Chapter-33

1506 Words

Kinabukasan masakit ang ulo niya nang bumangon. Magdamag siyang gisinh dahil sa gumugulo sa isip niya. Hindi niya alam kung kaya ba ng konsensya niyang pabayaan ang pamilya niya sa nangyayaring ito. Mukhang hindi rin kasi niya maaasahan ang Kuya Ariel niya sa panahong ito, busy yata masyado ang kapatid sa girlfriend nito. Si Kate naman estudyante pa ito at walang maitutulong financially. Kaya siya lang ang inaasahan ng mga magulang niya, at ang inaasahan ng mga ito na hihingan niya ng tulong ay si Miko. "Ang sakit sa ulo ng problema,' bulong niya sabay bangon na para makapag hilamos at makababa na. Linggo ngayon kaya tiyak na nasa bahay lang maghapon si Miko at makakasama niya ito. Hindi niya alam kung ano ang panibagong pag-uusapan nila o tamang sabihin na pag-aawayan nila at pagbabangay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD