilaw sa kotse ni jared. Koenigsegg Trevita! Wow! Its the most expensive car in the world. Two-door, two seater with removable hardtop stowable under the front hood lid. Kulay Silver white ito na parang kumikislap kislap. Sa pakaka-parking palang halatang ini-ingatan itong mabuti dahil bawat gilid ng parking area nito may mga foams upang hindi magasgasan ang kotse nito. Kumikinang ang gulong nito na para bang may mga kumikislap. Tinitigan mabuti ni Wendy ang kotse ni Jared. Mayroon itong diamonds na nakapaligid sa buong kotse nito "Wow!" "Binigay lang sakin yan ni dad..." Napansin kasi nito ang pamamangha niya sa kotse nito. Kulang nalang mag selfie siya sa kotse nito "W..Wow. Paano yumaman ng ganito yung principal natin dati? Diba yun yung daddy mo?" nagtataka kasi siya kung paano yumaman ito ng ganito. "He's not my dad. Gusto ko lang talaga mag aral sa public school that time para maranasan ko lang." "H..Hindi naman public school yun--" "Semi-private" putol nito sa kanyang sinasabi "Hindi mo tunay na tatay si Ginoong Turbosio?" "Nope. He's just my dads friend" Pinindot nitong muli ang hawak nitong remote control at bumukas ng automatic ang pinto ng kotse nito. Wow "E sino ang tatay mo boss?" Hindi niya mapigilan mang usisa.. "Secret" "D..Drug lord?" Nanlaki ang kanyang mata Natawa ito ng konti dahil sa kanyang sinabi "I don't know. Siguro?" Biro nito "Oh my god. Sino ka ba talaga boss? Naguguluhan ako sayo" "Hindi mo na kailangan malaman. Tutal binasted mo naman ako noon " bulong nito kaya hindi niya narinig "Po?" "Wala.. sabi ko sumakay kana." Nauna na itong sumakay sa kotse nito Parang inosente naman si Wendy pag sakay niya sa kotse nito. Pakiramdam niya para siyang prinsesa na nakasakay sa pinakamamahaling kotse sa buong mundo Automatic din gumalaw ang seat belt sa kanyang bewang kaya medyo nagulat siya "Ayy grabe ang high tech naman!" Napapangiti siya dahil sa sobrang tuwa niya. May pinindot lang ito at nag umpisa ng umandar ng kusa ang kotse nito kahit hindi ito pinapaandar ni Jared. Hi boss!! Going home? -Machine "Not yet" Where are we going boss?-machine Wow parang si Dora lang? "In Mi-amore restaurant please" sagot ni Jared sa machine voice ng kotse nito Okay boss. Just Relax and enjoy! -machine Nanlaki ang kanyang mata dahil nagsasalita ang kotse nito at higit sa lahat nakapamulsa lang ang kamay ni Jared. Habang gumagalaw ng kusa ang kotse nito Napalunok siya "S..Sino nag dadrive? B..Bakit nagsasalita yung kotse mo??" Palingon lingon siya sa loob ng kotse. Dalawa lang sila sa loob niyon kaya namamangha siya "It's automatic.." balewalang sagot nito "I..Ibig sbihin gumagalaw ng kusa yung kotse na to? Paano kung mabungo tayo??" Nag panic siya dahil biglang bumilis ang andar ng kotse. Para itong sports car sa sobrang bilis nito "Just relax okay?" "O..Oh my God paano ako mag rerelax eh walang nag dadrive?? Tapos ang bilis pa!" Napahawak siya sa kanyang dibdib. Nagulat pa si Wendy dahil may gumalaw sa kanyang likuran. "Ayy! Kalabaw!" tila minamasahe ng apat na bola ang kanyang likuran Wow?! May taga-massage pa sa loob ng kotse nito?? "Shhh." nag sign ito na wag siyang maingay. Pumikit pa ito at para bang relax na relax ito habang minamasahe ang likod nito ng upuan nitong high tech Huminga siya ng malalim sa sobrang takot niya hindi niya ma-enjoy ang pagmamasahe ng upuan sa likod niya. May background music din sa loob ng kotse nito na parang bang may tumutugtog ng violin at nakaka-antok na