"Girlfriend, what happen?" "N-nothing." Bigla akong natauhan nang biglang lumapit sa akin si Kaito at dinampot ang mga nalaglag na damit sa sahig. "You're crying." Pansin ko ang pagkagulat ni Kaito nang tumunghay na siya sa akin habang hawak niya ang ilang piraso ng mga long sleeve. Kahit ako ay natigilan din sa kanyang sinabi kaya kaagad akong tumalikod sa kaniya pero kaagad niya rin akong hinila at iniharap sa kaniya. Binitawan niya ulit ang mga damit at hinawakan ang magkabila kong pisngi at pinunasan ang aking mga luha. "Why are you crying? Is it because of what I did earlier? Is it because of me? f**k! I'm so sorry, baby. I'm sorry. Please forgive me, baby. It will never happen again!" Bumakas sa mukha ni Kaito ang sobrang pag-aalala para sa akin. Hindi ako nakaimik at nanatili

