Kinagabihan pinagtulungan nila ni Mikel ang paghahanda ng dinner para sa kanilang dalawa, wala naman kasi silang ibang kasama sa bahay, kaya sila ang kikilos. "Marunong kang magluto?' Mikel asked habang inilalabas na niya ang iluluto nila sa for dinner. "Oo, pero iyung normal at simpleng pagkain lang, hindi katulad ng mga kinakain ng mayayaman katulad niyo," tugon niya rito. "What? Liyah pareho lang ang pagkain ng mayayaman na sinasabi mo sa ibang tao,' Mikel said. "Hindi naman kami nag di-dinner ng steak,' saad niya at tinaas ang hawak na steak. Wala naman kasing ibang laman ang ref kundi steak at ilang karne na matagal lutuin at least ang steak madali lang iluto. Nakapanood na siya sa social media kung paano iluto ang steak kaya may idea na siya. Para na rin hindi siya pumalpak iniha

