Kinabukasan maaga niyang tinawagan ang kaibigan niyang si Andrie, nais niyang magpatulong rito sa paghahanap niya ng trabaho bilang modelo.
Buong gabi siyang hindi nakatulog dahil sa kaiisip sa isang daan milyong utang ng Daddy niya sa banko na pwedeng kumuha sa bahay nila at iba pang mga ari-arian.
May kaunting ipon siya mula sa sagot niya pag nakakapag part time siyang model sa New York, although hindi naman ganun kalaki iyon, pero makakabawas pa rin naman. May mga luxury bags and shoes din siya na nasa Apartment pa niya sa New York ang pwede niyang ibenta pagdagdag sa babayarin. Kung pagsama-samahin ang mga iyon kahit papano mababawasan ang utang ng Daddy niya.
Naisip kasi niyang baka hindi naman siya tulungan ni Miko financially dahil wala naman siyang pakinabang rito, isama pang tinatago nga siya nito at hindi nais ipaalam sa mga taga San Juan ang tungkol sa kanya. Isa pa nahihiya niyang ilapit sa asawa ang problema ng pamilya niya. Kung sana personal niyang utang ang mga iyon, pwede pang ito na ang magbayad, tutal mag asawa naman kasi sila, kaso hindi, utang iyon ng Daddy niya, at dapat na silang pamilya ang mag solve.
Naisip niyang sabihin niya sa Kuya Ariel ang kalagayan ng bahay nila para tumulong ang kapatid sa pagbabayad sa utang ng Daddy nila. Tiyak naman kasi na may pera ang kapatid kahit papano dahil may trabaho naman ito. At siya magtatrabaho siya habang nag-aaral para makatulong. Kung pagtutulungan nilang bayaran ang utang matatapos din nila nang hindi na kailangan pa ang tulong ni Miko.
Kung hihingi kasi siya ng tulong kay Miko, tiyak na hindi ito tatanggi lalo na ang Daddy niya ang may kailangan, iyon nga lang naisip niyang baka naman singilin siya ng asawa sa ibang paraan at ayaw niyang maging sunud-sunuran siya kay Miko, ayaw niyang mawala sa kanya ang kaunting kalayaan pa niya.
"Kailan mo ko pwede samahan patungong Manila?" Tanong niya kay Andrie nang masabi na kailangan na niya ng trabaho asap.
"Next week, I guess masasamahan na kita," Andrie answered.
"But, wait. Sigurado ka bang safe na makipagkita ako sa iyo. Ayoko ng gulo Patricia. Baka naman biglang sulpot ni Vice Mayor," Andrie said.
"Hindi iyan. Ako na ang bahala," tanging tugon niya. Limited lang kasi ang pwede niyang sabihin kay Andrie about kay Miko, baka madulas siya at malaman pa ng kaibigan na asawa niya ang Vice Mayor sa bayan nila.
Nang masigurado na ni Andrie na masasamahan siya nito next week sa kaibigan nito para makapag audition, agad na rin siyang nagpaalam sa kaibigan at naghanda na sa pagbaba para mag almusal na.
Weekend ngayon at walang pasok si Miko sa munisipyo. Ang alam niyang may dinner mamayang gabi sa bahay nila. Sana na lang hindi na muna sabihin ng Daddy niya kay Miko na kailangan nito ng pera, para hindi na makigulo pa si Miko sa problema nila.
Nagbihis muna siya bago bumaba. Wala siyang masyadong dalang gamit kaya nag dress na siya kahit nasa bahay lang siya. Hindi niya nais akitin ang asawa niya sa pagsusuot ng maganda at seksi sa loob ng bahay. Sadyang wala lang siyang maisuot pa dahil kaunti lang ang dala niyang mga gamit.
Pagbaba niya agad niyang tinanong sa kasambahay kung nasaan si Miko. Sinabi naman nitong nasa labas pa ang asawa niya at nag jogging daw. Kaya naman nagtungo na muna siya sa hardin para magpahangin at magpa araw na rin.
Habang naglalakad napasulyap siya sa may swimming pool at lihim na napangiti. Tiyak kasi niyang sumakit ang puson ng asawa niya kagabi. Natutuwa siyang kahit papano nakakaganti siya rito sa ganoong bagay.
"Good morning," napalingon siya nang marinig ang tinig ng asawa. Natingilan pa siya sa paglalakad nang makitang wala itong suot pang itaas habang nagpupunas ito ng pawis. Tanging jogger pants lang ang suot nito at running shoes. Nakabandera sa kanya ang magandang katawan nito na may abs pa.
Napalunok siya at pinilit na tinikom ang kanyang bibig na nakanganga yata sa pagkakatitig sa magandang katawan ng asawa.
"Good.. Good.. Morning," utal niyang bati sa asawa.
"May lakad ka ba?" Miko asked nang matapos itong magpunas ng pawis sa mukha. Kahit medyo mukhang pagod ito sa pagtakbo at pawisan hindi man lang nabawasan ang kagwapuhan nito.
"Wala," tugon niya at iniling ang ulo.
"Great, after breakfast pwede kang mag mall para mamili ng mga kailangan mo," Miko said.
"Mag mall?' Na excite pa niyang tanong sa asawa. Ilang araw na rin siyang nakamukmok lang sa loob ng bahay, baka nga deserve niya ang lumabas naman at mag mall.
"Yes, Sasamahan kita with my security, pero hindi tayo pwedeng malapit sa isat-isa," Miko said to her.
" I know,' tanging tugon niya rito.
Hindi kasi sila pwedeng makitang magkasama nito. At parang ganun na rin ang gusto niya. Tiyak kasing marami ang magagalit at maiinis sa kanya pag nalaman nilang siya ang asawa ng Vice Mayor.
"Mag shower lang ako saglit then mag breakfast na tayo para makaalis," Miko said. Tango na lang ang naging tugon niya rito.
"Nice dress, sweetheart," pahabol pa sa kanya ng asawa sabay kindat.
Iniling na lang niya ang ulo at sinundan ng tingin ang asawang papasok sa loob ng bahay.
"Pa sweetheart, sweetheart pa hindi naman sweet," inis niyang bulong.
Saktong pagpasok niya sa komedor dumating naman na ang asawa na nakasuot ng puting polo shirt at khaki short. Hindi niya alam pero iba ang datingan ng mga lalaking nakasuot ng puti. Parang ang bango kasi ng mga ito. Napaka neat pang tignan katulad na lang ng asawa niya na sobrang gwapo pa kahit simple lang ang suot.
"Sa monday pala Patricia pwede ka ng pumasok sa school. Naayos na ang lahat," Miko said habang kumakain na sila nito.
"Salamat," pasalamat niya rito.
"Iyung mga gamit mo sa apartment pinapaayos ko na rin para maipadala na rito," saad pa ng asawa sa kanya.
Muli siyang nagpasalamat rito, dahil kailangan na niya ang mga gamit niya para ibenta at makabayad sa utang ng Daddy niya.