Chapter five.
Hi boss we're here! Super dirty place-machine
Napa-ngiwi si Wendy sa sinabi ng voice machine ng kotse ni Jared.
Lahat ng kapit bahay nila Wendy nakatingin sa kotse ni Jared nang huminto iyon sa tapat ng bahay nila Wendy
Halos lahat ng mga ito nakiki-usyoso sa kotse ni Jared.
"B..Boss sabi ko sayo magulo tong lugar namin.." Nahihiya siya dahil panigurado nadumihan ang gulong ng kotse nito.
"Dito ka nakatira?"
"O..Oo Wag kana bumaba boss baka holdapin ka pa ng mga kapit bahay namin sige ka."
Napakunot naman ang nuo nito
"Hindi kayo safe ng pamilya mo sa lugar na to" Napapailing ito at pinindot ang remote control ng kotse nito.
Automatic na bumukas ang magkabilang pinto ng kotse ni Jared
"Boss wag ka na bumaba--"
Ngunit hindi ito nakinig sakanya. Bumaba ito ng kotse at kinuha ang mga paper bags sa likod
Lahat naman ng kapit bahay nilang chismosa nag bulong bulungan
Aba si wendy yon diba? yung anak ni aling neneng?
oo nga no? Bakit may kasamang gwapo at mukhang mayaman?
Baka G.R.O yan
Napailing nalang si Wendy sa mga bulong bulungan ng mga kapit bahay nilang chismosa
Pinindot muli ni Jared ang button upang magsara ang kotse nito.
Natulala ang mga kapit bahay nila dahil may sariling cover ang buong kotse. Bigla itong nabalot sa itim na cover
Kahit si Wendy namangha sa kotse nito.
Wow parang magic!
Kotse ni batman yan
Napapangiti nalang si Wendy sa mga inosente niyang kapitbahay
"San ang bahay niyo dito?" tanong ni Jared habang bitbit nito ang mga paper bag.
"D..Dito boss.."
Naku sugar daddy niya yan
Swerte naman ni aling neneng mukhang nakasilo ng mayaman ang anak niya
Patuloy padin sa pag bubulungan ang mga tsismosa nilang kapit bahay
"Mga ate mga kuya mga manang mga manong wala pong show dito. Mag si-uwi na po kayo." Sigaw ni Wendy sa mga kapit bahay nila bago niya nilock ng Maliit na gate nila
"Tapang ah.."
Napatingin si Wendy kay jared. Nakahalf-smile ito
"Mga tsimosa eh. G.R.O daw ako at sugar daddy daw kita boss"
"Hayaan mo sila. Mga ganyang tao wag mong pag-aksayahan ng oras mo. Let's go pasok na tayo. Mabigat kasi to"
Muntik na niya makalimutan na may bitbit itong mga pag kain
"Ay sorry boss. Tara.." Nauna na siyang pumasok sa bahay nila.
"Mama? Mama? May bisita po ako!" Pag pasok palang ni Wendy sa loob ng bahay nila parang gusto na niya palabasin agad si Jared. Paano ang gulo gulo ng bahay nila. Halos lahat ng kapatid niya nandoon pati na ang mga anak nito
"Sino yan ate?" Napatayo pa si Carlita ng pumasok si Jared sa loob ng bahay nila
"Boss ko. Nasaan si Mama?"
Halatang gulat na gulat ang walo niyang kapatid. Naka-nganga ang mga ito
"Huy? Natulala na kayo?"
Si Jared naman halatang hindi inaasahan ang makikita sa loob ng bahay nila
"Nga pala boss mga kapatid ko yan lahat. Ako yung panganay."
Halatang nagulat si Jared sa nalaman nito. Pilit itong ngumiti
"Hoy jayson at christof tulungan niyong magbuhat si boss. Dalhin niyo yung mga pagkain sa mesa"
Agad naman sumunod sa utos niya ang mga kapatid niya
Pinagpag agad ni Wendy ang silya sa gilid upang paupuin si Jared
Napapalunok ito habang nakatingin sa mga kapatid niya. May mga karga itong mga baby
"M..Mga kapatid ko silang lahat. Pasensya na boss sabi ko sayo magulo sa bahay namin--"
"No its okay.." pilit itong ngumiti. Nakaramdam ito ng awa para sakanila
Kilig na kilig naman ang mga babae niyang kapatid dahil nagwa-gwapuhan ang mga ito kay Jared
"Upo muna kayo boss." Nahihiya si Wendy dahil alam niyang mayaman ito.
