LYKA “WALA na ba talagang pag-asa na magkabalikan kayo ni Ucle Verex?” usisa sa akin ni Stella habang sabay kaming bumababa ng hagdan. Pupunta kami ngayon sa sementeryo. Gusto kong bisitahing muli ang aming magulang bago kami umuwi ni Pablo sa Legazpi bukas. Kasama rin namin si Pablo pero sumaglit muna siya sa kuwarto ng kaniyang ama upang magpaalam. Kaya kinulit na naman ako ng kapatid kong ito. “Huwag mo nang itanong. Hindi mo maiintindihan kahit ano pa man ang sasabihin ko dahil hindi ka pa naman nagmahal,” pabirong sagot ko sa stepsister ko. “You know, ikaw naman itong harsh sa’kin ngayon.” Inirapan niya ako kunwari. “Porke ba’t hindi pa na-in love, hindi puwedeng magtanong?” “Bakit kasi ayaw mo pang mag-boyfriend?” tanong ko rin sa kaniya. “You’re already twenty-nine. Dapat nga