"Wow, Liyah latest model itong phone mo ah, ang galing naman,' saad ni Evie sa kanya. Kailangan kasi niyang ipakita sa mga ito ang cellphone para maturuan siya kung paano gamitin iyon. Medyo nag-uusisa ang mga ito pero iniiwasan na lang niyang sumagot. Sinabi kasi ng mga ito na mamahalin ang cellphone, kaya napapatanong ang mga ito sa kanya. Mabuti na lang at hindi siya pinipilit sumagot ng mga ito. Hindi niya nais malaman ng mga ito ang tungkol sa kanila ni Congressman. Dalawa na lang ang kaibigan niya baka mawala pa. "Siguro may mayamang kang manliligaw ano?" Biro sa kanya ni Jade. "Naku wala no. At kung meron man sasabihin ko naman sa inyo," tugon niya sa mga ito. "Well, ok lang naman kung hindi mo pa masasabi sa amin ngayon kung sino ang nagbigay ng cellphone mo, basta Liyah huwag

