"Grabe sobrang ganda mo talaga, hindi na ko magtataka pa kay Congressman," saad ng bading na nag-aayos sa kanya matapos nitong maipahid sa labi niya ang pang finally na lipstick. "Kahit kanina wala ka pang make up lutang na ang ganda mo, at lalo pang lumutang ngayong nailagay na sa iyo ang perfect shade,' saad pa ng bading. "So elegant, Ma'am," saad pa ng isang bading na assistant ng nag make up talaga sa kanya. Totoo ang mga papuring natanggap niya mula sa mga ito, dahil siya mismo parang hindi niya nakilala ang sarili nang makita kung gaano siya kaganda. Iba pala talaga ang naibibigay ng tamang ayos sa isang babae. Tamang make up sa mukha at parang magic na bilang ibang tao na ang tingin niya sa kanyang sarili habang nakatingin sa salamin. Hindi pa niya suot ang kanyang dress na binil

