Ibinaling ko sa ibang direksyon ang aking paningin at nagkunwaring wala akong nakita. Napansin ko naman sa peripheral vision ko ang pagbawi niya rin ng kanyang tingin at tumuon sa mga bagong kasal na kasalukuyang sumasayaw sa gitna ng bulwagan. Pinilit kong pamanhirin ang aking pakiramdam at hindi damdamin ang sakit ng pambabalewala niya sa akin. Natanaw ko sa isang sulok sa bandang likuran sila kuya Liam at kuya Cedric. Kasama si Maezie at Ms. Niricka Delavega kaya doon ko na rin piniling pumwesto sa malapit sa kanila. Pasimple kong tinitigan ang dalawa kong kapatid. Pansin ko ang gana sa pagkain ni kuya Cedric. Halos kamayin na niya ang pagkain kundi lang inaawat ni Maezie at inaalalayan. Para siyang gutom na gutom at kakaiba ang klase ng kanyang pagtitig sa mga pagkain. His eyes fill