musika. Jusko marerelax kaya ako nito?? Madami sila nakakasabay na mga sasakyan sa daan. Halos mga Truck at Bus pa ang nakakasabay nila! Sobrang kabang kaba talaga si Wendy dahil nag oover take pa ang kotse nito. Nagdasal nalang siya na sana safe silang makarating sa pupuntahan nila. Ang lamig lamig din ng loob ng kotse nito. Jusko sobrang yaman naman niya? Nakakaloka na to. Nakahinga siya ng maluwag ng huminto ito sa isang napakagandang restaurant sa Pasig city. Ang tagal na niya nabubuhay sa pilipinas ngunit ngayon lang siya napadpad sa lugar na yon Hi boss. We're here at Mi-amore Restaurant. Enjoy! Doon palang dumilat si Jared. Halata naman hindi ito nakatulog dahil saglit lang ang biyahe nila "Are you okay?" Napakunot ang nuo nito ng makita ang pamumutla niya "G..Grabe tong kotse mo. Wooo wala akong masabe. M..Mag jeep nalang ako mamaya" Hingal na hingal siya sa sobrang kaba Napangiti ito "Akala ko pa naman matapang ka. Bakit dati ang tapang tapang mo?" "Huh? Kailan ako naging matapang?" "Wala. let's go" may pinindot lang ito at automatic nang bumukas ang dalawang pintuan ng kotse nito Napataas ang kilay ni Wendy dahil naka-parada lang naman ang kotse ni Jared sa isang Red carpet! Para bang sinadya ito para talaga ito sa kotse nito. Lahat kase ng mga empleyado ng Mi-amore restaurant nag tipon tipon sa labas ng restaurant upang salubungin silang dalawa ni Jared Anong meron? Bakit parang boss din siya ng mga ito "Good evening Boss." Bati ng mga ito at sabay sabay pang yumuko "Table for two" "Yes boss! This way please" Natataranta yung manager ng Mi-amore restaurant habang gina-guide sila papasok sa restaurant nito. Nakasunod lang si Wendy kay Jared habang naglalakad ito papasok sa loob ng Mi-amore restaurant May mga customers din sa loob ng Mi-amore restaurant na napapalingon sakanilang pagdating. Halata kasi ang special treatment ng mga empleyado ng Mi-amore sakanila Napansin agad ni Wendy na panay mayayaman ang mga taong kumakain sa naturang restaurant. Pinapasok sila ng Manager sa loob ng VIP room ng Mi-Amore restaurant. Pag pasok palang nila gandang ganda na si Wendy sa loob nito dahil panay chandeliers lights ang nakasabit sa bawat sulok ng Vip room. May black and white glass table sa gitna para bang pang romantic date ang pagkakaayos ng lamesa . May dalawang magandang upuan ang nakapalibot sa center table. "Please sit down.." Utos ni Jared sakanya Agad naman siyang umupo sa kabilang upuan. Napapalunok siya sa sobrang ganda ng lugar na ito "M..May ganito palang lugar sa pilipinas no?" Di niya mapigilan mag komento Hindi siya pinansin ni Jared at busy lang ito sa pag order. "What's your order?" Tanong nito "K..Kahit ano nalang" "Walang kahit ano dito" "S..Shirmp nalang" "Tempura?" "Oo yun.. Sige yun nalang" Kinausap ni Jared ang manager ng Mi-amore upang sabihin ang kanilang mga orders. "Okay boss." Nag madali naman agad ang manager halos tumakbo na ito palabas ng Vip room. Halatang kinakabahan ito "B..Boss w..wala akong pambayad dito baka mahal dito?" nahihiya man pero inamin na niya "Magkano ba dala mong pera?" Halata sa mukha nito na inaasar lang siya nito Napalunok siya. Aaminin ba niyang isang daan lang ang dala niyang pera? Hinihintay nito ang sagot niya "O..One hundred lang" "One hundred?" Napakunot ang nuo nito "O..Oo F..First day ko palang sa trabaho kaya wala pa kong pera" Napayuko siya. Sanay naman siya na wala siyang pera ngunit bakit ngayon ramdam na ramdam niyang dukha