LYKA MULA sa sala ay tumakbo ako pabalik sa kusina upang magtago sa aninong humahabol sa akin. Sa haba ng patalim na dala niya, siguradong hindi niya ako bubuhayin. Pero sino ang nagmamay-ari ng anino na iyon? At bakit gusto niya akong patayin? Abot-langit ang aking kaba habang nagtatago ako rito sa loob ng cabinet. May hawak akong tubo na puwede kong gamitin bilang depensa kung sakali. Ang higpit ng hawak ko rito habang hinihintay ko ang papalapit na mga yabag. Subalit mayamaya lamang ay biglang nawala ang mga yapak na iyon. Lalong tumahimik ang paligid. Wala na ba siya? Umalis na ba dahil hindi niya ako nakita? Wala sana akong balak na lumabas sa aking pinagtataguan hangga’t hindi ko nasisiguro na wala na nga talagang panganib ang naghihintay sa akin sa labas. Ngunit bigla kong naa