Naglakas loob na siyang ipagpatuloy ang paghalik sa labi ni Liyah, nang maramdamang tila handa naman ito sa kanyang halik. Hindi ito tumutol nang maglapat ang kanilang mga labi, kaya nagpatuloy siya. Una niyang napansin ang tila hindi malaman ni Liyah kung paano tutugon sa kanyang halik. Naiintindihan naman niya iyon, dahil siya pa lang ang unang lalake sa buhay nito bagay na lalo niyang nagustuhan sa dalaga. Handa siyang magturo sa dalaga ng lahat ng kanyang nalalaman pagdating sa ganitong bagay. Isa pa parang nakakasabik ang magturo sa isang inosenteng tulad ni Liyah. Banayad ang bawat galaw ng kanyang labi para maalalayan si Liyah, hindi niya nais biglain ang dalaga, lahat naman ng bagay ay madadaan sa dahan-dahan. May malambot na mga labi si Liyah na nagpasiklab ng init sa kanyang b