"Sinong bisita mo wendelaria? Nag dala ka pa ng bisita dito alam mo namang tuyo lang ang ulam natin! Di ka talaga nag iisip--"
"Ma! Boss ko po!" Napakamot siya sa kanyang ulo dahil sa taklesa niyang mama.
Kakalabas lang nito ng banyo.
"A..Ay Ser! Nako anak di mo naman sinabing may kasama kang boss mo!" Nagpunas agad ng basang kamay ang kanyang Mama neneng dahil lumapit si Jared dito upang mag mano.
Hmm magalang pala siya
"Ay kaawaan ka ng diyos Ser. Mabuti ka pa nag-mamano sa matatanda etong mga anak ko naku hindi nagsisipagmano sakin ang mga iyan--"
"Ma diba ayaw mong mag-pamano dahil sabi mo hindi ka pa matanda?" Singit ni Carlita
"Tumahimik ka diyan carlita sisilihan ko yang bibig mo" Pinandilatan ito ng kanyang Mama neneng
"Good evening po. Hinatid ko lang si Wendy"
Wow ang galang talaga ah?
"Nako ser! Salamat naabala pa tuloy kayo ng anak ko. Ser wag mo sana tangalin sa trabaho yang anak ko kasi yan lang ang bumubuhay samin ser" Halatang nag-papaawa effect ang Mama neneng niya
"Ma!" sinaway niya ito
Ngumiti lang si Jared
"Hindi ako nagbibiro ser. Nakita mo ba tong magagaling na kapatid niya? Lahat yan nag sipag buntis ke-babata pa! Kawawa naman ang panganay ko kase siya nalang ang bumubuhay sa pamilya namin kaya sana taasan niyo ang sweldo niya---"
"Maaa! Ano ba naman kayo nakakahiya kay boss!" Agad niyang pinalayo ang Mama neneng niya kay Jared bago pa kung ano ano ang sabihin nito
"Dumedeskarte na nga ako sa boss mo para maambunan tayo--"
"Ma nakakahiya!" bulong niya sa mama niya.
tumahimik naman sa wakas ang mama neneng niya
"Boss pasensya kana" Napapakamot sa ulo si Wendy dahil nastress talaga siya
"Okay lang" ngumiti ito ng tipid.
"Ma may pagkain kaming dala. Binili po yun ni Boss para sainyo"
"Wow! Tara chibog!"
Mabilis pa sa hangin na nagsitakbuhan ang mga ito papunta sa kusina upang mag unahan sa pagkain
Napangiwi nalang si Wendy dahil parang patay gutom ang pamilya niya.
"Hey.." napansin ni Jared na nasstress na siya
"Boss pasensya kana kung magulo pamilya ko--"
"Ang cool nga ng mama mo"
Natigil siya sa pag sasalita dahil sa sinabi nito
"C..Cool si mama? Hindi ka ba nainis sakanya?"
Umiling ito
"She's nice. Ang dami niyo pero hindi niya kayo pinabayaan"
Napangiti siya
"Tama ka diyan boss. Strong yan si Mama eh.. Hehe boss uwi kana baka utangan ka pa ni mama"
Napangiti si Jared. Ngayon lang napansin ni Wendy na sobrang gwapo nito kapag nakangiti. Mapuputi ang ngipin nito na para bang inalaagang mabuti.
"Fine. See you tomorrow"
Nag paalam si Jared sa kanyang pamilya bago ito umalis ng bahay nila.
Hindi alam ni Wendy na nagbigay ng twenty thousand ni Jared sa Mama neneng niya kaya todo ngiti ito
"Anak napaka-gwapo naman ng boss mo. Galante pa!"
"Galante?" napakunot ang nuo niya
"Ah eh..Ang ibig kong sabihin diba namigay pa ng masarap na pag kain?"
"Ahh. Akala ko po inutangan niyo si Boss eh"
"Uyy Hindi ah!" Labas sa ilong nitong pagtangi
"Sige na po Mama matutulog na po ako"
"Ate! Wagi ba ang kilay of the day natin?" Tanong ni mengay nung nasa hagdanan na siya
"Winner!"