Kahit ayaw niyang sumama sa farm na sinasabi ni Miko wala siyang nagawa. Mas gusto pa naman sana niyang mag stay sa bahay at maghanda para sa pag alis nila ni Andrie bukas. Ano man ang sabihin ni Miko itutuloy pa rin niya ang plano niyang pagpunta sa Maynila para mag audition. Walang makakapigil sa kanya, lalo na desperada na siya dahil sa utang ng Daddy niya. Hindi pa siya nababaliw para tanggapin ang alok na tulong ni Miko sa kanya. Nais nitong magka anak sila kapalit ang isang daang milyon. Hindi siya baliw para patulan ang laro nito. Aanakan siya nito tapos itatago rin nito ang magiging anak nila. Pag nangyari iyon dalawa na silang tinatago ni Miko at dalawa na silang kawawa. Hindi niya nais maging kawawa ang anak niya, hindi niya gustong matulad sa kanya ang anak niya. Kung magkaka