siya. "Pinapabayaan ka ata ng boyfriend mo?" Maya maya tanong nito sakanya Napatingin tuloy siya dito "W..Wala akong boyfriend" Napainom ito ng tubig. At pinigilan napangiti "Asawa?" Maya maya tanong uli nito "W..Wala din po akong asawa" Tila nakahinga ito ng maluwang. Napansin ni Wendy na parang umaliwalas ang gwapong mukha nito. Para bang nagkakulay "B..Baka bina-basted mo din?" Biro nito "W..Wala naman ibang nanligaw sakin bukod sayo" Napa-inom din tuloy siya ng tubig dahil sa tensyon ng pinag uusapan nila "Don't worry wala din naman akong ibang niligawan bukod sayo" "Y..You mean wala kang girl friend?" Lakas loob na tanong niya "Meron" Aww. Parang nasaktan siya sa sinabi nito pero hindi siya nagpahalata "E..Eh meron pala eh. Paano mo naging girlfriend yun kung hindi mo niligawan?" Hindi niya mapigilan magtaray nanaman bigla kasi siyang nainis dahil may girlfriend na ito "Siya yung nanligaw sakin. Lahat sila ako ang nililigawan nila." pagyayabang nito Napa-irap nalang siya mabuti nalang dumating na yung food nila kaya naputol ang pag uusap nila. Napakadami nitong inorder para bang pang fiesta na sa sobrang dami "W..wala akong pambayad nito. Magkano ba ito?" "Ang dami mong tanong. Kumain kana" Napabuntong hininga siya akala niya pa naman ililibre siya nito. "Ikaltas mo nalang sa sweldo ko--" "It's my treat. Isipin mo nalang welcome celebration ko to para sayo dahil first day of work mo.. Okay na?" Napatango nalang siya. Hindi niya maiwasan kiligin. Sinulit niya ang kanilang pag kain. Sobrang busog na busog siya. Likas na matakaw talaga siya kaya naman hindi na siya nahihiya kay Jared kahit nakikita nito kung gaano siya katakaw. Habang hindi ito nakatingin binalot niya yung tatlong fried chicken sa tissue upang ibigay sa mga kapatid niya. Sayang hindi ako nakapag dala ng plastic hihi. Agad niyang nilagay sa bag niya ang fried chicken na binalot niya. Hindi niya alam na nakikita ni Jared ang kanyang ginagawa kaya tinawag nito ang manager at umorder ng madaming pag kain at pina-take out Nasa parking area na sila ng magsalita ito "Take home mo.." Itinuro saknya nito lahat ng pinabalot nito sa mga crew ng Mi-amore. May tatlong crew ang may hawak nang malalaking paper bag na may lamang pag kain. Naghihintay ang mga ito sa tapat ng kotse ni Jared "Po?" "Sabi ko i-uwi mo nalang lahat ng sobra" "N..Naku sobra sobra na yun boss!" Pero tuwang tuwa siya dahil makakatikim na yung mga kapatid niya ng masarap na pag kain. Napatakbo tuloy siya at kinuha niya ang mga paper bags "Pero salamat boss. Baka mag bago pa isip mo eh!" Napapangiti nalang si Jared. Tinulungan pa siya nitong mag buhat ng paper bags "Ako na boss. Nakakahiya naman--" "I insist.." Binuhat na ni Jared lahat ng paper bags at nilagay sa likod ng kotse nito "Ihahatid nalang kita" Napalunok si Wendy dahil sa sinabi ni Jared. "P..pero magulo po sa lugar namin--" "Hop in.." Bumukas ng automatic ang pinto ng kotse nito Napakamot nalang sa ulo si Wendy dahil wala siyang magawa kundi sumakay sa kotse nito Katulad kanina automatic uli kumapit sa kanyang bewang ang seat belt nito "Anong address mo?" Tanong ni Jared sakanya "S..Sure ka boss? Magulo sa lugar namin--" "Address please" Masungit ito at halatang naiinip na "Sa Hulo mandaluyong po" "Good" Maya maya pa kinausap nanaman nito ang voice machine ng kotse nito at inutusan ang kotse na pumunta sa kanilang bahay. Panigurado magugulat sila Mama neneng nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD